I

6 0 0
                                    

I wake up early the next day to take a jog for an hour. Dito lang naman ako nagjojogging sa lugar namin. Hindi na ako lumalayo pa. Kaya pagkatapos ng isang oras ay saka ako naligo at kumain.


It's sunday so I don't have much work to do. Baka magaral na lang din ako maya maya.


"Yana!"  Tawag ni Mama na galing sa labas ng bahay.


"Bakit po?"  Yana ang tawag ni Mama sakin mula sa pangalawang pangalan ko na Alyana. In fact, dito sa bahay yana talaga ang tinatawag sa akin.


"Pumunta ka nga muna sa palengke, ibili mo ko ng manok at gulay pansahog dito. Magluluto akong tinola."  Sabay abot ng listahan ng bibilhin at ang pera.


"Sige Ma. Pagkatapos ko pong kumain."


Hinayaan na muna ako ni Mama na matapos kumain at lumabas ulit ng bahay para magwalis sa bakuran.


Kami pa lamang ni Mama ang gising ngayon. Ang mga kapatid ko at si Papa ay maaaring tulog pa ata.


Lima kaming magkakapatid at pangapat ako sa bilang. Ako ang panganay na babae at may tatlo akong kuya at isa namang kapatid na babae.


Si kuya Ry ay nasa manila ngayon dahil doon sya nagtatrabaho. Umuuwi lamang siya dito sa bahay every two weeks. Si Diko o ang pangalawang kapatid kong lalaki ay nagaaral din tulad ko. Yon nga lang, nasa ibang school sya nagaaral at kumukuha din ng kursong Mechanical Engineering.


Si sangko o ang pangatlong kapatid ko na lalaki naman ay sa kapareho kong school pumapasok. Siya ang nabanggit ko na dating basic cadets last year. Ang kanyang kurso naman ay Electrical Engineering.  At ang huli, ay si bunso. Nasa highschool pa lamang sya at kasalukuyang grade 9 student. Si Mama ay walang trabaho, siya ang naiiwan sa bahay at nagaasikaso sa aming lahat. Si Papa naman ay nagtatrabaho sa munisipyo. Driver siya doon.


Simula nang mauwi si Papa galing abroad ay sobrang malaki ang pagbabago ng takbo ng buhay namin ngayon. Tapos na kasi ang kontrata ni Papa sa Laos at mahigit pitong taon na din siyang naroon.


Bata pa lang kami ay nalayo na kami sa kanya. Kaya naman nang umuwi siya dito matinding paninibago ang naramdaman.


Si Papa kasi 'yong mabilis magalit. Kung ano ang sabihin nya, dapat iyon ang gagawin mo. Higit sa lahat, istrikto.


"Mama, aalis na po ako."  Tinanguan na lamang ako ni mama at nagpatuloy ulit sa pagwawalis.


Nagpunta na nga ako sa palengke para makabili ng uulamin sa tanghalian. Nagikot ikot lang saglit hanggang sa may matagpuang nagbebenta ng manok. Sunod ko namang pinuntahan ay ang gulayan ngunit bago pa man sumapit sa gulayan ay may biglang nakabunggo sa akin. Agad kong nahawakan ang akin balikat.


"Sorry Miss. Hindi ko sinasadya" sambit ng isang lalaking nakatopless. Pawisan at may buhat buhat na sako ng bigas. Ang katawan ay malaki at kitang kita ang abs nito.


Masakit man ang braso dahil malakas ang pagkakatama ng sako ng bigas doon ay hindi ko na ininda pa sa harap nya. Sa badtrip ko ay tinitigan ko lamang sya ng masama atsaka tinalikuran.


'Badtrip yon ah. Ang sakit ng braso ko!'


Habang bumibili ng gulay ay napapangiwi pa din ako sa sakit ng braso ko. Pagtapos kong mabili lahat ng nasa listahan ay agad na akong umuwi.


Pagkarating sa bahay ay panay pa din ang daing ko sa braso ko.


'Buti na lang hindi ang dibdib ko ang natamaan. Kundi magkakaroon talaga ng away!'


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A RIDE WITH MEWhere stories live. Discover now