CHAPTER 02- Robi Is The Name

16.6K 442 79
                                    

CHAPTER 02- Robi Is The Name

CANDELARIA'S POV

HINAWAKAN ko si Lucena sa braso at ipinagwasiwasan siya nang makababa na kami ng bus. Naglalakad na kami pauwi sa bahay. "Lucena, nakita mo ba 'yong lalaking katabi ko kanina sa bus? Grabe ang gwapo niya, 'di ba?" kinikilig na turan ko.

"Whut? Lalaki ba iyon? Bakla kaya! Look, he make taray-taray to you kaya!"

Ngali-ngali kong sapakin si Lucena sa pambabasag niya sa akin. "Hindi siya bakla, tumigil ka nga! Feminine lang siguro siya kumilos at magsalita!"

"I don't think so. He's bakla to me. And wait, don't tell me, type mo siya?"

"Type na type!" Kumerengkeng na nga po ako.

Tumigil sa paglalakad si Lucena at sinalat-salat ang noo at leeg ko. Tinabig ko ang kamay niya at binulyawan siya. "Ano ba?! Ang lagkit ng kamay mo. Sa'n mo ba 'yan pinaghahawak?"

"Wala ka namang fever pero it seems you like men na ulit because of that bakla."

"Hindi nga siya bakla. Ano ba! Hindi ko rin alam, eh. Nang makita ko siya, I see hope... Ang perfect niya. Siya lang pala ang makakatanggal ng galit ko sa mga lalaki at ginawa niya iyon effortless! Nagkatabi lang kami sa bus then... boom! I fall..." tila si Cinderella na nangangarap na turan ko. Mabilis pang kumukurap-kurap ang mga mata ko pagkatapos. Daydreaming lang, 'teh!

Umiling-iling si Lucena. "Ewan ko to you. You're not a man-hater anymore na nga pero naging gay-lover ka naman, Candelaria. Eww!"

Maka-eww naman ang bruhang conyo na ito. Ah, basta. Hindi ako naniniwala na bakla ang lalaking iyon. Ganoon lang siya kumilos. Ang dami nga diyang mas grabe pa sa kanya pero lalaki.

"Ah, basta. Hindi siya bakla," pilit ko pa.

"Sige, Candelaria, push mo pa that! Keep dreaming. And besides, I don't think na magkikita pa kayong two."

"Alam mo, Lucena, ang kontrabida mo. Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang para sa akin? I changed!"

Suminghap si Lucena at niyakap ako. "Okey, then... I am happy para sa iyo, Candelaria. So saya kasi 'di ka na man-hater!"at tumawa pa ito.

Hmp! Plastik.

Ah, basta. Alam ko... magkikita pa kami ng lalaking iyon. We're Destiny by EvanLee24!

-----***-----

"NEVER mind I find someone like you... I wish nothing but the best for you... hoooh!"

Todo-todo ang pagkanta ko nang pumasok ako sa maliit naming bakery. Naroon si Mama Aurora na busy'ng-busy sa paglalagay ng fake na eyelashes. Walang bumibili sa aking bakery na may pangalan na "Aura Bekiry". Hango iyan sa name ni Mama Aurora na isang beki na may ari ng isang bakery.

Tumigil sa ginagawa niya si Mama Aurora. Naka-heavy make-up agad siya kahit umaga pa lang.

"Aba, aba, aba! Happiness yata ang junakis kez. Anoyotchi ba ang nagpa-happiness sa aking ever gandara na junakis?"

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at ngumiti. "Mama, I think I'm... in love!"

"Seryoso chi?"

Kagat-labi na tumango ako.

Sabay kaming napatili ni Mama Aurora. Kulang na lang ay tumambling siya sa sobrang tuwa. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na man-hater ako. Matagal na rin kasi niyang pinapangarap na mag-boyfriend ako after ng last heartbreak ko. Alam ko na masaya siya na finally ay na-inlove na ulit ako.

Beauty And The BeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon