Chapter 2 ang simula

84 3 0
                                    

A: lumiwanag ang isang puno ng acasia sa gitna ng kagubatan yun ang pintuan patungo sa isang naiibang mundo..bawat dekada ay bumubukas ang pintuan patungo sa lugar na malayu sa tirahan ng mga tao lahat doon ay maganda ang paligid ay puno ng makukulay na halaman meron ding higanteng fountain sa gitna ng harden at kumikinang kinang ang mga paru paru sa paligid..araw araw ay may bahaghari...napakataas ng gate ng palasyo at lahat yun gawa sa diamante.. sa hagdanan ka palang papasok ay ngingitian ka na ng mga maharlikang guwardiya na nakasuot ng pormal na damit..at pagbukas sa pinakamagandang pintuan ay bubungad na sayo ang napakagarang hagdanan sa loob ng palasyo paakyat sa kwarto ng hari at sa prinsipe diamante at ginto lahat gawa sa ganun..mapapanganga karin sa higanteng chandelier na sobrang ganda di mo lubos maipaliwanag ang ganda..dumako naman tayo sa kusina ng palasyo kung saan abala ang lahat sa pagluluto at paghahanda para sa mga gobernador mga bisita at para sa mga maharlika sa palasyo.ganun din sa dinning area nila napakalawak..isang daan ang kakasya sa kanilang lamesa na gawa sa silver at may mga decoration pang mga prutas sa mesa at bulaklak din..balik naman tayo sa sala na doon nagdadaos ng piging ang kaharian meron na siyang mga decorasyon na makukulay na bumagay sa blue castle..tumungo naman tayo sa kwarto ng prinsipe na napakalaki at pwedeng tumira doon ang isang mag anak sa laki nun...may sarili din itong paliguan at swimming pool na kumikinang sa linaw..may terace din na sobrang matatanaw mo ang kabuuan ng palasyo na maganda at payapa at bago ko makalimutan kaya tinawag na blue castle o blue palace ang kaharian nila dahil ang mga tao doon ay nagtataglay ng asul na mata lalo na ang mga maharlika..tumungo naman tayo sa likuran ng palasyo kung saan makikita ang isang higanteng talon na walang gaanong may lakas na loob na tumalon mula sa tuktuk pagkat napakataas at ang mga may kapangyarihan lamang ang makakagawa..may isang malaking puno din sa tabi ng ilog na matibay at sabi nila doon daw sa ilalim ng ilog ang mahiwagang pintuan na bumubukas kada isang dekada o sampung taon pintuan tungo sa mga tao pagsinisid mo daw yun ay may pintuan daw at puno ang iyong magiging labasan (sa intro) doon natagpuan ang dating reyna na na ngyon ay naglahu bigla...
Ngunit kahit ganun ka akit at kaganda ang palasyong yun ay ganun din kalungkot ang hari na nag iisa lagi sa kanyang silid umaasa siyang balang araw ay makita muli si jenna at kanilang anak..
Kay jiwon naman para sakanya normal na araw lang yun para mag ensayo..nasa tuktok siya ng talon nakatayo at minasdan ang agos ng tubig nakapikit siya at inunat niya ang kanyang mga kamay dahil tatalon na siya..
Mae cha: asan na ba kasi si prinsipe jiwon?
Napakamot ng batok sina mae cha..
Kangwoo: hindi ko alam kung saan na naman yun pumunta..pero ..teka lang..naalala ko nung mga bata pa tayo may isang lugar siyang laging pinupuntahan eh.
Mae cha :ano? Sa talon na naman siya?
Sabay: nangako siya na pag lumaki na siya tatalon siya dun..
Dahil hangin ang kapangyarihan ni kangwoo ay tinangay na niya agad si mae cha..pagdating nila sa taon nakita nila na tatalon na si jiwon .
M/k:waggggggg............
Natigilan si jiwon pero umiling lang ito at agad tumalon..napapikit sila at dahil natatakot si mae cha at gumapang sila sa sanga ng puno papuntang tuktok..tinanaw nila kung asan na ang prinsipe nila
Maa cha:asan na ang mahal na prinsipe kang woo.
Kangwoo: ewan ko..sisidin mo na dali!
Mae cha: baka nakakalimutan mo? PA lang ako ng prinsipe wala akong kapangyarihan kundi yung asul na mata..ikaw hangin ka..sisidin muna..
Tinulak tulak niya si kangwoo.
Kangwoo: anu ba mahuhulog ako dito..di ko na nadidiskubre ang powers ko..baliw..kaw babae ka!!
Mae cha: si prinsipe asan na kasi!!
Biglang kumulo ang tubig sa ilog at maya maya ay nagkaroon nga parang whole na tubig at sumulpot bigla si jiwon ..para siyang buhawi iniikutan siya ng tubig at nakapikit siya..
Kangwoo:wow!
Mae cha: prinsipe mag ingat ka ha
Nagulat si jiwon kay nawala siya sa concentration at kaya nahulog siya bigla sa ilog at naaanod siya..kaya wala ng choice ang dalawa at tumalon din sila..tatlo silang naanod sa ilog at ng maabot na nila ang kamay ng isat isa at naghanap sila ng makakapitan..kaya naligtas nila ang prinsipe.humihingal sila habang nasa gilid ng pangpang.
Mae cha: ang galing mo sana kamahalan kasu sumemplang ka.
Yumuko lang si jiwon kaya siniko ni kangwoo si mae cha.
Jiwon: kung hindi kalang sana sumigaw..hindi ako mawawala ng konsentrasyon at di ako mahuhulog..sinusubukan ko lahat para lumabas ang kapangyarihan ko pero kayo lagi yung dahilan kung bat ako pumapalpak
Mae cha:ganun na ba talaga ako ka ganda kamahalan para madistract ka ng bongga??
Nagpacute siya sa harap ni jiwon at tinalikuran sia nito kaya natawa si kang woo
Mae cha: binibiro ko lang naman ikaw kamahalan.
Tumayo si jiwon..pero pina upo ulit ni kang woo si jiwon
Kangwoo:oopss..kamahalan.wag ka munang umalis..baka saan saan ka na naman sumuot suot at mahilo kami sa kakahanap sayo.
Jiwon:dinidiskubre ko lang ang kapamgyarihan ko kangwoo..ayokong maging tulad mo na sobrang duwag.
Tumayo si kangwoo dahil parang sasalakayin niya pero pinigilan siya ni mae cha at kumakalas kalas naman si kang woo..nagpigil naman si jiwon na tumawa.
Kangwoo: magkababata tau..lagi kitang binabantayan bakit ganyan ka sakin magsalita? Para malaman mo inaantay ko lang yung powers ko na kusang lumabas noh..di ako tulad mo na nagmamadali..labing siyam palang tayo di pa tau nag bebente anyos..bitawan mo nga ako mae cha.
Binitiwan siya ni mae cha kaya napasubsub siya sa lupa..at nagtawanan silang tatlo..maya maya ay tumingin sa kawalan si jiwon at nanahimik nalang ang dalawa..

the blue castle ( twins battle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon