Hanggang sa Muli (KathNiel One shot)

1K 11 8
                                    

Fourth One-Shot story. At paulit ulit kong sinasabi na hindi po ako propesiyonal na manunulat. Pero sana magustuhan niyo pa din. :) Happy reading!

PS: Hndi ko alam kunng bakit Kahit Kaylan by South border yung napili kong kanta. Gusto ko lang siya! Hahahahahaha

-------------------------------------------------------------------------------

Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala? Baguhan ako sa skwelahang pinapasukan natin. Walang kaalam alam. Walang kamuwang muwang. Naligaw pa nga ako eh. At sa sobrang swerte ko, nakabangga ako ng gwapong katulad mo!

Nahulog ang mga folder ang mga papel na dala ko. Kasalanan ko naman dahil hindi ako tumitingin sa daan, nabunggo tuloy kita. “Ay! Sorry miss! Sorry talaga!” sabi mo sakin. Sa unang pagkakataon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa sobrang kaba o dahil sobrang gwapo mo lang talaga. “Sige miss, pasensya na ulit ha.” Yan ang huli mong sinabi sakin bago ka naglakad at umalis. Hindi man lang ako nakapag pasalamat dahil natameme ata ako sa sobrang gandang lalaki mo. Binalak kitang sundang para makapag pasalamat, pero bigla kitang nakitang may kayakap na babae. “Ay sayang, may girl fiend na.” at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng lungkot.Para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Nakaka ewan na pakiramdam!

Nakarating ako sa homeroom ko, at naupo sa isang gilid. Nahihiya akong makipag usap sa kahit kanino dahil nakakatakot ang mga muka nila. May ilang ubod ng daming kolorete sa muka, na akala mo hostess a isang bar. Merong mga ilan na akala mo eh mga takas sa prisinto dahil sa mga balbas at bigote nila. Nakakatakot na halakhakan ang naririnig ko. Meron ding mga mukang playboys, mga babaeng magaganda nga ngunit nakataas naman yung mga kilay at syempre, mawawala naman ba ang mga taong halos halikan na ang libro sa pagbabasa nila?

Nanahimik ako sa isang tabi dahil hindi ko alam kung sino ang pwede kong kaibiganin dito. Nakakatakot, para akong isang ligaw na pusa. Isang outcast.Parabang lahat sila tao, at ako alien.

Kasalukuyan akong nagsusulat sa diary ko nang biglang nagiritan ang mga babae. Akala mo nakakita ng artista sa sobrang tili! Hindi ko na lamang pinansin dahil kung artista man yan, tiyak hindi rin ako makakalapit sa sobrang dami ng babae ditto. Kaya binalewala ko na lang. Nagsuot ako ng earphones pero mejo mahina ang tugtog kaya naman naririnig ko pa din sila.

Nagulat na lang ako ng may tumabi sakin. Hndi ko pinansin pero alam kong lalake, sa tindig pa lang eh. Maya maya nakarinig ako ng bulong bulungan.

“Ang swerte naman ni girl!”

“Yan ba yung bagong transfer? Grabe siya pa talaga ang tinabihan!”

“Nakakainis! Napakapangit naman niya para tabihan!”

“Tama ka jan! Sana ditto na lang siya tumabi!”

Akala siguro nila hindi ko sila naririnig dahil naka earphones ako. Sino ba tong katabi ko at parang sobrang naiinggit sila? Ayokong tignan dahil baka mamaya eh patayin ako netong mga babaeng to.

“Hi, ikaw yung transferee na nakabunggo ko kanina diba?” Bigla mong nasabi. Nagulat ako. Nahinto ako sa pagsusulat dahil sa sobrang gulat. Ang puso ko, sobrang lakas ng tibok, parang gusto nang makawala! Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsusulat.

“Ay tanga, naka earphones pala! Kaya pala hindi ako narinig!” lihim akong napangiti sa sinabi niya. Ang hindi niya alam, kaninang kanina ko pa siya naririnig. Kinalabit mo ko, Huminga ako ng malalim at tumingin sayo. “Hi! Ikaw yung nabunggo ko kanina diba? Pasensya kana ha. Nagmamadali kasi ako nun kaya kita nabunggo. Daniel Ford nga pala, pero Daniel na lang.” inilahad mo ang kamay mo, nung una hindi ko alam ang gagawin ko. Mukang tanga naman ako kung iiwasan ko yun. Nakipag kamay ako sayo at sinabing “Ah. Wala yun. Hehe. Okay lang.” Itinanong mo ang pangalan ko, kaya sinabi ko naman “Kathryn Manuel, pero Kath na lang.”

Hanggang sa Muli (KathNiel One shot)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin