my mom , :)

spinner.gif

FULLY PAID!!!!!!!!

BAKASYON. Tumakbo ang bata
papunta sa kanyang ina na
naghahanda para sa kanilang
hapunan sabay abot ng isang
pirasong papel na kanina nya pa
sinulat pagkatapos gawin ang
mga iniutos ng kanyang ina.
Pinahid ng ina ang kamay sa
apron at binasa ang sulat ng
anak.

Sa pagbubunot ng damo : P5.00
Sa paglilinis ng kwarto : P10.00
Sa pag-utos sa pagbili ng asin sa
tindahan P5.00
Pagbabantay kay bunso habang
namamalengke ka: P5.00
Sa walang bagsak kong report
card : P10.00
Sa paggising ko sa maaga at
pagiging masunurin: P15.00
Total lahat : P50.00

Napatingin ang ina sa anak
habang naghihintay ng ibabayad
nya. Napa-isip, sabay sulat sa
likurang papel. Pagkatapos
magsulat inabot nya to agad sa
anak.

Sa 9 na buwan kong pagtitiis na
dahil ka sa akin sinapupunan
habang lumalaki ka. WALANG
BAYAD.
Sa mga gabing tiniis ko ang puyat
para lamang bantayan pag may
sakit ka at nagdarasal na
gumaling ka. WALANG BAYAD.
Sa mga luhang pumatak kapag
matigas ang iyong ulo at pawis sa
trabaho para lamang may
maibaon ka. WALANG BAYAD.
Sa lahat ng laruan, damit , pagkain
at pagpupunas sa sipon mo.
WALANG BAYAD.
Sa aking pagmamahal sayo mula
noon hanggang sa mga oras na
to at hanggang sa huling hininga
ko. WALANG BAYAD.
Anak, kapag tinotal mo lahat to.
Ang aking pagmahal sayo.
WALANG BAYAD.

Binasa ng anak ang sinulat ng ina.
Napaluha ang bata at
napahagulgol. Ngayon
NAINTINDIHAN nya na. Tumingin
sa ina. “Ma, salamat sa lahat”.
Niyakap nya an gang anak at
hinalikan. Kinuha ang panulat at
sinulat sa harapang papel na
nilista ng anak kanina. FULLY PAID

ILOVEYOU MOM

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended