Chapter Two

4.3K 206 9
                                    

Amethyst Montreux

ATE!” napalis sa kanyang mukha ang pagiging tulala kanina pa nang maring ang matinis na boses ng kapatid. Nginitian niya ito ng todo at saka sinalubong nang tumakbo ito palapit sa kanya. Umuwi na kaagad siya matapos niyang makuha ang schedule ng interview sa eskwelahan.

“Clarence!” wika niya nang mayakap na ito.

“Ate, na-miss kita.” Lambing na wika nito sa kanya na mas nagpalapad ng kanyang ngiti.

“Gano’n rin si Ate, na-miss rin kita agad.” Pagkatapos ay kiniliti niya ito.

He’s Clarence Jimenez. A six-year old kid na anak ng kanyang tiyahin dito sa Maynila. Pinsan niya ito ngunit mas tinuturing na niya itong kapatid at gano’n rin ito sa kanya. Wala na kasi siyang ibang kamag-anak rito sa Maynila matapos mawala ang kanyang mga magulang at iniwan siyang nag-iisa. Tanging sa batang ito lang siya humihila ng lakas upang magpatuloy sa buhay lalo pa’t hindi maganda ang trato sa kanya ng kanyang tiyahin.

“Aww,” daing ng bata nang may masagi siya sa balat nito.

“Ano iyan?” tanong niya sa kapatid nang bigla itong lumayo sa kanya at ibinaba ang suot na sando dahil lumihis iyon sa kakakiliti niya rito. Pero hindi nakawala sa kanyang paningin ang isang paso sa tagiliran nito.

“W-Wala po ito.” Tugon sa kanya ng kapatid ngunit hindi siya nagdalawang isip na hawakan muli ang bata at inangat ang sando nito.

Napasinghap siya sa nakita. May paso ito. Hindi ng maiinit na tubig bagkus ay ng mainit na plantsa. Hindi na nga siya nagpaplantsa ng damit niya para tipid sa kuryente tapos makikita niyang may paso ng ganito si Clarence?

“Si Tiya Masing ba ang may gawa sa iyo niyan?” tanong niya rito. Halata sa kanyang boses ang kakaibang lamig na tono. “Sabihin mo sakin ang totoo.” Then she looked at him deeply.

“K-Kasi, pinagplantsa ako ni Nanay ng mga damit. Sabi ko po 'di ko kaya. Pero pinilit niya. Tapos nasunog ko yung isa po niyang damit… tapos… tapos…” yinakap na niya ito dahil alam na niya ang sumunod. Ang hayop talaga ng tiyahin niya. Pati anak hindi pinatawad.

“Halika na,” anyaya niya rito na umuwi.

“Ate, wag kayo away ni Nanay. Sige na. promise 'di na uulit.” Alam niyang ayaw lang ng batang ito na mag-away sila ng nanay pero hindi. Child abuse na ang ginawa nito sa bata.

Pagkapasok palang nila sa loob ng bahay ay kitang kita niya na may kausap na lalaki ang si Tiya Masing. Halatang sa lalaki ang pagiging mayaman at may dala pa itong suitcase. Tanda na isa itong negosyante. Ano na naman kaya ang pakulo ng walang’yang tiyahin niya at nakapostura rin na pang-mayaman? 'Kala niya naman kinaganda.

“Excuse me,” paghingi niya ng paumanhin sa dalawang nag-uusap.

“'Di mo nakikitang may kausap ako?” mataray na wika sa kanya ng tiyahin. Aba nga naman, kailan pa ito natutong mag-paint sa kilay at nasobrahan yata sa itim?

Amethyst: The Porphyra PrincessWhere stories live. Discover now