Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 4

35.9K 1.4K 145
                                    


Nagdo-drawing ako nang may kumatok sa kwarto ko. Hindi ko naman naalalang nagpa-room service ako o na may inaasahan akong bisita. I'm hundred miles away from home for crying out loud. Who would visit me here?

I'll never know if I'll just stay here.

Tumayo ako at tiningnan sa peephole kung sino ang bumisita sa akin pero napairap lang ako nang makita kung sino 'yon. The jerk. Ano na namang problema nito at ako ang ginugulo?

"Are you asleep?" sigaw pa niya.

Hindi ko siya pinansin at bumalik na lang sa ginagawa ko. Kaya lang, he really has ways to piss me off. Hindi ko nga siya pinansin pero hindi naman niya tinigilan ang pagkatok kaya napilitan akong buksan ang pinto.

Kung hindi siya nahihiya sa ibang tao dito, pwes ako, nahihiya.

"Bakit ba nang-iistorbo ka?" pagsusungit ko pagbukas na pagbukas ng pinto.

"I'm bored," sagot niya.

The fuck? Napairap ako at isinara ang pinto. Anong ine-expect niya at ako ang pinuntahan niya? Feeling niya, ie-entertain ko siya? Oh, please lang. Over my dead body.

Maghanap siya ng ibang magugulo niya.

Mukhang wala nga lang siyang balak gawin 'yon. Ilang segundo lang ang nakakalipas, ni hindi pa nga ako nakakabalik sa pwesto ko kanina, ay kumatok na ulit siya. And this time, non-stop na.

Pumikit ako sandali at huminga nang malalim saka bumalik sa ginagawa ko kanina. Hindi ko na lang siya papansinin dahil paniguradong mangangawit din naman siya kakakatok.

Kaya lang sobrang naiirita na ako sa ingay kaya hindi ko na natiis at binuksan ko ulit ang pinto. Magsasalita palang sana ako pero dire-diretso na siya papasok sa kwarto ko.

Ang kapal talaga ng mukha!

"What the hell do you think you're doing? You're not welcome here. Get out!"

"Make me."Ngumisi siya at humiga sa kama ko.

He is really pissing me off. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang pinakamalapit na bagay sa akin at ibinato sa kanya—'yong Louboutin pumps ko. Oh my God! 'yong Louboutin ko!

"Hoy! Muntik na akong tamaan n'on ha! Masakit 'yan!"

Nagmamadali akong lumapit sa sapatos ko at tiningnan kung nagasgas ba siya o nasira na ang heels. Ang mahal-mahal ng bili ko dito, hindi pwedeng masira 'to. Isa pa, favorite ko kaya 'to.

"Thank goodness hindi nasira," bulong ko at tiningnan nang masama si Ram. Kasalanan niya 'to eh! "Muntik pang masira ang sapatos ko. Pasalamat ka, hindi 'to nasira. Kasi kung sakaling nasira 'to, hindi ako magdadalawang-isip idemanda ka ng trespassing."

"Ikaw ang nangbato ng sapatos mo sa akin. Pasalamat ka nga, hindi ako nasugatan. Paano na lang kung tumusok 'yang heels n'yan sa mata ko at nabulag ako?"

"That would be nice. Pwede bang lumabas ka na ng room ko bago pa ako tumawag ng security?"

Sa halip na lumabas ay tinalikuran niya lang ako. Ang kapal talaga!

"Isa!"

"Uno."

"Ano ba?!"

Hindi na siya sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakapikit na. Feeling niya talaga, kwarto niya 'to. Hay nako!

Naghintay pa ako sandali kung kikilos ba siya. Nag-isip din ako ng pwede kong gawin para palabasin siya. Mukha nga lang wala na siyang balak lumabas.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Ai, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Ai
@iDangs
Krista has always been the master of her life, especially her feeling...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 51 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @iDangs.
Kiss of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon