Study Buddy (EXO Lay Oneshot)

91 1 0
                                    

Hi minna-san! Please read and enjoy my first story here on Wattpad!!! :)

Special thanks to @Kiraimu for the 1st cover! Thanks Sai! The new cover is made by @Bad_GangsterGirl Thank you po!



"Hay, sa wakas, tapos na tayo!" masigla kong wika at sinara ang libro at notebook ko. Kakatapos lang ng study session ko kasama ang study buddy ko, si Yixing. "Kain muna tayo, my treat," sabi ni Yixing kasabay ang isang dimpled smile. Pinigilan ko ang sarili ko na ma-entrance sa ngiting iyon. "S-sige, gutom na ako eh," medyo awkward kong tugon.

Nililigpit ko na ang mga gamit ko at bubuhatin na sana nang may ibang kamay ang kumuha sa mga gamit ko. Kay Yixing. "Ako na," sabi niya habang nakahawak pa rin sa mga gamit ko. "Naku wag na Yixing, kaya ko naman eh," protesta ko. Nagpumilit pa rin siya. "Sige ka, kapag di mo ko hinayaang dalhin ang mga to para sayo, di na kita ililibre," pambabanta niya habang nakangisi. "Sige na nga, suko na ako. Sayang ang libre," natatawang sagot ko.


Bumuo naman ang isang matamis na dimpled na ngiti sa labi ni Yixing. Yung tipong mala-anghel, na mas nagpapalalim ng feelings ko para sa kanya. Yep, tama. May feelings ako para kay Yixing. Nagsimula akong mahulog para sa kanya noong maging study buddies kami para sa upcoming exams. Di ko mapigilan eh, ang bait-bait niya tapos ang sweet at cring din siya, not to menntion na gwapo din siya. And that sweet dimpled smile tops it all.


"Hoy, ok ka lang? Ba't natulala ka na dyan? Ganun ba ako ka-gwapo?" medyo pabirong tanong niya. Hala,di ko na namalayang nakatulala na pala ako sa kanya! Nakakahiya! >///<


"H-heh, kapal mo! Tara na nga!" pag-iwas ko sabay labas ng library. Sumunod naman agad siya sakin habang tumatawa ng marahan.



(Cafeteria)


"Here's your order, m'lady," bungad sakin ni Yixing with his trademark smile. Inilapag niya ang pagkain namin sa lamesa at umupo sa upuan opposite mine. "Thanks sa libre Xing!" sabi ko habang kumukuha ng isa sa mga burger. "Napansin ko lang, tinatawag mo lang ako sa nickname ko kapag nililibre kita. Lagi na lang pala kitang ililibre," komento niya habang nakangisi. "Chos, wag ka nang magreklamo. Pero sige, tatawagin na lang kitang Xing kapag nililibre mo ko para always mo na akong ililibre!" natatawang katwiran ko."Naku, baka mabutas na bulsa ko niyan, hahahaha," sabi niya na natatawa rin. 



(Uwian Time)


Magkasabay  na namnan kami ni Yixing na naglalakad pauwi. Lagi na namin itong ginagawa ever since naging study bbddies kami. Malapit lang naman kasi ang mga bahay namin sa school.


Masaya kaming nagkekwentuhan nang mapansin kong bigla siyang natahimik. "Huy, Yixing, anong problema? Bigla ka atang natahimik?" usisa ko. Tumigil muna siya sa paglalakad. "Magpustahan kaya tayo? Ang magiging basehan natin ay ang makukuha nating general average sa exams," nakangiti niyang wika. 


Na-excite naman ako. "Sige sige! Kapag mas mataas ang nakuha kong gen. average ko kesa sayo, ililibre mo ko everyday!" masigla kong wika. Tumawa naman siya saglit pagkatapos ay sumeryoso ang mukha niya. "At kapag mas mataas ang nakuha ko kesa sayo..." hindi niya agad itinuloy ang sasabihin niya. Ay pabitin? "Ano?" tanong ko.


"Magiging girlfriend na kita..."  dugtong niya at umikot paalis, habang ako naman ay naiwan in a state of shock kaya di ko na siya nahabol pa.

A-ano raw? Magiging GIRLFRIEND niya ako?!


*processing...*


Wait, dapat galingan ko sa test! Dahil kapag natalo ako, wala na akong libre!

But wait.  Ibig sabihin ba nung sinabi ni yixing eh gusto niya rin ako?? Oh Em gee gee gee gee baby baby baby! Pero kahit na. Nakakababa kaya ng pride na maging kayo ng isang guy nang dahil lang sa pustahan noh! Pero bakit pa ba ako nagrereklamo? Gusto ko naman eh.


Aish, ang gulo ko. Makauwi na nga lang, mag-aaral pa ako! Exams na bukas!




(Day after Exams)


Whooh! Na-stress ako sa exams kahapon ah! Buong araw kaming hindi nagpansinan ni Yixing para makapag-focus. At ngayon na namin malalaman ang general average ng exams! Ipo-post yun sa labas ng bawat classroom. Kaya pagdating ko sa classroom namin, ang nadatnan ko ay ang nagkukumpulan kong classmates sa labas ng room, tinitingnan yung nakapaskil na papel. Naki-usyoso din ako at tiningnan ang results.

OMG! Mataas pa ng isa ang gen. av. ni Yixing kesa sakin! That means... talo ako!


"So pano ba yan?" biglang nagsalita si Yixing na nasa likod ko na pala. Pag-ikot ko ay nakita ko ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi. "GF na ba kita?" sabi niya sabay labas ng 3 red roses. "I love you," wika niya habang nakangiti. "Will you be my girlfriend?"


Naghiyawan ang mga classmates namin, panay "ayiie" at "sagutin mo na yan!" Eh ako, nagba-blush pa rin. Sige na nga, sasagot na ako.


"Uhm, Yixing, actually... gusto na kita simula pa nung maging study buddies tayo. Di naman kailangang mag-pustahan pa tayo. I love you rin Xing and yes, I'll be your girlfriend," nakangiti kong wika. Napayakap naman siya sakin. "Thank you. Akala ko magiging one-sided lang ang ang feelings ko. I love you, I'll be the best boyfriend, promise,"  Kumalas na kami sa yakapan namin at itinaas niya ang kamay ko na may hawak na roses. "Guys, tandaan nyo, kami na ha! Ang papalag ipapalapa ko sa dinosaur!" sabi niya. Nagtawanan naman kaming lahat at nagpalakpakan ang iba.


Pumasok na kami sa classroom at bumulong si Yixing sakin, "Don't worry, ililibre pa rin naman kita. Hahahaha," tapos ay nginitian niya ako. Ang trademark sweet dimpled smile ng aking study buddy.


THE END :)

Study Buddy (EXO Lay Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon