Chapter 3: Sweet Act

26.6K 506 14
                                    

Married To A Playboy

Chapter 3: Sweet Act

Patricia Schnittka Dorshner's P.O.V.

Ready na ako. Ready nang umacting. Naka-ready na rin ang acting skills ko.

Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan sa sala si Ivan. Tumayo siya at sinenyasan akong pumasok sa kaniyang kotse. Tahimik na lamang akong pumasok. Siya naman ay nagmaneho na.

Tahimik lang ang aming byahe. Walang imikan. Walang salita.

At sa wakas ay nakarating na rin kami. Natapos na ang sobrang tahimik na byahe na iyon.

"Oh, Buti naman at napadaan kayong mag-asawa," bungad sa amin ni Mama. Mama ni Ivan.

"Ma, Gusto kasing bumisita ng asawa ko," sagot ni Ivan at hinawakan ang kamay ko. Siya kaya itong nagyaya tapos ako pa ang sasabihin niya. Sabagay gusto ko naman talagang bumisita rito. Pero hindi siya kasama.

"Oh, Tara pasok na kayo," oag-anyaya ni Mama.

Pumasok na kami at umupo sa sala.

"Kailan niyo ba kami balak bigyan ng apo?" nasamid naman ako sa tanong ni Papa. Papa ni Ivan.

"Eh...Papa kasi po....hmm....kasi ..." nauutal na sagot ko. Hindi makapag isip ng tamang sagot. Tumingin ako kay Ivan. Humihingi ng tulong sa kaniya.

"Sinusubukan naman namin po. Mamayang gabi siguro ay susubukan na naman namin," nabigla naman ako sa sagot ni Hubby---este Ivan pala.

Hinalikan pa ako sa labi.

"You're so PDA, Kuya," sigaw naman ni Joy.

"Joy pag nagmamahal ganyan talaga," At hinalikan ulit ako ni Ivan sa labi. Para yatang umaabuso na siya?

"If me and Kyle, we will not kiss in front of other people because we have privacy," nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Joy. Maarte pa ang pagkakasabi nito.

Alam kong gusto niya ang kapatid ko pero hindi ko naman inaasahan na ganito siya kabulgar.

"Gusto mo si Kyle?" gulat na tanong ni Ivan.

"Not just like, Kuya. I love him," taas noo pa nitong sambit. Nasamid naman si Mama sa sinabi ni Joy.

"Naku bata ka pa anak kaya nasasabi mo 'yan," natutuwang sambit ni Papa.

Joy rolled her eyes."I'm not a baby anymore. Dad, dalaga na ako," pagkasabi niya ay umalis na siya at pumunta sa kwarto niya.

"Ang batang 'yun talaga," napabuntong hininga nalang si Mama.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hangang sa ginabi na kami.

"Mama, Papa, alis na po kami," paalam ko. Humalik pa ako sa pisngi ni Mama.

Inihanda na ni Ivan ang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok na sa loob.

Natural lang na maging gentleman siya sa akin ngayon dahil nakatingin sa amin ang mga magulang niya.

He started the engine and drive the car.

As usual tahimik nanaman ang byahe.

Kalagitnaan ng katahimikan ng tumunog ang aking cellphone. May nagtext pala.

Ang makulit na nilalang na naman.

Cedric:

Hey sungit. Punta tayong bar kasama si Thea my loves.

Married to A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon