Chapter 2

135 7 0
                                    

Chapter 2



Kung may isa man akong maide-describe kay Shania, iyon ay espesyal.

Magaling siyang mag-drawing; mostly puro anime ang ginuguhit niya tuwing may free time kami. Marunong din siyang mag-Nihonggo. At sa pagkakaalam ko, recently lang ay nag-aaral na rin siyang mag-Hangul kasi Korean daw ako. I didn't get her point actually kasi kahit na may dugo akong Koreano, hindi naman ako marunong mag-Hangul, so ano pang silbi? Hindi ko rin naman siya maiintindihan.

She's also a loud person. Contrary to mine. Akala ko nga noong una, ako ang umampon sa kaniya para magkaroon siya ng kaibigan. Pero sa totoo lang, ako talaga ang inampon niya. I guess, every extroverts has their own introverts, e? Pero dahil sa pagiging extro niya, iyon ang madalas na dahilan para tawagin siyang weird. And I admire her kasi sa kabila ng mga bulung-bulungan tungkol sa kaniya, she acted like she didn't hear them. Kahit na alam kong aware siya. Gusto ko rin matutuhan kung paano niya nagagawa 'yon. Kasi nahihirapan ako. Sobra.

Pero hindi ko rin maiwasan minsan na mag-alala kasi I don't know if she didn't really care o ayaw niya lang ipakita na . . . naaapektuhan din siya sa mga sinasabi nila.

Napalingon ako kay Shania na patuloy pa ring nagkukwento tungkol sa anime na pinapanood niya. Tango lang ako nang tango kahit na sa totoo lang, hindi talaga ako maka-relate sa mga pinagsasabi niya.

"Try mo kasing panoorin din! Promise hinding-hindi ka magsisisi! Sobrang cute ni Bond!"

"Sige ta-try ko sa weekends."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang naipangako na panonoorin ko ang mga nire-recommend niya. Madalas ko kasing makalimutan na panoorin talaga!

Nagpatuloy siya sa pagkukwento habang pababa na kami papunta sa canteen. Lumipad na ang isip ko at wala nang naiintindihan sa mga sinasabi niya. Natuon kasi ang atensyon ko sa mukha ni Shania.

Maganda siya. Walang duda. She has a soft feature. Heart-shaped face, round eyes, dainty nose and pinkish pouty lips. And probably, the only one I envy the most about her is that . . . she has a clear, glowing glass skin.

Napangiti ako nang wala sa oras. Naaalala ko kasi noong pakaunti-unti pa lang tumubo ang mga taghiyawat ko ay tinanong ko siya kung ano o kung may ginagamit ba siya sa mukha niya. At sabi niya ay wala. Na mas gugustuhin niya pang igastos ang pera sa mga anime merch kaysa ipambili ng mga kung ano-ano raw para sa mukha.

Ganoon din kasi ako noon, walang ginagamit. Pero ito ako ngayon, tadtad na ng mga taghiyawat. Kaya hindi ko maiwasang maisip na, saan ba ako nagkamali? Even though, I don't use too much chemicals on my face, I still do proper skin care. Kasi 'di ba sabi nila, "less is more"?

Siguro isa rin 'yon sa dahilan kung bakit naiisip kong espesyal si Shania. Kasi kahit na wala siyang ginagamit na kung ano sa mukha niya, nasa magandang kondisyon pa rin ito hanggang ngayon. Hindi gaya ng sa akin. Napabuntong-hininga ako. Masaya ako para sa kaniya. Totoo. Pero hindi ko rin maiwasan na minsan ay . . . mainggit.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa canteen. Maraming tao sa loob kasi kasabay rin namin ang mga grade 7 mag-recess. Sa dami ng tao sa loob ng canteen, may iilan na napapalingon sa gawi namin. I immediately avoided my gaze from them. Bigla akong nahiya sa hitsura ko. Gusto kong itabon sa mukha ko ang aking buhok.

Nagmadali akong maglakad papunta sa counter. At habang naglalakad ako, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang iilang puna o . . . panglalait nga ba.

"Grabe, ano nang nangyari sa mukha niya? Sayang naman."

"Hindi kasi naghihilamos, ayan tuloy!"

"Kadiri naman! Nana ba 'yong nakita ko?! Nakain pa naman ako!"

The Beauty Within | BeYOUtiful #1Where stories live. Discover now