0:37 : Sinehan

287 19 1
                                    

Author's POV

Nang makabili na ng tickets ay pumasok na silang 7 sa sinehan, magkakatabi lang din sila kaya wala namang problema.

Sun • Won • Riki • Hoon • Jake • Jay • Hee •

Habang pumapasok pa ang ibang tao na manonood din ay may biglang tumabi sa bakanteng upuan katabi ni Sunoo. Nginitian lang naman 'yon ni Sunoo ng lingunin nya ang binata na nakangiti din sa kanya.

Lumipas pa ang ilang minuto at nagsimula ng bumukas ang malaking screen sa harap nila, at may mga commercials pang pinapalabas. Pagkatapos ay nagsimula nang dumilim ang paligid, senyas na magsisimula ng i-play ang kanilang papanoorin.

Habang nanonood ay kumakain lang sila ng kumakain at nagvi-video din si Riki kahit na bawal naman 'yon. Samantalang si Sunoo naman ay medyo nagiging uncomfortable na dahil kanina pa nyang napapansin ang katabi na tingin ng tingin sa kanya, sa muka nya o sa hita nya.

"Oy ken, ayos ka lang?" Tanong ni Jungwon ng mapansin ang 'di mapakaling katabi na pagalaw-galaw sa kanyang inuupuan.

"Oo, medyo makati lang hehe" sagot nya sabay pilit na ngumiti na nagpakumbinsi naman sa kanya.

"Sabihin mo lang pag may problema, palit tayo upuan kung gusto mo"

"Sige nget" ani Sunoo at tinuon na ulit ang atensyon sa malaking screen sa harap nila.

Nang lumingon si Sunoo sa kaliwang side kung nasaan nakaupo ang lalaki ay medyo nagulat sya ng makitang nakatingin parin ito sa kanya.

"Um excuse me..? May problema po ba?" tanong nya sa binatang nginitian lang sya sabay sabing

"Ah, hi, I'm Kai" pagpapakilala nya na nagpagulo pa lalo sa isip ng isa. Gago 'di ko naman tinatanong pangalan mo gusto nya sanang sabihin 'yan kaso parang wala naman sya sa lugar magsalita ng ganon kung 'di nya naman kakilala yung sasabihan nya.

"Ok. I mean, may problema po ba kayo? Kasi kanina ko pang napapansin na nakatingin ka sakin eh, medyo uncomfortable kase eh" pag-uulit nya sa sinabi nya kanina na nagpangisi sa binata.

"Sino ba namang 'di titingin sa'yo? Ang ganda mo na nga, sexy pa, oh and cute ka din pala, pede ba makuha number mo?" sunod-sunod nyang tugon na nagpakunot sa noo ng isa. Tangina mo gwapo ka sana kaso ekis yung attitude mo teh isip nya sabay ngumiti ng pilit sa lalaki bago magsalita

"Uhm fyi, kasal na ho ako so tigil-tigilan mo ko, at tsaka humanap ka nalang po ng iba dyan sa tabi-tabi tutal muka ka namang pulubi" mataray nyang tugon sabay irap na lalong nagpangisi sa lalaki.

"Trying hard to get huh? Interesting.." aniya at may paghawak pa sa baba nya na parang nag-iisip na lalong nagpainis kay Sunoo kaya kinuha nya nalang yung long sleeve na nilagay sa kanya ni Riki kanina at tinakip nya ito sa kanyang hita. Huh, gago ka maglalandi na nga lang sa kasal pa isip ulit ni Sunoo at tuluyan ng 'di pinansin yung kai na katabi nya.

"Baby, pansinin mo naman ako" bulong nung kai sa tenga nya na nagpanginig sa kanya ng bahagya. Gago ang lalim ng boses mo baon kita sa lupa eh

Hindi nalang umimik si Sunoo at mas umurong pa sya papalayo sa binata.

"Baby what's your name? Your address? Your number? Do you want me to bring you to my house?" tanong nito sabay humawak pa sa hita nya na nakatakip ng long sleeve na nagpagulat kay Sunoo.

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now