PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN! - teaser

1.2K 16 2
                                    

TEASER

Hanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitawang PANGAKO?

_____________________________________________________

"Peksman?" sabi niya.

"Oo. Peksman." sagot ko.

"Kahit pa hanggang kamatayan?" sabi nya.

"Hahahaha! Bakit may word pa na "KAMATAYAN?". pwede bang peksman nalang?" pabirong tanong ko.

"Basta. Mangako ka muna." pangungulit niya.

"Ayoko nga! hahaha. ayoko pang mamatay" natatawang sagot ko.

Umiyak siya ng malakas.

Natakot ako baka magsumbong siya kay tita.

"OO na! Peksman hanggang kamatayan!"  sagot ko para lang tumigil na siya.

Saka siya tumigil sa pag-iyak at saka ako niyakap.

______________________________________________________

Ako nga pala si Ron. 10 years old. Tubong Quezon Province. Simple lang ang buhay namin.

Kababata ko ang siyam na taong gulang na si Hannah. Ang babaeng dikit ng dikit sa akin saan man ako magpunta. Palibhasa mayaman kaya spoiled at lahat ng gusto ay nasusunod.

Kaibigan lang turing ko sa kanya pero siya, higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa akin kahit na musmos at bata pa kami.

Hindi ko alam.

Basta nagsimula ang lahat sa isang PANGAKO.

_____________________________________________________

Makalipas ang anim na taon,

Sa Maynila na nanirahan at nagpatuloy ng pag-aaral si Ron dahil sa isang di inaasahang pangyayari.

Ngunit ang buhay ni Ron, mula sa simple, bumaligtad at naging komplikado.

At ang spoiled bratt na si Hannah na simula pagkabata ay obsessed na sa kanyang bestfriend na si Ron ay obsessed pa rin magpahanggang ngayon.

Ano ang kakila-kilabot na magaganap sa pagitan nilang dalawa at mga taong sangkot dahil sa PANGAKO?

ABANGAN.

______________________________________________________

Please VOTE if you want to start this scary story. Doon ako magbe-based if ipagpapatuloy ko pa ang story ni Ron at ni Hannah. Also, please leave comments/suggestions/reactions/anything. Wag ka lang maging SILENT READER para ganahan naman ako! :)

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon