I N T R O D U C T I O N

711 27 6
                                    

Hay, nakakapagod talaga ang PE Class! Ang init init tapos nandoon lang kami sa open field at nagtatatakbo. Inunahan ko na ang mga classmates ko dito sa locker room dahil kung hindi, magkakagulo kami dito at magkakaamuyan pa kami ng pawis. Yikes! Kairita!

Naglalakad ako papunta sa locker area ng klase namin nang makarinig ako ng kaluskos mula doon. May nauna na siguro akong kaklase.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang bigla akong nagulat sa nakita ko - may nakatalikod na lalaki na galing lang sa locker ko na para bang may isinuksok doon. Honestly, hindi ko alam kung sino dahil may kalabuan ang mata ko. Dali-dali akong tumakbo at agad na binuksan ang locker ko para tignan kung ano 'yun. Nawala na din sa isip ko na habulin pa kung sino ang taong iyon.

Isang maikli pero nakaka-heartburn na mensahe ang nakasulat doon.

"Hi Kathrine,
I love you."

Shit! Sino siya?!

Tumakbo ako patungo sa direksyon nung lalaki, sa sobrang pagmamadali ko pa nga, hindi ko na naisara pa ang locker ko.

"Hoy, teka lang! Sino ka!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya tumigil o lumingon man lang. Sobrang bilis niyang tumakbo at dahil patung-patong na ang pagod ko tumigil na ako sa pagtakbo, hinayaang makalayo ang taong naglagay ng maliit na note sa locker ko.

Sinusundan ko lang siya ng tingin pati na ang anino niya na animo'y napakalaki na sumusunod sa kanya. Pahaba nang pahaba ng anino ng kanyang binti sa bawat takbo niya...

At doon ko lang na-realize na parang pamilyar ang ganitong eksena sa tv na napanuod ko dati..,

Sino ka, Daddy Long Legs?

x - - - - - x
TWT's Note: Five chaps only, no sequel! Thankies xx

Daddy Long LegsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon