27

1.1K 51 10
                                    

KABANATA 27









"I know it hasn't happened yet but congrats for when it does!" Napakurap-kurap ako ng makita ang isang kumpol ng pulang rosas sa bisig n'ya habang buhat buhat nito si Hope.





"What are you doing here? Akala ko ba ay busy ka at hindi makakarating..." Napasimangot ako at inabot ang bulaklak na hawak nito bago yumakap sa bagong dating.





'I told you... I can make it..." Ngumiti si Gio at saka inalalayan ang likod ko.





"Ang tigas ng ulo mo... mabuti hindi nagalit si Lucy!" Tumawa ako bahagya bago kinuha ang apat na taong gulang kong anak na yakap yakap pa ang leeg ni Gio.





"Isang halik ko lang bumabait iyong pinsan mong 'yun... Minsan nga ay gusto ko ng bigyan ng anak para matigil na sa kaseselos..." Hinampas ko ang braso n'ya habang tumatawa ng malakas.





"Bakit dito ka dumeretso at hindi sa bahay ng girlfriend mo?" Ipinatong ko muna ang roses sa centre table bago tumuloy sa kusina para kumuha ng maiinom n'ya. Mukhang pagod pa s'ya sa byahe.





"Stay here... hmmmkay?" Utos ko kay Hope.





"Kay, Mummy!" Ngumiti s'ya at isa isang kinuha ang mga laruan sa sahig.





Inabot ko kay Gio ang apple juice bago humalumbaba sa high-table. Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay nagtsatsaga parin s'yang kumustahin at dalawin kami ng anak ko. Every month ay binibisita n'ya kami kapag hindi s'ya busy. Pero nitong mga nakaraang buwan ay nahinto s'ya sa pagtatravel from Manila to London. Sinimulan na kasing ipatayo iyong bago n'yang resort sa Puerto Galera kaya naman magkasama sila roon ni Lucy habang ako naman ay abala sa grand opening ng Hope Clothing. Si Lucy naman ay kadarating lang din last week at hindi pa s'ya napapadpad sa bahay ko.






Ang Hope Clothing ay isang organic fabric. Noon ay nagtitinda lang ako ng mga tela at lahat ng iyun ay umiikot lang sa light color. Cream to light brown. Dahil sa tulong ni Lucy ay nagkaroon ako ng sariling pabrika ng mga tela at ngayon ay magkakaroon naman ako ng grand opening para sa Hope Clothing which is damit para sa mga baby. Lahat ng ito ay dahil sa tulong ni Lucy. S'ya ang naglabas ng napakalaking pera para sa negosyong ito at last month ko lang nabayaran lahat ng utang ko sa kanya.






Marami rami na rin akong customer mula sa iba't ibang bansa at nangunguna na roon ang Italy at France. Tinangkilik rin ng mga kilalang brand ang telang ipinagmamalaki ko. Noong una ay nag aalangan ako dahil malaki ang magagastos pero hindi nagdalawang isip si Lucy na tulungan ako. Tama si Tatay Carding na siyang General Manager ng Pabrika ko. Lagi n'yang sinasabi na sikap at tiyaga. Habang si Manang Susan naman ang Head ng patahian ko, si Paeng ang Manager ng Hope Clothing habang si Ate Maritez naman ay kusang inako ang pag-aalaga kay Hope. Sa ngayon ay nasa bakasyon pa si Ate Maritez pero next week ay babalik na ulit s'ya dito. Lumipat na rin ako sa isang condo unit na malapit lang sa shopping mall kung saan ko balak buksan ang Hope Clothing. At sa darating na lunes ay gaganapin ang grand opening ng Hope Clothing.






Para kay Hope ang lahat ng ito. Lahat ng pawis, pagod, mga gabing hindi ako makatulog sa pag-iisip kong paano ko maibibigay ang magandang buhay para sa anak ko, luha... lahat lahat ng ito ay para kay Hope. Lalo akong nag-sikap at nangarap pa ng mas mataas kaya't naabot ko ang tagumpay. Hindi ako sumuko, hindi ako napagod.




Noong araw na muntikan na akong iwan ni Hope... halos araw araw akong sinusuyo ni Gio. Si Lucy naman ang humaharap sa kanya at siya na rin ang nagpaliwanag ng lahat lahat sa akin, dahil ayokong makita o kahit manlang makausap si Gio. Galit na galit ako sa kanya. Pero hindi ko kayang talikuran lahat ng tulong n'ya. Simula ng ipanganak ko si Hope ay s'ya na ang tumayong ama ng anak ko... Siya ang unang lalaki sa buhay ni Hope, unang pagmulat ng mata ni Hope ay si Gio na agad ang nariyan sa tabi ko. Unang paghakbang ng maliliit na paa ni Hope ay si Gio parin ang nariyan... unang subo ng pagkain, unang salita mula sa mapula at makibot niyang bibig, unang kaarawan... lahat lahat ay si Gio ang nariyan para saksihan ang paglaki ng anak ko. Kaya bakit hindi ko s'ya patatawarin? Lalo pa noong inamin n'yang napapamahal na s'ya kay Lucy kahit pa ubod taray ng pinsan ko. Hanggang sa idinaos ang ikalawang kaarawan ni Hope ay si Gio parin ang nasa tabi ko. Minsan naiisip ko si Miguel... magiging ganito rin ba s'ya sa anak ko? Nasaksihan ni Gio at Lucy lahat ng hirap at tagumpay namin ni Hope. Kaya alam kong hindi na kailangan pa ng ama ng anak ko.

Midnight Lover (Completed)Where stories live. Discover now