CHAPTER 10

1.2K 37 0
                                    

“HOY, MANONG GUARD! HUSTISYA NAMAN DIYAN! PALABASIN NIYO NAMAN NA KAMI, OH!” sigaw ng isang boses sa di kalayuan. Di ko kilala kung kanina iyon nanggaling pero grabe yung boses niya, masyadong malakas. Abot ata hanggang bahay namin.

Charot.

Anyway, hindi naman talaga yung boses ni Ate ang problema. Ang totoo niyan, maaga yung uwian namin. Saya-saya ko no’n kasi bukod sa wala yung teacher namin, maaga akong makakauwi! E di ibigsabihin lang pwede pang gumala! (Yung gala na para sa mga taong walang pera). Grabe na saya ko nun, eh. Nasa highest level na. Kaso naman etong si Kuyang Guard ayaw kami palabasin. E di na badtrip agad ako. Hindi pa raw kasi pwedeng lumabas hangga’t hindi pa raw nasa tamang time na pwede pang palabasin. And I’m like: Bakit kailangan pang hintayin yung time kung pwede namang palabasin na tutal pinauwi na kami?!

Kuyang Guard kasi!

“Oo nga, Manong Guard! Palabasin niyo na kami, tagal-tagal na kaming nag-iintay dito, oh.”

“Tumigil kayo. Hangga't hindi pa nag-a-alas dose, walang lalabas!”

Naman, oh! Gutom na ako, e!

“Ang tagal naman no’n Kuya! Nakakangawit nang tumayo, oh.”

“Tiisin niyo!”

Ungot lang ng ilan ang ni-response ng iba. Kami naman ni Sam na kanina pang nananahimik ay mas lalong nanahimik.

Speaking of Sam, hindi ko siya kinakausap hanggang ngayon. Alam kong nahahalata niya ‘yon sa pag iwas ko pero hindi siya nag-sasabi kung bakit. Pero kung balak niyang makipag bati, ekis pa rin sa akin! Hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa niya kanina! Nagtatampo kuno ako kay Arlyn dahil sa biglaan niyang pagtawag kay Qen kaya ayaw kong ipakita sa kanya tapos ipapakita niya?! Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya.

After it seems like forever, narinig ko na lang ang pagbukas ng gate. Maraming naghiyawan, sumuntok sa hangin, at nagsaya dahil sa pagbukas no’n at syempre kabilang ako do’n sa nag saya. Nagmamadali ang agos ng mga estudyante kaya may nakabunggo sa akin. Malakas eh. Muntikan na akong humalik sa sahig. Buti na lang at hindi ko naging first kiss ang sahig at may nakasalo sa akin sa paghawak sa aking braso.

Inangat ko ng tingin ang nakasalo sa akin. Agad ko rin iyong binawi nang makita iyon ay si Sam. Hindi na niya tinanggal pa ang pagkakahawak niya sa aking braso na tila ginagabayan at baka raw siguro may magtaka sa aking ipahalik sa sahig. Okay na yung ganito. Aba, ayoko namang malasahan ang sahig. Kadiri yun. Pangit lasa. Magpapaubaya na lang ako kay Sam kahit hindi kami bati. Hmp.

Tahimik lang kami pareho kahit hanggang sa Jeep. Pagkababa sa tapat ng bahay, ganoon pa rin. Kasama namin ang katahimikan. Naging Bestfriend pa yata namin. Pero ang akala kong kasama naming katahimikan ay aabot hanggang pagpasok sa bahay ay pagkakamali dahil pagka apak na pagka-apak ko sa sahig ng aming bahay ay saka ko siya narinig mag salita.

“Bakit ang tahimik mo naman yata kanina pa?” Hindi ko siya sinagot. Nagdire-diretso ako patungo sa kwarto nang may humawak sa aking braso. Alam kong siya yun. Kaya nga nagpumiglas ako, pero mas humigpit lang ang kapit niya sa akin. “Talk to me, Laura.”

“‘Wag mo nga ako kausapin. Galit ako sayo!”

“At bakit ka naman galit sa akin? Ni hindi ko nga alam kung may nagawa ako.”

“Aba, e, bakit ko sasabihin sayo?”

“Bakit nga?”

“Ayaw! Bitawan mo na nga ako at nang makatulog na.”

“Matutulog ka imbis na kumain?”

“Bakit ba? Hindi naman ako gutom. Bitawan mo na kasi ako!”

“Saka na kita bibitawan kapag sinabi mo sa akin kung bakit ka galit.”

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now