Part 2: Chapter 59

544 25 0
                                    

The day went by, Lucian is thinking thoroughly of Yana's offering. Hindi niya lang mapigilang mag-self doubt, dahil nakokonsensya siya dahil napahamak ang kaniyang anak nang dahil sa wala siya sa tabi nito.

Wala na naman siya tuwing may nangyayari sa kaniyang anak, nang makita niya ang sitwasyon ng kaniyang anak noong araw na iyon, hindi mapigilan ng kanyang puso na sumakit sa sinapit ng kaniyang anak.

Hindi niya maatim na pabayaan at ipadala ang anak sa temple dahil sa nangyari noon, kahit na isang sagradong lugar iyon, wala siyang tiwala sa mga taong lumapit sa kaniya.

Alam niyang pamangkin niya si Luci, si Christian naman ay apo ni Havana, si Kasper ay kaibigan ni Luci, si Erich naman ay ang tumulong sa kanila noong nasa temple sila upang makabalik agad sa bahay nila noong nangyari ang bangunot na iyon, lastly, si Yana. Ang holiness, na siyang nagsasabi na siya lamang ang makagagamot sa kaniyang anak.

Pinakilala kasi sila ni Luci, dahil alam nito na hindi basta-basta magtitiwala ang kaniyang uncle sa ibang tao. Bukod doon, pinag-iisipan ni Lucian ang magiging epekto ng nangyari sa kaniyang anak. Pakiwari niya, hindi magiging madali para sa dalaga niya na kalimutan ang nangyari, lalo na't pinatay ang kaniyang lolo sa harapan niya.

Nakita nito kung paano pinatay at ito pa ang huling naka-usap nito. Lahat ay hindi magiging madali, lalo na't si Havana ay sinisisi si Lacy sa pagkamatay ni Lucius. Kung hindi raw dahil sa kaniya, hindi sana mawawala si Lucius.

Napahinga nang malalim si Lucian at pumikit nang mariin. "Lucy, I need you right now," bulong niya sa ere. Ilang segundo lamang ay para bang may malamig na hangin ang pumalibot sa kaniyang katawan.

Ngunit nagulo ang kaniyang pag-iisip nang biglang kumatok nang malakas sa pintuan at sunod-sunod na katok iyon, nagtaka naman si Lucian at mabilis na tumayo upang pagbuksan ang taong kumakatok.

Pagbukas ni Lucian ng pinto, agitated ang itsura nito at tila ba kabado at mukhang nagmadali upang puntahan siya. Kaagad na nakaramdam si Lucian ng pagkakakaba.

"What's the matter?" he anxiously asked. The person in front of Lucian is breathing heavily and rapidly. "S-Sir! The young lady--!" Hindi pa nito nakukumpleto ang sinasabi nito ngunit nang marinig pa lamang na anak niya ang tinutukoy, mas mabilis pa sa isang cheetah ang takbo nito sa kwarto nito.

Kaagad rin siyang sinundan ng taong iyon. "What happened?" he nervusly asked. "The young lady woke up and suddenlt went out of control, she's going to the conference hall where the king is," sabi nito.

Napamura naman si Lucian nang marinig iyon. 'Wala bang nagbabantay sa kaniya? Bakit naman pinabayaan siya?' galit na sabi niya sa kaniyang isipan.

Mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang anak, nakita niya pang nagkakagulo ang mga tao sa daanan, kaya naman sumigaw ang taong nasa likod upang humawi sila sa daanan.

"Get out of the way!" sigaw nito. Nagulat naman ang ibang servants pero nang makita si Lucian ay kaagad na nagsitabi ang mga ito.

Pagkarating ni Lucian sa conference hall, kung saan pumunta rin sila noon, noong nakaaway nito ang anak na babae ng hari. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon, ang anak niya ay nalauhod sa harapan ng hari, sa gitna ng conference hall, habang ang ibang tao na nasa loob ay nakapaligid sa kaniya at nakatingin kay Lacy na para bang kinakaawaan ang dalaga.

***

Umalis muna sa kwarto ang ibang servants, upang mananghalian, kaya naman isa lamang ang natira na nagbantay kay Lacy sa kwarto nito. Busy ito maglinis ng mga towel na napuno ng dugo niya.

Samantala, ang mga katulong niyang sina Aziz ay pina-uwi muna nang pansamantala, ngunit mamaya ay babalik din sila upang alagaan si Lacy, utos din kasi si Lucian na umuwi muna sila upang malamang ng kanilang pamilya na ayos lamang sila.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademWhere stories live. Discover now