Kabanata 20

315 9 1
                                    

Malayo pa lang napangiti na ako ng matanaw ko si Bryle na naglalakad sa kabilang dulo ng kanto.


Tinanggal niya ang nakasabit na earphones sa kanyang tainga. Agad siyang kumaway at ngumiti ng tuluyan nang magtagpo ang mata naming dalawa.


"Ate Jona, mauna na po ako." Paalam ko saka ito binigyan ng tipid na ngiti. Kinuha ko ang mga gamit mula sa lamesa sa karinderya.


"Ah, 'o sige! Nandiyan na ba si Bryle?" Tanong nito habang abala sa pagbabalot ng mga ulam.


"Nasa kanto na po."


"Mag-iingat kayo ha? Ibigay mo sa kanya itong carbonara. Masarap 'yan."


Kumunot ang noo ko saka inabot ang tupperware mula kay Ate Jona.


"Hi!"


"Bryle!" Gulat na gulat kong sabi ng makita ko na siya sa likuran ko.


He looks so fresh and smells so great too. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang magulat tuwing susulpot siya sa harapan ko.


"Good morning!" Bati niya sa akin. "Good morning po, Ate Jona."


"Oh, carbonara daw!"


"Salamat! Ikaw nagluto?" 

I rolled my eyes.


"Mukha ba?"


"Hindi." Ngumuso siya habang tinitignan ang carbonara sa loob ng transparent na tupperware.


Narinig kong natawa si Ate Jona, sinundan iyon ni Bryle. Hindi ko na lang sila pinansin saka nauna nang lumabas dahil mukhang mala-late na naman kami ngayong araw.


"Hoy, Des! Sandali lang!"


"Ayokong ma-late. Wala na naman tayong masasakyang tricycle 'eh." Reklamo ko habang naghihintay ng tricycle na madalas ay puno na.


"Edi maglakad. Problema ba 'yun?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinasadya mo talaga siguro 'no?"


Ngumisi siya. "Ang ano?" inosente niyang tanong.


"Bagalan 'yang kilos mo pag-umaga para ma-late tayong dalawa." Naiinis kong sabi.


"Grabe naman, Des. Hindi ba puwedeng sinasadya kong bagalan ang kilos pag-umaga para mas matagal pa kitang makasama?" He winked.


Napairap ako.


"Kasi maglalakad na naman tayong dalawa? Ayoko nga! Ang layo-layo 'nun, Bryle tas ang init pa. Unang subject pa lang, amoy uwian na ako—"

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now