Chapter Nine-A

101K 2.1K 93
                                    

Chapter Nine-A

            HER lips were in thin line when she saw Heinz do his moves, the moment he entered the room with all seven of them she knew better. Alam niya ang epekto ng isang tao sa kanila, but he proved her that he is brave enough to face them kahit na alam nitong pumasok ito sa lungga nila. At ngayon nga ay nakaluhod na ito sa harap niya, isang lalaki ay lumuhod sa harap nila, such a heroic act isn’t it?

            “Please, I love Zyrene. Give me a chance even if it’s the last chance to prove how much I love her.” Isa-isa nilang tiningnan ang pobreng lalaki na nagmamakaawa sa harap nila.

            “Bakit mo niloko si Zyrene?” seryosong tanong ni Monica. “Huwag kang magsinungaling dahil malalaman din namin ang totoo at kapag may isang kasinungalingan na lumabas sa mga labi mo mister hinding-hindi mo na siya makikita kahit kailan.” Mahabang litanya ng kaibigan niya. Nakita niyang napalunok ito.

            “I thought if I’d have her she can grant me a wish.”

            “And what wish is that?” si Diana Rose na pinaglalaruan ang isang kutsilyo na ginamit nila kanina sa pagpahid ng palaman sa tinapay.

            “To see the woman who saved my life before, her hair was red during that time. Akala ko kapag napa-ibig ko si Zyrene matutupad ang hiling ko but I was a fool. Akala koi yon lang talaga ang pakay ko sa kanya pero hindi ko namalayan mahal na mahal na mahal ko na pala siya. Kaya nag-iba ako ng plano hindi ko sinabi sa kanya ang pakay ko dahil alam kong magagalit siya kaya lang-.”

            “Kaya lang nalaman din niya, tama ba? At sa hindi magandang pagkakataon.” Ainsley said pointing out the guy’s name on her notebook.

            “Nasaktan ko siya.”

            “Sobra.” Ani niya. “She doesn’t deserves to feel that kind of pain Heinrich Chua.”

            “Nasasaktan din ako.” Umismid siya sa sinabi nito.

            “Anong pakialam ko kung nasasaktan ka? Bakit si Zyrene ba ang may kasalanan? Si Zyrene ba ang nanggamit? Our sweet innocent Zyrene fell on your trap and is that Zyrene’s fault?” kinuha niya ang kutsilyong hawak ni Diana na medyo nagimbal ng itutok niya iyon kay Heinz. “Sagot, sinong may kasalanan kung bakit ka nasasaktan?” tumaas na ang boses niya. Makulit siya at mataray and playful pero kapag kaibigan na ang pinag-uusapan ay hindi siya mangingiming gumamit ng dahas para lang gantihan ito. “I’ve seen one of my friends got hurt before Chua and mind you siya ang pinakaunang tao na nagamitan ko ng baril ko. And I don’t mind spending some time inside the jail kung masasaktan isa sa mga kaibigan ko. Hindi mo kami kilala mas lalong hindi mo kami dapat minamaliit lang. Kung hindi si Zyrene ang nakita mo paano kung isa sa amin eh di isa din sa amin ang masasaktan ngayon? Curse you Heinrich Chua.” Heinz fliched a little ng ibato niya ang kutsilyo dito, hindi naman niya ito pinatamaan dahil sa tabi lang nito iyon nahulog.

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon