Chapter Ten-B (SPG)

107K 2.2K 66
                                    

Chapter Ten-B

            “HINDI ka pwedeng manatili dito dahil delikado sa iyo na magisnan ka niya kapag nagising siya.” Ani ni Hendrix sa kanya.

            “I understand.” Nasabi nalang niya kahit na ang totoo ay gusto niyang manatili sa tabi ni Colton hanggang magising ito. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi naman ito masasaktan at hindi ito magkakaganoon she wanted to be near him.

            “Sabay na tayong lumabas.” Muli niyang sinulyapan ang lalaking nakahiga na ngayon sa kama nito. Napabuntong-hininga siya at sinamahan na si Hendrix na bumaba sa hagdanan. “Ihahatid na kita sa bahay niyo.”

            Umiling siya. “Huwag na ilang bahay lang naman ang layo ng bahay ni Colton sa bahay namin.” Turo pa niya sa bahay nila.

            “Are you sure?’

            “Yes.” Muli itong tumitig sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Chief naman eh.”

            Hendrix chuckled. “Mag-absent ka bukas, you need to rest too.”

            “Okay lang sa iyo?”

            “Malakas ka sa akin pero huwag mong sabihin sa iba baka magselos sila.”

            Napangiti siya sa sinabi nito at tumango, dumating na rin si Drake na siyang nagdrive sa kotse ni Chief. “And Karylle.”

            “Hmn?”

            “Huwag kang matakot na magmahal, kung mahal mo siya sabihin mo na sa kanya. At saka hindi mo pwedeng itrap ang sarili mo sa isang bagay na walang basehan. Natatakot ka hindi dahil sa baka matulad ka sa tatay mo nang-iwan sa iyo, natatakot ka dahil baka makasakit ka and that what makes you a better person than him. You are capable of loving, alam mo kung bakit?” umiling siya. “Dahil sa ayaw mo siyang masaktan kaya prinoprotektahan mo siya pero masyado mo na ring prinoprotektahan ang puso mo, kapag siya nagsawa mas masasaktan ka dahil hindi mo sinubukan na labanan ang takot mo. Buong buhay mong papasanin ang sakit, I know someone who suffered throughout his life because he didn’t fight for the woman she loves and when he already had the courage it’s already too late.” Malungkot na ngumiti ito sa kanya at saka pumasok sa kotse. Nakatanaw lang siya sa chief niya na papalayo sa kanilang subdivision. Napaisip siya sa sinabi nito at maglalakad na sana ng may marinig na kalabog sa loob ng bahay ni Colton.

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon