02

291 5 4
                                    

+63 917 613 ****
Monday, Sept 7, 11:32 AM

Hi, Celeste! This is Danika. Yung classmate mo
na hiningi no. mo kasi seatmates tayo?

Ahh, hi, Danika. Save ko nalang no. mo.

Sayang di tayo seatmates this class.
Kainis. Anyway, call me Danix nalang.
Dani pwede din. San ka mag lulunch?
Sabay na tayo, you want?

Sa canteen? Kahit san basta mura.
Ang hirap lang mag hanap dito kasi ang daming
mahal na resto. Ano na, studyante palang tayo
pero yung mga kainan dito 😭

Uhmm. Ayaw mo ba kumain sa mga ganon?
Masarap naman ata kaya pricey food nila?

Wala sa budget ko yung ganun. Tsaka madami
maarte don, mga matapobre. Di ko vibes
yung ganun. Okay na ako sa canteen or yung mga
lutong bahay.

Hanap nalang tayo maya. Hehehe.
Di ko pa din kabisado dito eh.

Okay.

Sabay din pala satin yung friend ko na isa.
Si Reese. Yung nasa harapan mo?

Okay. Makikinig na ako.

Aryt.

•••

Amigas ✨
Monday, Sept 7, 3:29 PM

Danika:
Hello hello! Celeste and Reese,
since nag lunch na tayo and blockmates
naman tayo, ayan eto na official gc natin.

Elle:
Uh, hi. Elle nalang itawag niyo sakin.
Okay. Message nalang ako dito if
may tanong ako.

Reese:
Omg! Hello! San tayo after ng class?
Pablo's? Howard's? Halos lahat ata
ngayon, mag iinom since first day ng class
and wala pa daw gaano assignments.

Danika:
Uy, g ako. Kahit san. Kaladkarin naman ako.
Hahhahaha. Ikaw, Elle?

Elle:
Pass muna. May kailangan kasi ako gawin
after class eh, pero enjoy kayo ni Reese.

Reese:
Omg. Ang kj mo naman? What are you
gonna do ba?

Elle:
Mag hahanap ng part time.

Reese:
Ay why? Need mo ng money?
Di ka naman scholar right? So, naka
enroll ka dito with full tuition?

Danika:
Uhh, Reese, parang di ata appropriate
yang questions mo, gurl. Hehehe.

Reese:
Danix, eto naman I'm just curious.
Syempre, I want Elle to go with us later.

Elle:
Oo, I need money. Di naman kami mayaman
tapos gastador pa ko. Hahahhaha. Kaya ayun.
Pero kayo nalang. Enjoy later.

Reese:
Kaya pala tipid na tipid ka and you wanna
eat sa mga carinderia? Pero, sure ha?
Pwede ka naman sumunod. Sagot ko na.

Danika:
Gurl?? Bibig mo? But, anyway, Elle
try mo sumunod ha. I can pitch in for you.

Elle:
Hala. Hindi na. Nakakahiya din. Sasama ko
pero walang pang gastos. Hahahaha.
Kayo nalang, ok lang talaga ako.

Danika:
Osige. But, at least try. I'll text you later ha?

Valentine 4: Still HereWhere stories live. Discover now