shared by Lizbeth Apiag Borillo

1.8K 6 0
                                    

Marami na akong na experience na kababalaghan sa buhay.. Peu dito ako natakot kahit hindi nman ako ung nakakita 

kundi yung mga 3 pamangkin ko..

A "doppelganger" copied my image..

Nagkaron kame ng konteng tampuhan ng mama ko.. Kaya nagmukmok ako sa kwarto for atleast 1 hour.. Mga 1pm to 2pm 

ako nagstay sa kwarto ko.. Then after nun naligo na ako and lumabas ng bahay para maglaro ng volleyball.. I was 

wearing a floral short and white t shirt..

Then nung natapos ung laro nmin.. pumunta ako sa poso (water pump) na nasa tapat ng bahay namin para maghugas 

ng paa and kamay..

Nagulat nlang ako nung tinanong ng pamangkin ko na isa,

"Oh tita bakit ka nandyan?" kitang-kita ko ung gulat sa mukha nya..

Then i answered, "Anung bakit ako nandito?"

Binalewala ko yung tanong ng pamangkin ko sabay balik ulit dun sa friends ko..

Pagkauwi ko ng bahay.. Kinausap ako ng ate ko.. Umiiyak..

Sabi ko "Bakit ate??"

Then sabi nya, "Di bale nang sakin cla magpakita wag lang sa mga anak ko?"

Nagulat ako and nagtaka..

Tanong ko, "Ha? anung ibig mong sabihin?"

Then nagkwento sakin ate ko..

Yung mga pamangkin ko nakahiga sa sala nang bigla daw nila akong nakita na dumaan nakayoko and masama ang 

tingin..

Tinanong daw ako ng pamangkin ko "bakit ka galit tita?" sinundan daw ako ng pamangkin kong lalaki hanggan sa 

pag akyat ko sa kwarto ko..

Naglock daw ako ng pinto..

Kumakatok daw yung pamangkin ko sa pinto then tinawag sya ng ate ko..

"Anung ginagawa mo dyan?" tanong ng ate ko..

Sagot ng pamangkin ko "Si tita po kase ma, galit samin"

Gulat ng ate ko kase nakita nya daw ako lumabas na ng bahay..

Sinabi nya, "Wala dyan tita mo.. Nasa labas naglalaro!"

Sagot ng pamangkin ko, "Hindi Ma.. nandito sya kakaakyat lang"

Then sumagot din ung 2 kong pamangkin.. "Opo ma.. kakaakyat lang ni tita.. nakita namin."

Pinababa ni ate ung pamangkin ko at sinabihan na wag munang umakyat sa kwarto ko..

Pagbaba ng pamangkin ko, nakita nya ako sa harap ng poso..

Sya yung nagtanong sakin kung bakit ako nandun..

Nagulat ako sa narinig ko.. Tinawag ko ung mga pamangkin ko and tinanong..

"Anung kulay ng damit ko kanina?"

Sagot nila, "Red na t-shirt and black na leggings tita"

pmunta ako sa kwarto ko.. nakita ko yung damit ko na nasa ibabaw ng plantsahan..

Dinala ko yun and pinakita ko sa kanila.. "Ito ba yun??"

Sabay-sabay silang sumagot ng "Opo."

Hindi ako nakapagsalita.. Kitang kita kong hindi nagsisinungaling ang ate ko and mga pamangkin ko..

Marami na kaming di maipaliwanag na karanasan sa bahay na iyon.. Pero yun ang tumatak sa isip ko kasi 

siguradong hindi iyon "guni-guni".

Simula nun, hindi ko na ulit sinuot yung damit na yun.. Sinunog ko yun sa sobrang takot na maulit..

Alam ko pong mahaba.. Pasensya na.. :) Share ko lang po..

Mga Kwentong Multo At Aswang (Based On True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon