THE ABENDYERS PRESENTS: "KAPITAN PILIPINAS" BY: DARK

186 1 0
                                    

SI Kapitan Pilinas, isang baranggay Captain sa bayan ng tatlong hari. Tungkulin nya na panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa bayan. Pinipigilan niya at ng kanyang mga kagawad ang mga nagtatangkang manggulo sa lugar nila, isa na rito ang grupo ni Pulang Bungo na wala nang ginawa kundi ang maghasik ng kaguluhan.

---

KASALUKUYANG nasa brgy. hall sina Kapitan Pilipinas. Nagpatawag sya ng brgy meeting upang pag-usapan ang mga nangyayari sa kanilang bayan. Kasama nya roon ang kanyang mga trusted kagawad na sina Hook-eye at Black Weedow.

"Nandito kayo ngayon aking mga kagawad dahil sa isang mahalagang talakayan. Batid nyo naman siguro ang mga nangyari dito sa atin nitong mga nagdaang araw. Pero bago natin pag-usapan ang paksa... Hook-eye, ano na ang balita tungkol sa pamamahagi natin ng mga relief goods sa mga madlang pipol na sinalanta ng baha?" wika ni Kapitan.

"Maayos naman, Kapitan. Sapat ho ang suplay natin ng Noodles, bigas at sardinas. Lahat ho ay napamahagian natin." sagot nito.

"Magaling kung ganoon. Wala bang mga tanod na nagtatangkang magpuslit o magnakaw ng mga relief goods? Tiyak na sisira ito sa aking imahe bilang kapitan kapag nangyari iyon."

"Sa ngalan ng noodles, titiyakin ko ho na hindi mangyayari iyon! Isasabit ko sa puno ang sinumang magtangkang ipuslit ang relief goods natin."

"Mahusay Hook-eye! Ganyan nga ang inaasahan ko mula sa isang kagawad."

"Salamat, kapitan. Gagawin ko ho ng mabuti ang tungkulin ko sa ngalan ng lata ng sardinas."

Humarap naman si Kapitan kay Black Weedow.

"Sya nga pala, Black Weedow, ano na ang balita tungkol sa edukasyon ng ating mga kabataan? Malaking suliranin kung hindi natin ito masosolusyunan. Tandaan mo sila ang pag-asa ng ating bayan."

"Sa ngayon ho ay suliranin pa rin ng ating mga mag-aaral ang kakulangan ng 1/4 piece of paper lalo na kapag may Exam. Kaya ang ilang estudyante ho ay nanghihingi na lamang ng papel sa katabi nila."

"Ano?!" napatayo si Kapitan at naihampas ang mga kamay sa mesa. "Tiyak na babagsak ang edukasyon ng ating mga kabataan kapag hindi sila nakapag-exam dahil sa wala lamang silang 1/4 na papel! Bababa ang grades nila!"

"Huwag ho kayong mag-alala, kapitan, gumawa na ho ng paraan ang ating mga SK kagawad tungkol sa isyu na ito. Nakapaglaan na ho tayo ng sapat na pondo para sa papel. Nagbenta ho ng lugaw sa may pansitan ang ating mga SK kaya tayo nagkaroon ng pondo. Sa susunod na linggo ho ay makakatanggap na ang bawat estudyante sa lahat ng eskuwelahan na ating nasasakupan ng libreng piraso ng 1/4 sheet of paper tuwing exam. Siguradong hindi na ho sila manghihingi sa katabi nila dahil meron na silang papel."

Nakahinga ng maluwag si Kapitan dahil sa narinig.

"Haaay, Mabuti! Akala ko'y babagsak na ang edukasyon ng mga kabataan ngayon. Mabuti na lamang at naka-isip ng paraan ang ating mga SK. Sadyang matatalino talaga sila." muling sumeryoso ang mukha ni Kapitan. "Bueno, ipinatawag ko talaga kayo dito sa brgy. hall dahil sa isang masamang balita. Batid nyo naman siguro na ang grupo ni Pulang Bungo ay patuloy na naghahasik ng kaguluhan dito sa bayan natin. Nung nakaraan ay nagpakalat sila ng mga trained na aso para dumihan ang bayan natin. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nililinis ng ating mga tanod ang duming iniwan ng mga aso. Muntik nang masira ang turismo ng ating bayan. Mabuti na lamang at naagapan natin ito. Nung isang araw naman ay nagpakalat ang grupo nila ng mga pekeng sorbetero na nagtitinda ng Macaetat Ice Cream. Pinipilit nila na chocolate ang flavor ng kanilang ice cream kahit na ang totoo ay isa iyong TA... EHEM!! Mabuti na lamang at nakabili si Hook-eye ng Macaetat Ice Cream at natikman nya ito kaya naman nalaman natin na hindi pala chocolate ang flavor non. Pero dahil doon ay ayaw nang bumili ng ice cream ang mga madlang pipol. Masisira ang ice cream industry ng ating bayan kapag nagpatuloy ito. Sa ngayon ay hindi pa rin mahuli ang grupo na ito ni Pulang Bungo. Sadyang madulas sila. At nito ngang huli ay nabalitaan ko na nakipagsanib na ang kanyang pwersa sa pangkat ni Kumander Sitaw na sangkot sa pagdadala ng mga smuggled na gulay sa palengke. Sinisira nito ang industriya ng ating gulayan. Lalong lumalakas ang panig ng ating mga kalaban! Tiyak na hindi na ako iboboto ng mga madlang pipol sa susunod na eleksyon!" seryosong sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ABENDYERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon