Chapter 19

161 20 1
                                    

Nagising ako dahil sa isang tapik sino ba tong hinayupak na Ito natutulog yung tao eh panira. Hindi ko nalang Ito pinansin at natulog ulit pero may lahing makulit Ang taong to ang kulit eh

"Ano ba alam mo naman natutulog yung tao eh" I frowned buti naman tumigil na

Pero mga ilang minuto lang ang nakalipas may tumapik ulit sakin, napagdesisyonan ko nalang imulat ang asking mga precious eyes

"Wahhhhh!!!!!"sigaw ko ang sakit ng balakang ko ikaw ba naman mahulog sa kama pag angat ko nakangiting Mukha agad ni kairo ang sumalubong sakin bakit Lalo siyang gumwapo sa paningin ko ngayon

"Good Morning!"Sabi Niya agad pag tayo ko

"G-good morning d-din" nauutal kong Sabi

"Maligo kana dahil sabay tayong papasok" he said sabay higa sa malambot Kong kama

"Okay!" Yun nalang ang sinabi ko.

Kumuha muna ako ng isang pares ng p.e at undergarments ko at pumasok na ng Cr. Walanghiya talaga ang karayom na yon ang aga aga nambobolabog ng bahay na may bahay. Buti nalang Mahal ko siya dahil kung hindi kanina ko pa siya tinadyakan palabas ng bahay ko

Tapos na akong maligo nakabihis na din ako. Nagdala ako ng extra shirt at jersey ko para mamaya. Excited at may halong kaba ang nararamdaman ko para sa gaganaping sport fest mamaya kami ang unang sasabak sa laro dahil bukas pa ang laro nila kairo

Pero sasama daw Sila ni Jake para manood at para supportahan kami ni Jen, Ang sweet nga eh. Tapos na kaming kumain konti lang yung kinain ko dahil wala akong gana pero ang karayom na yun ang lakas lakas kumain buti nalang hindi siya tinutubuan ng mga atabs

I wonder if he has a 6 pack abs or maybe 8 OhMyGosh. Ano ba itong iniisip ko bakit ko pinapantasyahan ang karayom na yon kahit na umamin na ako na may feelings ako sakanya dapat chill lang baka akalain non na patay na patay ako sa kanya tutuksuin na naman ako non

Dito na kami sa gate papasok nang school ang dami ngang studyante eh, Meron ding mga Taga Knight University para supportahan ang mga players nila. Habang papasok kami ng gymnasium kung saan gaganapin ang laro namin. Maraming mga higad na nag kalat sa tabi tabi nagpapa cute Kay kairo

Ang karayom naman nato feel na feel nginingitian niya pa ang sarap niyang ingudngud sa lupa. Pagdating naming gym marami nang tao sa left wing nakapwesto ang mga studyante namin sa right wing naman Ang knight University.

Pumunta na ako Kila couch, si kairo naman naupo na sa tabi ni Jake sa unahan sila pumwesto para daw kita nila. Meron pa kaming 30 minutes para magsimula nagpalit muna kami ng jersey namin

"Kinakabahn ako!" Nanginginig na Sabi ni Paula Ito kasi ang first niyang  sali sa sport kaya siya kinakabahan ganito din ako noon noong first Kong pagsali sa sport sobrang kinakabahan ako, Hindi na nga ako makaalis sa pwesto ko sa sobrang nginig non

"Breath in, breath out"ginawa niya naman Ang sinabi ko

"Relax lang Kaya natin to!" Pagpapalakas loob ko sakanya

Ilang minuto lang lumabas na kami dahil magsisimula na ang game habang papalabas kami unti unti na ring umuusbong ang kaba sa dibdib ko. Paglabas namin sigawan agad ang bumungad samin pumunta na kami Kay couch, nagplano na kami ng mga gagawin naming strategy

_____________Fastforward____________

"Congrats" Jake

"Nice game baby!"bulong sakin ni kairo paglapit niya sa pwesto namin at niyakap ako feeling ko para na akong kamatis sa sobrang pula mahalay talaga ang lalaking to, sinong babae ang hindi kikiligin sa karayom nato. Niyakap ko din siya pabalik bahala na Kong amoy pawis ako Basta mayakap ko lang siya

"Ehem, Meron ba kayong hindi sinasabi samin?" Naka taas kilay na tanong ni Jen samin ni kairo

"I'm courting her!" Proud na Sabi ni Kairo

"Congrats bro, Hindi kana torpe" natatawang Sabi ni Jake

"Congrats to the both of you, dapat natin tong icelebrate Kasama ng pagkapanalo natin syempre dapat libre niyo" nakangising ani ni Jen

Tarantado talaga ang babaeng to pumunta na kami sa mga booths para maghanap ng pagkain ng may mahanap na kami pumasok na agad kami. Booth pala ito ng 1st year college, Sila Jen at Jake na ang umorder syempre si hubby ko ang magbabayad Bwahahahahha

"Kamusta ang babe ko, Hindi kaba masyadong napagod sa laro niyo kaniba?" Tanong ni kairo at niyakap ako sa bewang tsansing lang to eh

"Okay lang ako, at may endearment na agad huh bakit sigurado kana bang sasagutin kita?" Nakangising tanong ko sakanya

"Oo naman, alam ko naman na Hindi mo matatanggihan ang isang tulad ko"pagyayabang niya, kung biruin ko kaya tong hindi ko siya sasagutin ano kayang reaction nito

"Paano pag sinabi Kong hindi kita sasagutin"Nakita kong biglang naging malungkot ang mukha niya

"Gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita"patay na patay talaga saakin ang karayom nato napangiti naman ako sa iniisip ko sana nga siya na ang nakatadhana para sakin

"Talaga,? Paano pagsinabi Kong may crush na ako"

"Ano naman ngayon crush lang naman yun mabubura din yun agad, Hindi kagaya ng pagmamahal ko sayo walang hangganan at hindi mabubura basta basta"

"Tama na yan lovebirds kumain na tayo kanina pa ako nagutom" Jen panira talaga to ng moment

Hindi namin sila napansin na nakabalik na pala Sila dito sa lamesa namin. Nag umpisa na kaming kumain maraming inorder Sila Jen sinusulit na daw nila dahil minsan manglibre ang karayom na ito

"Hay sa wakas nabusog na din ako"Sabi ni Jen habang naka hawak pa sa tiyan niya parang sasabog na nga ang tiyan ko sa dami dami pa naman ng kinain ko kanina

____________________________________________________________________________

When the spoiled brat found his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon