prologue

10.2K 641 357
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Sampung kabataan sa silid-aralan

Ang mga mata ay ituon sa pisara

Sampung upuan ay dapat punan

Ang mga mata ay huwag isasara


Napakurap-kurap ako at naiwang nakaawang ang bibig.

Nagbaba ako ng tingin sa desk at patuloy na binasa ang tula sa libro. Nahihirapan akong sundan ang mga kaklase kong nagbabasa nang malakas kaya naman ginamit ko ang daliri upang gabayan ang sarili sa bawat salita.


Pakinggan ang apat na sulok

Naririnig mo na ba ang mga bulong?

Pagmasdan ang paparating na usok

Nakikita mo na ba siyang umuusbong?


"Pssst. . ."

Nahinto ako sa pagbabasa at pagbigkas ng tula. Nag-angat ako ng tingin sa blackboard at nakita ang babaeng guro na nagsusulat sa pisara. 

"Kenna. . ."

Nakunot ang noo ko nang may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa katabi kong desk at nakita si Leroy na diretso lang ang tingin sa blackboard habang bumibigkas ng tula. Mukhang memoryado niya ang bawat salita. 

Humalumbaba ako at bumuntonghininga. Nilibot ko ang tingin sa maaliwalas na classroom at napangiti ako nang dumako ang tingin sa bintanang nakabukas. Mula sa kinauupuan ay natatanaw ko ang sikat ng araw na tila ba nagtatago sa mga dahon ng punong acacia. Umiihip ang sariwang hangin na bahagyang nagpapalipad sa manipis na kurtinang kuly puti.

"Kenna, ano ba!"

Napakurap-kurap ako nang marinig ang bulong na tila ba punong-puno ng takot. Mabilis akong napaayos ng upo at napalingon sa iba ko pang kaklase, ngunit parang wala naman sa kanila ang nagsasalita. Lahat sila ay pare-parehong nakatingin nang diretso sa blackboard, patuloy na binibigkas ang tula.

Hindi ko napigilang magtaka nang mapansing kahit si Tiffany ay parang focused sa ginagawa. Kailan pa siya naging ganito ka-serious sa isang classroom activity? May additional points ba?

Ibabalik ko na sana ang tingin sa libro, pero bigla akong may napansing kakaiba sa uniform ni Tiffany—particularly, sa pink checkered tie na suot niya. 

Tiffany never wears our necktie properly. She altered hers to look like a ribbon and even placed her crystal brooch on top of it. Ilang beses na siyang nasita ng school administrators dahil dito, pero wala lang sa kanya at wala rin siyang balak na sundin sila. In fact, if there's one thing I'm sure of, it's that Tiffany Scarmado will never play by the rules!

High School LockdownWhere stories live. Discover now