01

17 0 0
                                    


"Anais!! Boba ka, nandito ka lang pala!"

Abala ako sa pag-i-stretching nang biglang pagdating ni Gicel sa locker room ng volleyball team. Hobby ko na kasi yon pagkatapos ng practice namin bago ako magbihis yun na ang nakasanayan ko kaya tuwing may practice ay ako palagi ang nahuhuli sa mga ka-team ko.

"Sandali magbibihis lang ako." Sabi ko at kinuha na ang spare shirt ko at black velvet shorts tsaka pumasok sa isang cubicle. No worries, I'm wearing a cycling shorts.

"Bilisan mo, nandoon na sila Jam!" Gicel always Gicel palaging nakasigaw

Nang makapagbihis ako ay sabay na kaming lumabas, sa West gate ang labas namin dahil diretso kami kila Jam, may gagawin kasi kaming portfolio. Anyway, hindi ko pa pala na papakilala ang sarili ko.

I'm Vernaise Linnea San Pedro, but everybody call me Anais, turning 21 this next week. Hindi pa ako ganoong katanda 'noh, baby face parin ay mali baby mo parin. Fourth year AB Fashion design and Merchandising sa LSU. Mayroon akong scholarship dahil sa paglalaro ko, I'm the captain of the Volleyball Women Team, medyo mahirap lang dahil graduating na ako. Ine-enjoy ko na lang dahil last year na din sa paglalaro. Ever since high school ay naglalaro na ako, isa rin ako sa mga nabigyan ng full scholarships dito sa LSU noong highschool.


Nakita namin sila Jam na naghihintay sa may gazebo malapit sa gate. Medyo madilim na rin kasi at may ilaw na ang bawat poste dito sa campus.  Tatlo silang nadoon sila Jam, Darl, at Mei. Lima kaming palaging magkakasama pare-parehas din kaming department.

"Gaga ka, Anais! Bakit naka-shorts ka? Pupuntang SC nakaganyan ka?!" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nitong si Jam.


"Boba, akala ko ba gagawa ng port? Tino-talkshit nyo ako eh." Inis kong sabi, hindi naman ako na inform na magc-club sila, mga gaga.


"Ha?! Baliw, sino nagsabi?" Sabat naman nitong si Mei.


Pinagtuturo ko naman si Gicel at Darl. Aba yung mga gaga nagbusy-busy-han doon sa phone nila. Totoo, yun talaga ang sinabi nila kaya nga pumayag ako. Uuwi na sana ako at hindi na sasama sa kanila sa SC kaso girl, mga bruhang bakla hinila ako kaya ang bagsak lima kaming papasok ng SC.

"Mga bruha talaga kayo, may exam pa ko bukas sa minor class ko." Napailing na lang ako ng magtawanan silang apat. Hinanap naman namin sila Kriz, close friends namin taga-HVSU, sila daw talaga ang nag-aya. Sabi pa ni Darl, bakit daw hindi ko alam kasali naman daw ako sa gc. Eh sa ini-mute ko ang ingay kasi nila kailangan ko mag-aral at mag-isip.

"Jam, here!"

"Blooming tayo ngayon ah, Miss Flaire." Nakangising puna ko kay Kriz. Iba kasi talaga ngayon eh, dati pag may ganito palagi sya pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sobrang strict ng parents nya. Hindi nya kasi magawa lahat ng gusto nya.

"May bagong landi kaya ganon," sabi ni Angel tsaka tumawa, one of the girls.

"Ayy malandi kang gaga ka!" Kantyaw naman nila Bakla, si Jam at Darl yan.


Umupo ako sa tabi ni Cheska na busy sa phone nya at nakangiti pa si gaga.


"Slight lang, gaga ka din." Bawi naman ni Kriz, nagtawanan kaming lahat na nasa table. Kulang kami ngayon pero lagpas sampu na kaming nandito.

Napasilip ako sa ginagawa ni Ches. She's texting a guy I guess, mukhang nag-eenjoy sya.

"Jowa mo?" tanong ko, mabilis syang napalingon sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLAY HARDER | Anais San PedroWhere stories live. Discover now