Chapter 13:

5 2 0
                                    

Blythe's POV

Walang pasok ngayong araw dahil weekend.Kaya eto pa relax relax lang ako.Nakakaboring nga eh wala akong magawa, walang kasama dahil wala naman sina mommy at daddy nagtatrabaho.Si kuya Waldo at Manang lang ang nandito.

Sa sobrang bored ko,niyaya ko na lang si Niana at Misty gumala.Pumayag naman sila.

Andito ngayon kami sa isang SM mall.
Nag wiwindow shopping,arcade,kain, at kung ano ano pa para lang malibang kami.

"Sayang, gusto rin sanang sumama ni kambal kaso may pulong naman kasi lahat ng officer ngayon. "kwento ni Niana.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Axcel at yung tanong niya na hanggang ngayon ay hindi ko parin masagot.Masyado kong nabigla ih.

"Anong oras na? "tanong ko.

"Ahmmm 3:30."sagot ni Niana.

"Guys,tara na may kailangan pa kasi kong puntahin ih. Hapon na ren naman."yaya ni Misty.

"Sige,papasundo na ren ako. "sagot ni Niana.

"Ako den. "dagdag ko.

"Pano ba yan?Mauna na ko. Kita kits na lang sa lunes. "paalam ni Misty.

"Sige, ingat. "paalam namin ni Niana.

"Ahmmm seb?"tanong ni Niana habang naghihintay ng sundo.

"Bakit? "tanong ko.

"Tinanong kana ni kambal no?" tanong niya.

"Ha? "sagot ko.

"Yieeee.Alam mo kase sanay na ko kay kambal na sakin muna ipapaalam kung ano ba yung mga gagawin niya bago niya gawin. Alam kong gusto ko na kambal dati pa.Gusto ko lang sabihin sayo na bigyan mo sya ng chance na maipakita niya yung pagmamahal niya sayo.Mabait naman yun ih. Sweet pa hehe. Pero kung ano man ang magiging desisyon mo tatanggapin ko seb. Basta lagi mong tandaan andito parin ako. "saad niya.

"Eh kung ikaw na lang kaya sagutin ko?" tanong ko.

"Ewww seb."sagot niya habang direng dire pa.

"Hahaha charr lang."tawa ko.

"Oh siya babye na kita kits na lang sa lunes.Basta lagi mong tatandaan No. 1 fan niyo ko ni kambal. #ScarCel hehe."paalam niya at nang asar pa.

"Sira! "sigaw ko.

So, eto na naman bakit ba lagi na lang ako yung last na umuuwi.Nakakainis na.

"Blythe!!!!"

Isang sigaw ang nagpalingon sakin?

Grabe ang gwapo niya ngayon.I mean gwapo siya pero mas gwapo siya ngayon. Cha Eun Woo is that you?

"Stephen? Bakit? "tanong ko.

"Buti nakita kita sakto."saad niya.

"Bakit? "tanong ko.

"Ah eh? papasama sana ko sayong bumili ng gift. Birthday ng kapatid ko bukas ih. Kaso hindi ko alam kung ano yung pede kong bilin.Eh sakto nakita kita.Kpop fan den kasi yon. Army siya. "paliwanag niya .

"Talaga? "tugon ko.

Tila nagningning na naman ang mga mata ko dahil sa salitang Kpop. Ka co-army ko pa.

"Oo,kaso mukang pauwi kana? okay lang bang samahan mo muna ko?"tanong niya.

"Oo naman itetext ko na lang siguro si Kuya Waldo na mamamaya nako magpapasundo."
sagot ko.

"Sige,kahit wag kanang magpasundo mamaya ako na lang maghahatid sayo."saad niya.

"Ha? Eh sige ikaw bahala."sagot ko.

Naghahanap hanap lang kami kung anong pedeng iregalo sa kapatid niya.

"Ano nga pala pangalan ng kapatid mo?" tanong ko.

"Ah Stephanie Kate."sagot niya.

"Ahhh,sino ang bias niya sa bts?" tanong ko.

"Ha? Anong bias? "tanong niya.

"Ahmmm parang ano?parang pinaka favorite niya sa bts."sagot ko.

"Ahmmm pinakafavorite? Ang naaalala ko lang madalas niyang binabanggit yung V?"sagot niya.

"Ah si taehyung,sure ka ha? "saad ko.

"Ewan di ako pamilyar eh. "sagot niya.

Nagpunta kami sa isang store kung saan may mga ibat ibang stuff na may kinalaman sa bts.Bigla ko namang naisip na lightstick na lang ang iregalo niya kaso sabi ni Stephen meron na pala si Stephanie nun.

Kaya ang nangyari isang poster at mga stuff toys ng bts ang nabili namin.Ako naman naisipan ko ring regaluhan na lang si Stephanie kasi hindi ako makakapunta dahil Sunday is my Family day. Linggo lang kasi ang araw na free sila mommy at daddy kaya sinusulit namin ang araw na yun.Naintindihan naman ni Stephen yun.

Pumunta muna kami sa Jollibee para kumain kahit na busog pako.Masyadong mapilit si Stephen.

Habang kumakain hindi ko maiwasang tignan si Stephen.Ewan para kasing may kamuka siya yung ngiti niya at mga mata niya.

"Eheemm baka naman matunaw nako niyan.Masyado bakong gwapo? "saad niya.

Bigla naman akong nasamid sa sinabi niya.

"Ha? Ang hangin ah. "sagot ko.

Pagkatapos naming kumain inihatid na niya ko samin.

"Salamat Blythe.Hayaan mo ibibigay ko tong regalo mo sa kapatid ko at itong letter."saad niya.

"Sige ingat ka ha. "paalam ko.

Pagpasok ko sa bahay namin nakaabang pala sila mommy at daddy.

"Sino yun? "tanong ni daddy.

"Boyfriend mo? Akala ko ba si Mr. President? bakit may bago? "tanong ni mommy.

Ayan na naman po tayo. Hayss

You Change My HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora