Forty 2 - Awaken

6.9K 143 28
                                    

Ang update na ito ay produkto ng kasabawan ng author. Kaya alam kong pangit at maikli ang chapter na ito. hahaha paepal lang sya.. bwahaha kaya paumanhin sa inyo.. ^_^V

My next ongoing stories are: For better or worse and After All so please please hope you support it just like what you did here in TB. haha I badly need feedbacks dun sa mga nakatenggang stories na yun. hahaha

Haisst    

Hindi ko alam kung pang ilang buntong hininga na ang ginawa ko.    

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at saka naglakad lakad na naman. Kanina pa ko ganito. Kanina pa ko palakad lakad ng kaliwa't kanan tapos hihiga sa kama at saka magpapagulong gulong. Then afterwards tatayo na naman ako at maglalakad lakad na naman muli. Minsan pa nga'y baba at aakyat pa ko ng hagdanan habang nakatitig sa screen ng cellphone ko at hindi malaman kung anong gagawin.    

Nakapag decide na kasi ako na magparamdam kay Bryce. Ang kaso lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Yung pakiramdam na finally nakuha mo na yung number ng ultimate crush mo sa school pero hindi mo alam kung anong unang sasabihin mo. Syempre mag iisip ka ng text na maiimpress siya dba? Kaloka!    

Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula, mag tetxt ba ko ng:  

A. Hi

B. Hello

C. Kamusta ka na?

D. Mag usap tayo

E. Magkita tayo

F. Take me back

G. Ako na lang, ako na lang ulit.

H. O simpleng blank screen.    

At yun pa ang kaninang pinagtatalunan ng utak ko, jusmiyo! Paano ba kasi magtext sa isang ex? Yung tipong unang text after ng break up?    

Napasalampak na lang ulit ako sa kama ko. At nagsimula na namang mag type ng text.        

"aaaaaaaahhhhhhh" with matching sabunot pa sa buhok at pabaling baling ng ulo habang nasa kama.      

Nakakainis!      

As in nakakainis talaga.        

Muli akong napatingin sa screen ng phone ko kung saan naka type yung mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Naman naman oh, kung kelan naman naisip mo na nga at kung kelan naman na send mo na saka naman mag fe-failed sending message sa kadahilanang wala na kong load. Taktikal! Dang tagal ko pa namang pinag isipan toh tapos ilang fats ang na burn ko kakalakad mauuwi lang pala sa wala. Epic fail talaga.      

Badtrip!

Badtrip talaga.    

Tinignan ko yung cellphone ko.  

  To: Daddylove <3    

         I love you        

"Masasabi ko pa kaya sa iyo toh?" yun na lang ang nasabi ko saka tumayo ng kama.      

**    

Bumaba na ko ng jeep na sinasakyan ko at saka pumasok sa loob ng hospital. Sa sobrang inis ko eh naisipan ko na lang bisitahin si papa dito. And take note iniwan ko din ang phone kong walang kwenta.      

Pakiramdam ko may kung anong force na pumipigil sa akin para mapalapit kay Bryce. Hindi ko na nga siya makita sa school tapos hindi ko rin siya maabutan sa condo unit nya. Hindi kaya pinagtataguan na ko nun? O tuluyan na nya kong iniwan.          

Uwaaaaaaa..... Is it really too late?        

Iniwan na nga kaya nya ko?      

Hindi ko napansin na nangingilid na pala yung mga luha sa mata ko.        

Konsensiya: Parang tanga lang kasi, gagawa gawa ng desisyon tapos ano? Ngayon magsisisi ka? San ka dinala nyan? Naging masaya ka ba?      

At gusto kong batukan ang konsensiya ko. Sigeeee pa, isumbat mo pa sa akin ang lahat.       Habang naglalakad ako sa may hallway eh bigla na lang akong napatigil. Sakto sa paghinto ko ay syang paglingon nya. At nung magtama ang mga mata namin pakiramdam ko tumigil yung takbo ng mundo ko at tanging siya na ang naging sentro.      

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Ngayon lang ulit pero ni minsan hindi pumalyang mag over-react ng puso ko tuwing andyan sya. Parang nabato ako sa kinatatayuan ko? Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sa sobrang dami eh hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa mga bibig ko.           

"Bakit andito ka?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka nabaling ang tingin nya sa mga nakaputing damit na pumapasok sa loob ng silid.      

Saka ko lang din ito napansin. Grabe! Kung hindi pa tumingin dun si Bryce eh hindi ko rin makikita ang mga nurse at doctor na humahangos papasok sa silid ni Papa.      

Automatic na napatakbo ako papalapit. Bigla akong nag panic at sa ngayon hindi ko na ma distinguish kung bakit nag iinarte na naman ang puso ko at ganito na lang kabilis. Dahil baka sa kaba at baka kung ano ng nangyari kay papa o dahil sa hinawakan nya ang braso ko.      

"a-anong nangyayari Bryce?" kabado na tanong ko.

Feeling ko konti na lang at magpapalpitate na ko.                      

  "Aisha, gising na ang papa mo."

Teenage BabysitterWhere stories live. Discover now