chapter 41

992 29 0
                                    

#RBP_PLEASE 

~CHAPTER 41 ( first Ending ) 

(*Ryn POV*)  Nagising ako sa ingay sa paligid may tumatawa at may umiiyak na iwan ng imulat ko mata ko nakita ko sila Mommy na may hawak na baby kaninong baby yan? Naramdaman ko naman may humawak sa kamay ko  

“baby gising ka na” sabi ni Kib tinignan ko siya at may hawak din siyang baby  

“Si Kirbn, baby” sabi niya oh shit naalala ko na nangnak na pala ako oh naiiyak ako 

“si Rikbn ayon nakila mommy” sabi niya ulit habang sinasayaw sayaw pa ni Mommy ang anak ko  

“pwede ko ba siya hawakan?” tanong ko kay Kib agad din naman niya binagay sa akin si Kirbn tulog na tulog siya ganito pala ang feeling na mabuhat mo ang anak mo na inigatan mo sa loob ng 9 months ang saya Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya kasi ligtas ko silang naiilabas 

“bakit mahaba na kaunti buhok nila?ganito ba talaga sila nung nilabas ko?” Tanong ko kay Kib may buhok na kasi sila kaunti  

“One months na sila baby” nagulat ako sa sinabi ni Kib one month? Seryoso e gayun lang ako nagising ah 

“One month ka kasing tulog Ryn” sabi ni kuya Nixon na ikinagulat ko ganun ako katagal na tulog bakit? E naganak lang naman ako nagulat naman ako ng umiyak si Rikbn  

“gutom na si baby Rik wait lang ha” sabi ni Mommy at agad pumunta sa gilid kung saan ang mga gamit may Gatas doon at baby bottle so ibig sabihin hindi sila sa akin dumedede  

“Baby Thank you” sabi ni Kib sa gilid ko ano topac nito   “for what?" Tanong ko sa kaniya 

“sa pagbigay nila Kirbn and Rikbn” sagot niya sa akin tapos hinalikan niya noo ko  

“I love you so much mas lalo kitang minahal at mamahalin pa habang buhay ikaw lang sapat na  you are my one and only Ryn”

~ AFTER 4 YEAR'S~

“No thats mine kuya kirn” sigaw ni Rikbn sa kuya niya   “No” sagot lang nito  

“Kirn and Rik stop” sabi ko sa kanila ng aaway kasi sila sa laroan ayaw maglaro ni Kirbn pero pinipilit siya ni Rikbn kaya ayun kinuha ni Kirbn ang laroan niya at tinago  

“Kirn ilabas mo na anak”  
“but mommy I don't want to play Rik pinipilit niya ako kaya dapat lang na itago yun” sagot nito sa akin nakong bata talaga si Kirbn kasi mas gugustuhin niya pa magbasa ng book kay sa mag laro 

“okay kuya hindi na kita pipilitin, please back my toys please please ” pagmamakawa nito sa kuya niya mas lamang kasi si Kirbn ng oras sa kaniya. 

“Okay nasa ilalim ng kama ko” sagot nito sabay basa ulit ng libro agad naman tumakbo si Rikbn sa taas kasama nani niya  

“Kirbn wag mo gagawin ulit yun” pagsabi  ko dito  

Si Kirbn kuhang kuha ang mukha ng daddy niya wala manlang sa akin at nakuha niya din ang ugali ng daddy ang matahimikin, mahilig magbasa, malinis, at matalino ayaw niya sa lahat na pinipilit siya sa bagay na ayaw niya lalo na ang maglaro wala daw kasi yun sa Dictionary niya ang maglaro at hindi rin ako hirap sakaniya.   

Si Rikbn naman mana niya ang ugali ko pero yung mukha pinaghalo ng mukha ko at mukha ni Kib midyo chubby rin siya. Hiling niya maglaro pero minsan ng babasa din siya matalino din siya tulad ng daddy niya madaldal at minsan topakin tulad ko at favorite niyang panoorin ay mermaid man naalala ko nung ng mala mermaid si Kib hahaha.. 

“mom gutom na ako” sabi ni Kirbn sabay upo sa gilid ko   “ano gusto mo kainin?” tanong ko sa kaniya siya naman yumakap sa akin sweet din siya tulad ng daddy niya silang dalawa magkapatid  

“wait mom I ask Rik kung ano gusto niya” sabi nito sabay takbo papunta sa taas kahit lagi sila ng aaway mahal nila ang isat-isa. 

~ Flashback~  “kuya paano to?” tanong ni Rikbn nasa loob sila ng room nila nakasilip lang ako sa kanila   “Ganito Rik yung itim sa likod at yung puti sa harap” sabi niya sabay na pinasok niya ang Socks sa paa ni Rikbn

  ––––––––––––

“Kuya I love you” sabi Rikbn habang nakahiga sa kama  
“I love you too Rik Goodnyt” 

––––––––––

“Kuya ano gusto mung dinner? ” tanong ni Rikbn   “ikaw ano ba gusto mo?” balik na tanong ni Kirbn sa kapatid niya

  “gusto ko adobo” sagot niya sa kuya niya   “okay yun na din akin” 

~ End Flashback ~

  Kung ano gusto ng isa yun na rin ang gusto ng isa. Pagdating sa pagkain hindi sila ng aaway magkasundo silang dalawa. 

“ I'm Home” sigaw ni Kib pagpasok niya sa pinto baliw talaga lagi kasi siya sumisigaw pagnakauwi na siya  

“Daddy/Daddddyyyyyyy” takbo at tawang nila kay Kib lagi silang ganyan samantalang ako  

~ Flashback ~  

“ I'm home ” Sigaw ko ginaya ko si Kib nakita ko naman yung dalawa nakaupo lumigon sila sa akin 

“Hi momm/ Hello mom” sagot lang sa akin hindi manlang ba sila tatakbo papunta sa akin tapos sisigaw ng Mommmyyyy hindi patas 

~ End Flashback ~ 

“Daddy kamusta po sa work mo?” Tanong ni Kirbn sabay na kinuha ang dala nito.. ang daya talaga huhuhu 

“Wife bat ganyan mukha mo?” tanong niya sa akin sabay yakap namiss ko talaga siya sobrang busy niya kasi paguuwi siya tulog na kami pagaalis naman siya tulog pa kami gayun lang daw siya babawi  

“ I'm sorry, nandito naman na ako e” sabay halik niya sa noo ko  

“Mom,dad please wag kayo dito sa harap naman ano pa silbi ng room niyo kung dito kayo gagawa ng little sister namin” nasamid ako sa sinabi ni Rikbn sa amin ng daddy niya si Kirbn naman tago lang ng tago ano daw little sister? Papagalitan ko sana si Rikbn ng magsalita si Kib  

“Narining mo Wife little sister daw,Ano tara na?” baliw talaga si Kib ginatongan pa ang sinabi ng anak niya  

“pero bago yan mom gutom na ako” sabi ni Kirbn sa akin kaya naman hinila ko si Kib sa kusinan para maghain na at kumain kami na hindi mawawala ang tawanan at kwentohan  

Sobrang saya ko at natupad ko na ang pamilyang pinapagarap ko na noon ay imagination lang gayun kaharap ko na. Ang sarap mabuhay na kasama sila at wala ng akong mahihiling pa.Mahal na mahal ko ang pamilya ko. 

_________________

Sorry wrong grammar and type.  Thanks for support my story❤❤

QUESTION:
Paano po sabihin yung pangalan ng anak nila Kib at Ryn?

– Kirbn ( Kirn )
– Rikbn (Rikn )
Display lang po yung B sa name nila hehehe si Ryn kasi ang hirap ng name ng anak niya.

CHAPTER 42 ( Second Ending )
CHAPTER 43 (  Final Ending )

— Author

NERD GOT MARRIED TO A DANGERIOUS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now