Thirty Two

198 18 0
                                    

Hati ang atensyon ko sa pagmamaneho papunta sa Hospital at pagtingin sa singsing ko na binigay ni Nolan sa akin.

It's my first time na magsuot ng singsing, kahit na noon pa kasi hindi na ako mahilig sa accessories. I mean i do wear sometimes tulad ng kwintas or bracelet pero never talaga akong nahilig, mabilis ko kasi itong nawawala eh.

Nang makarating kami finally sa hospital. Pagpark ko ng kotse nag lakad na kami papunta sa elevator.

Habang nasa elevator kami hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito ang unang beses na nakapag usap kami. Dito talaga nag simula ang lahat.

“Why are you smiling?" He asked.

“Naalala ko lang yung first encounter natin, dito 'yon."

He chuckled. “You're right! Napaka taray mo nun."

“Eh paano naman kasi tinarayan mo rin ako. Akala mo pa sinusundan kita."

“You're watching a video of me kaya 'di ko maiwasang maghinala noon."

“I'm happy i watched that video." I said with a smile.

Kung hindi ako pinipilit ni Kass na panuorin ang video ni Nolan na shinare ni Alonso baka hindi kami nakapag usap noon ni Nolan. Wala kasi siyang magiging dahilan para agawin ang cellphone ko. Dahil hindi ko masyadong pinapansin ang nasa paligid ko noon for sure hindi ko rin mapapansin na nasa iisang elevator lang pala kami noon ng heartthrob ng school.

“Thank you for watching that video." He said.

“Let's also thank Alonso for uploading your video and Kass for sharing it to me." I added na nagpatawa sa aming dalawa.

Finally nakarating na kami sa office ni Mama. Habang magkahawak kamay kami ni Nolan, bigla kong naramdaman sa kanya ang kaba. For some reason, medyo kinabahan din ako.

Papayag kaya si Mama?

Ako na ang kumatok sa pinto.

“Come in." We heard Mom said. Binuksan na ni Nolan ang pinto 'tsaka napatingin sa direksyon namin si Mama.

Napatayo siya nang makita kami. “Anong ginagawa n'yo dito? May nararamdaman ka bang hindi maganda Nolan?" She asked.

Nolan shakes his head. “Wala po, Doc."

“Kung gano'n anong ginagawa n'yong dalawa dito?" Pagtataka niya.

“May sasabihin po kasi kami." I said.

Salitan niya kaming tinignan ni Nolan na parang inaalam kung anong sasabihin namin.

“Maupo na muna kayo."

Sinunod naman agad namin ang sinabi ni Mama.

“So, about sa sasabihin n'yo?" Mom asked.

Tumingin lang ako kay Nolan. Hindi ko kasi alam kung ako ba ang magsasabi o siya.

“Ahm..." Parang hinahanap pa ni Nolan sa utak niya kung anong magandang sabihin para mapapayag niya si Mama.

“I want to Marry Noelle, Doc. I want to spend the rest of my months with her. Sana po pumayag po kayo."

Kita sa mukha ni Mama ang pagkabigla sa narinig niya at napatingin ito sa akin na para bang nagsasabing seryoso-ba-siya-sa-sinasabi-niya?

“Alam na ba ng parents mo na gusto mong pakasalan si Noelle?" Mom asked him.

“Opo. Nasabi ko na po sa kanila at pumayag naman po sila. Gawin ko lang daw po kung anong magpapasaya sa akin."

“I'm not against with this too but..." Mom looked at me again. “Will you be okay? Concern ako sa'yo. Baka mas maging mahirap sa'yo kapag... nawala na si Nolan."

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now