STBFL: Chapter 30

97.5K 2.4K 215
                                    

STBFL: Chapter 30

Vanalein Rhyme R. Santos

"Enjoy!" Magiliw na paalala ko kay Lexi mula sa kabilang linya, nakwento niya sa akin kahapon na may out of town sila ng asawa niya. Masaya ako para sa kanya, dahil kahit papaano ay natututunan niyang mahalin ang lalaking ipinakasal sa kanya ng mga magulang niya.

"Thank you, Rhyme. Ikaw, mamasyal ka naman. Parang dati lang sinusuka mo ang pagtatrabaho pero ngayon halos yakapin mo na yan." Panunuya niya sa akin, ngumiti lang ako.

"Sira ka." Bulong ko, "O sige na,mag enjoy kayo ng asawa mo." Paalam ko sa kanya bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang mga papeles na dadalhin ko sa meeting ko sa Go De Perfumè, alam ko kung bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Makalipas ang isang buwan ay muli kaming maghaharap na dalawa.

"Trabaho lang, Rhyme." Bulong ko sa sarili ko.

Nagring na ang cellphone ko hudiyat na nasa baba na si Stephen kaya nagmadali na akong lumabas ng opisina ko.

"Malaki dapat ang sahod ko, masyado na yatang demanding ang amo ko." Biro niya sa akin!

Hinampas ko ang braso niya. "Kailan lang naman ako humiling sayo na ipagmaneho mo ako, nasira ang sasakyan ko, alam mo namang ilang buwan din yon na nakatengga sa bahay. Hayaan mo at ipapagawa ko na." Natatawang sagot ko sa kanya, kadalasan kasi at sa kanya ako nakikisuyo na ipagmaneho ako sa lahat ng meeting ko, ayoko naman kasing mag-hire ng panibagong driver dahil gastos lang din yon.

Ewan ko ba, natatawa ako sa sarili ko dahil parang natatakot na akong basta nalang gumastos. Naiintindihan ko na ngayon sila Dad kung bakit ganoon nalang sila kahigpit sa akin noon pagdating sa pera.

Dahil ang hirap palang kitain nito. Dugo't pawis mo ang kabayaran bago ka makakuha ng sapat na pera na masasabi mong para sayo talaga.

"Kung kailan ka nagkatrabaho at saka ka nagkuripot." Panunuya niya sa akin na siyang tinawanan ko lang.

"Siya nga pala, next month na yung grand opening ha?" Paalala niya sa akin, napag usapan kasi naming dalawa na maging magkasyoso sa trabaho, mag oopen kami ng panibagong branch ng coffee shop niya pero ako ang main investor niya, at kagaya ng pangarap ko noon, kapag may libreng oras ako ay doon ako sa coffee shop mag aaral ng mga culinary test tungkol sa baking.

"Gosh, pasensya ka na kung hindi ako nakakapunta sa site." Sambit ko.

"It's alright, masyado ka nang maraming tinatrabaho and besides kaya ko naman 'to." Nakangiting aniya habang nagmamaneho.

"Sigurado ka bang kaya mo?" Usisa ni Stephen bago pa ako tuluyang pumasok sa building ng Go De Perfumè, alam niya kung sinong kameeting ko ngayong araw na ito.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. "Hindi naman ako pupunta dito kung hindi ko kaya." Sagot ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako na para bang naninigurado siya at napapitlag ako nang yakapin niya ako. "Kapag hindi mo kaya tawagan mo lang kaagad ako, hintayin kita dito sa labas." Bilin niya, ngumiti ako. Mabuting kaibigan si Stephen, iyon na siguro ang huling masasabi ko patukol sa kanya, nagkasakitan man kami noon pero alam kong hilom na ang sugat namin sa bawat isa at masaya akong maging magkaibigan kaming dalawa sa panahong ganito.

Mabigat na hakbang ang ginawa ko patungo sa loob ng building ng kumpanya nila. Sumalubong sa akin ang dating receptionist na nakasagutan ko noong unang beses na makapunta ako dito, tumakas ang ngiti sa labi ko sa alaalang nakipag away pa ako sa kanya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now