Chapter Eight-B

89.5K 2.1K 65
                                    

Chapter Eight-B

            “ARE you sure you are wearing that one?” tiningnan niya ang kanyang sarili na nakasuot ng yellow two piece. She is covering herself with a blue summer dress na hindi umabot sa tuhod niya, nasa beach daw kasi ngayon si Yang at kasama na nito ang mga foreigners na bibili ng drugs dito. Si Yang ang isa sa pinakahinahunting ng mga pulis dahil hindi ito mahuli-huli sa akto. Masyadong madulas ang isang ito, the last time they attempt to intrap him ay hindi ito nahuli bagkus ay maraming pulis ang napatay sa raid na iyon kaya nga mas maingat na sila ngayon. Hindi sila pwedeng magpadalos-dalos, ngayon ang huling araw na kailangan nilang manmanan si Yang and so far base sa mga nakuha nilang ebidensya ay wala na itong takas sa kanila. Mahuhuli na talaga nila ito ngayon, as in ngayon talaga.

            “Yes, I am going to wear it at ikaw.” Turo niya kay Colton. “Dito ka lang.”

            “What? No way!” inayos niya ang chapa na nakatago sa dala niyang bag pati na rin ang baril ay nasa kanyang pouch na rin. It looks like a typical pouch pero ang laman niyon ay pwedeng makapatay ng tao. “Why are your bringing a gun?” gulantang na tanong nito.

            “I am going to shoot someone.” Ngumiti siya dito. “Kung magreresist siya kailangan kong gawin iyon I am a police remember?”

            Mukhang narealized naman nito na tama ang sinabi niya dahil hindi na ito nagsalita. “Masyadong delikado ang gagawin namin, sabi ng spy namin doon ngayon na magbabayaran ang mga clients at si Yang kaya malaki ang posibilidad na may gulong mangyayari. Hindi ka pwede doon.” Seryosong sabi niya dito.

            Nag-isang linya ang mga labi nito pati na rin ang kilay nito. “Huwag na sabing matigas ang ulo mo Colton.” Inis na sambit niya dahil alam niya ang iniisip nito malaki ang posibilidad na makialam na naman ito sa kasong hawak niya. Kung simpleng kaso lang baka hayaan pa niya ito pero malaking kaso kasi ito. “Dito ka lang at huwag kang lalabas hangga’t hindi namin sinasabi.”

            “What if I say no?” at talagang hinahamon nito ang pasensya niya, pero sa mga ganitong pagkakataon alam na niya ang dapat gawin sa lalaking ito.

            “Don’t force me to do something you won’t like Colton.”

            “Like what?”

            “I’ll tie you here,” tumaas lang mga mata nito. “Promise I can do that.”

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon