He Said, She Said

6.7K 134 72
                                    

Sarah was still peeking out the window when Gerald drove off. And all the while Mommy Divine was observing her.

“Mukhang mabait si Doc Gerald ah,” Mommy Divine told Sarah, who was still by the window,

“Ay butiki! Mommy naman nangugulat.”

“Type mo ba s’ya? Gwapo rin ah.”

“Naku Mommy ha.”

“Hindi ba nanliligaw o nagpaparamdam man lang si Doc Sam? Aba naunahan na s’ya ng kaibigan n’ya.”

“Mommy naman may pagkachismosa.”

“Eh kwentuhan mo kasi ako.”

“Totoo po ‘yung sinabi ni Ge na nakakausap ko na s’ya bago pa kami talaga nagkakilala. Nakilala ko po sila sa isang wedding lang po, ‘yung sa bestfriend ni Ge.”

“Ano, wala na ba sa eksena si Doc Sam?”

“Nasa Amerika daw po s’ya ngayon pero sinabi na po sa akin ni Ge na hinihingi po ni Sam ‘yung number ko at parang may balak nga din daw po.”

“Aba anak, may lahi pa pala talaga itong si Doc Sam ha.”

“My, si Ge din po mukhang meron din kasi Anderson po ang lastname n’ya.”

“Anak bilib na ako sa beauty mo. Hindi lang basta doktor ang nabighani mo, Amerikanong doktor pa. At ang mas nakakagulat d’yan ay hindi lang isa kundi dalawa pa.”

“Syempre naman Mommy, ano naman ang akala mo sa akin… just-just lang? Beautiful talaga itong anak mo.”

“Oo anak, alam ko ‘yun kasi magkamukha tayo eh.”

“Aysus si Mommy nakisawsaw pa,” Sarah joked.

“Anak kung manligaw nga si Doc Sam sa ‘yo paano na? Eh di ba magkaibigan sila.”

“Eh di sasagutin ko po kung sino ang magugustuhan ko. ‘Yan po eh kung kaya nilang manligaw ng matagal.”

“So anak pahihirapan mo pa sila ng maigi?”

“Syempre naman Mommy, dalagang Pilipina pa rin naman po ako.”

“Sige anak mabuti ‘yan pero ‘wag mo masyadong patagalin ha kasi baka mahuli ka na sa byahe. Hindi ka na rin naman bumabata. Gusto po namin makakita ng daddy mo ng apo.”

“Mommy apo agad ang iniisip eh wala pa nga po akong boyfriend.”

“Bakit may manliligaw ka naman ah. At anak siguro kung isa sa kanila ang makatuluyan mo eh ang gaganda ng magiging anak n’yo kasi may lahi eh.”

“Hoy Mommy, tigil-tigilan mo nga ‘yang anak mo. At apo na talaga ang iniisip mo. Bago makuha ng kahit sino sa kanila ang kamay ng anak ko ay dadaan muna sila butas ng karayom,” Daddy Delfin said who came out of nowhere.

“Daddy nand’yan ka pala,” Sarah said.

“Anak ‘wag ka magpapapressure d’yan sa Mommy mo. Follow your heart. Doon ka kung saan ka magiging masaya.”

“Grabe lang kayong dalawa ha. Kakatapos lang magpaalam ni Ge sa inyo at si Sam ay hindi naman nanliligaw pero grabe na ang mga advice. Pupunta na nga ako sa kwarto at  baka kung saan pa mapunta ang usapan natin. Good night po,” she said then kissed her parents.

Gerald was surprised when he got home and saw the ground floor of the house all lit up. He was even more surprised when he caught sight of his friends Enchong, Fred, Ali and Jalal in the living room having a drinking session with his brother Ken.

“Kuya, good that you’re here. The gang has been waiting for a long time. Malapit na nga maubos ang beer eh,” Ken said.

“What the heck are you guys doing here? At ikaw Fred, kakagaling mo pa lang sa honeymoon tapos iniwan mo agad ang misis mo.”

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon