one | bitten

765 64 20
                                    

Mabigat ang aking paghinga habang pino-proseso ang nangyari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabigat ang aking paghinga habang pino-proseso ang nangyari.

I was bitten.

At kung totoo ang mga nasa palabas, isa lang ang pwedeng mangyari pagkatapos mong makagat—magiging katulad ka nila.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa isiping 'yon. Napaawang ang aking labi. Unti-unting gumapang ang takot sa aking dibdib.

I was never scared of dying, but the thought of turning into a monster and leaving my sister in the middle of this mess is beyond terrifying.

Bakit sa lahat ng pagkakataon ay ngayon at sa ganitong paraan pa ako mamamatay?

Paano na ang kapatid ko?

Napalunok ako at nilingon si Lily. Nakatayo lang ito at nakatulala sa duguang sahig. She was obviously horrified with what happened.

"Lily..." mahinang tawag ko.

She looked up, and when her eyes met mine, tears started to roll down her cheeks. "You're o-okay, r-right?" she asked, her lips trembling.

Saglit akong natigilan at napatitig lang sa kanya. Hindi ko alam kung nakita ba niya na nakagat ako. It only lasted for a few seconds, and there's a big possibility that she's too frightened to notice it.

"I'm fine."

At least, for now.

Tumango-tango ito habang tuloy-tuloy pa rin ang pagluha.

She seemed convinced.

Napa-iwas ako ng tingin. Dumako ang mata ko sa pinto ng fire exit. Agad kong nilapitan 'yon at sinara.

Pagod akong napasandal sa pader na katabi nito. Mas lalo kong naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Mariin akong napapikit at nag-isip ng sunod na gagawin.

I need to bring Lily to a safe place.

But... where?

Going home is not an option anymore. Kung malala nga ang sitwasyon dito sa itaas, ano pa kaya sa ibaba at sa labas? Idagdag mo pa ang mga pwedeng mangyari sa daan pauwi.

Staying here won't guarantee her safety either. Masyadong delikado kung magtatago lang si Lily sa isang lugar sa mall na 'to. It would only provide temporary protection. Kapag nagtagal ay baka ma-trap lang siya rito.

Hindi rin ako pwedeng umasa na may darating na tulong. I highly doubt that the government have proper plans to address this situation. If our country really turned into shit, I'm certain that they'll just let everyone die. They were always incompetent when it comes to the welfare of the people, after all.

I balled my fist from frustration and fought the urge to cry.

For the first time in my life, I felt clueless of what to do.

F*ck, I'm Infected?!Where stories live. Discover now