30 - Picture Frame

12.7K 267 5
                                    


"I'm disappointed to you Nurse Kim.." napayuko na lamang si Xyrielle sa bungad ni Mr. Savino sa kaniya nang ipatawag siya nito sa kaniyang opisina. "Are you going to let my son die instead of taking care of him?"

Napayuko na lamang si Xy at humingi ng paumanhin sa amo. "Mianhae."

Napahinga ng malalim si Philip, ang ama ni Prince. "Get out." Tumango at nakayukong umalis si Xyrielle sa opisina niya.

Napabuntong hininga siya nang makalabas na. Masyado ka atang nag-take advantage, Xy. Sabi nito sa isip.

Nalaman kasi ni Mr. Savino na gumala siya kasama ang dalawa niyang anak. Imbes na pagpahingahin niya si Prince ay pinagala pa daw niya ani Mr. Savino.

Huminga siya ng malalim. Pagbaba niya sa hagdanan ay naabutan niya si Manang Helen na may bitbit na garbage bag.

"Pasuyo naman neng. Ilabas mo muna ito kasi kumukulo na ang niluluto ko." Pakiusap pa ni Manang Helen sa kaniya na sinunod naman niya.

Kinuha niya ito mula sa kamay ni Manang Helen at saka ngumiti. "Sige po. Ako na po bahala."

Paglabas niya ng pinto ng mansion ay hinanap niya ang tapunan ng basura.

"Nasaan kaya yun?" Tanong pa nito sa sarili. Napagdesisyunan niyang lumabas sa gate ng mansion. Doon niya nakita ang basurahan. "Iyon." Maglalakad na sana siya papunta doon nang biglang umikot ang paningin niya, buti na lang ay nakahawak siya sa gate ng mansion. Pumikit pikit siya matapos at umiling. "Gutom na siguro ako kaya ako nahihilo." Kibit balikat niya at saka ito pumunta sa basurahan.

Tinapon na niya ito at pabalik na sana nang may tumawag sa kaniya na pamilyar na boses.

"Xy!"

Lumingon siya at nakita niya ang pilit na ngiti ni Alexis. Anong problema nito? Matagal na silang hindi nag-uusap dahil sa busy sila pareho. Ngayon na lang ulit sila nagkita.

Nilapitan niya si Alexis at saka yinakap. "Miss na kita!" Galak pa nitong sabi. Yumakap pabalik si Alexis.

Umalis sa yakapan ang dalawa at yayayain sana ni Xyrielle na pumasok muna sa mansion pero umiling agad si Alexis.

"G-gusto ko lang sana itanong sayo, kung..." nilabas ni Alexis ang panyo nito mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at nilahad kay Xy. "Mabango ba ang bagong pabango ko?"

Kumunot ang noo ni Xyrielle. Nagtataka kung bakit biglang nagtanong ng ganun ang dalaga sa kaniya. Ilang linggo lang silang hindi nagkikita pero parang umiba ang ugali nito. Pero binalewala niya iyon dahil may tiwala naman siya sa kaibigan.

Kinuha niya ang panyo at saka inamoy na pinagsisihan naman niya. Doon ay unti-unti siyang nahilo at bago tuluyang mawalan ng malay ay narinig niyang nagsalita ang isa pang pamilyar na boses.

"Good job, Alexis."

---

Sa kabilang banda naman ay nakukwentuhan ang magkapatid na Prince at Elcid sa kwarto ng binata.

"Hyung! I like Xyrielle-Nunna to be my wife!" Elcid giggled. Piningot siya ni Prince at napasigaw ang bata. "Ouch! Hyung!"

"You kid." Turo niya sa noo ng kapatid at tinulak tulak. "Didn't you know that I am his future husband? Huh?" Sabi pa nito at inalis naman ni Elcid ang hintuturo ni Prince mula sa noo niya.

"What a sadist Hyung." Inayos nito ang upo at nilahad ang kamay niya sa kaniyang Kuya. "Just may the best man win?" Hamon nito.

Ngumisi si Prince at tinanggap ang kamay ng kapatid. "May the best man win." At pinilipit niya ang kamay ng kapatid. Napa aray nanaman ang kapatid. Tumawa lang si Prince at saka ginulo ang buhok ng kapatid. "Get out here kiddo before I eat you up!" Sa takot ng bata sa banta ng kaniyang Kuya ay umalis na ito sa kwarto niya. Napailing si Prince.

Madaming nagbago sa kaniya simula nang dumating si Xyrielle sa buhay niya. Naging makulay at makabuluhan ang buhay niya. Natuto siyang magpahalaga. At higit sa lahat, natuto ulit siyang magmahal. Bumalik siya sa dating siya. Palangiti, mabait at masiyahin. Parang wala siyang iniinda na kung anumang sakit.

Bumuntong hingi siya. Sana tuloy tuloy na ito, sabi niya sa isip.

Tinignan niya ang pitno ng kwarto niya at ang orasan sa tabi niya. 1:00 na at usually, ito ang oras ng pagpapainom ni Xyrielle sa kaniya ng gamot.

Nasaan na kaya siya? Buntong niya sa isip. Hay. Namimis ko na siya.

Natatawa siya sa sarili niya. Para siyang bumalik sa pagiging teenager niya. Kinikilig na ewan. Nakakabading para sa kaniya. Pero kapag mahal mo ang tao, gagawin mo ang lahat para lang sa kaniya. Para lang sa kapakanan ng mahal mo.

Tumayo siya at ramdam niyang kumirot ang dibdib niya. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. Hindi niya lubos maiisip na may sakit siya. Mabuti na lamang ay hindi pa siya binibigyan ng taning ng doctor kundi ay baka ikalumo niya iyon.

Maya maya lang ay nakarinig siya ng isang tunog ng basag. Nasiko niya ang isang picture frame. Kinabahan siya bigla.

Pinulot niya ang letrato at nakita niya ang picture nilang dalawa, na kasama si Elcid. Ito ay yung picture nila noong pumunta sila sa isang amusement park.

Sa hindi malamang dahilan, nabitawan niya ang letrato at saka tumakbo palabas ng kwarto na may nag-aalalang mukha.

Nasaan ka na ba, Xy?!

His Private NurseWhere stories live. Discover now