Simula

5 0 0
                                    

Araw ng sabado kaya naman kahit maaga pa lamang ay halos mapuno na ang Sari-gamit Court ng mga freshmen na katulad ko. Dito ginaganap ang klase namin sa NSTP at sa nalalapit na pagtatapos ng Midterm ngayon 1st semester ay kinakailangan na naming mamili kung saang programa ng NSTP kami papasok pagkatapos nito.

Ang NSTP ay may tatlong programa; ang Reserve Officers' Training Corps (ROTC), Civil Welfare Training Service (CWTS), at Literacy Training Service (LTS).

Bago pa lamang ako pumasok sa kolehiyo ay nakatanim na sa utak ko ang pagpasok sa ROTC at sumali sa pagsasanay para maging officer nito. Nalaman ko kasi ito sa aking kapatid dahil naging basic cadets sya noong nakaraang taon.

Ang basic cadets ay iba sa mga officer ng ROTC dahil sila ang hinahawakan ng mga officers. Sila ay hindi mapapasama sa mga officer na magtraining araw-araw dahil ang araw lamang ng kanilang pagsasanay ay tuwing sabado. Ang mga ROTC officers naman ay kinakailangang magsanay araw-araw at sila ay dapat na magkaroon ng advance knowledge tungkol sa ROTC dahil sila ang magtuturo nito sa mga basic cadets.

Ang dahilan ng pagsali ko dito ay ang kagustuhan kong mapabilang sa militar. Highschool pa lang ako ay sumali na ko sa CAT o Citizenship Advance Training kaya naman mayroon na akong basic knowledge sa mga command nito.

Umingay ng husto ang buong court nang magsipasok ang mga nakaunipormeng sundalo at ang nasa unahang lalaki ay nagpatuloy sa pagakyat sa stage.

"Guys, umayos na kayo. Magsisimula na tayo!"

Pagpapaayos sa amin ng mayor ng aming klase na si Janrel. Sa bawat gilid ng court ay may upuang nakahanda. Ito ay nananatiling narito at hindi inaalis para magsilbing upuan ng nga estudyanteng gustong tumambay dito. Bawat upuan ay isang section ang nakaupo dito. May tatlong row ito at mahaba din na kasya ang sampong tao sa bawat row nito.

"Siera, anong kukunin mong program?" Tanong ng katabi kong si Christina. Sya ay kaklase ko na simula senior high at naging kaibigan na din katagalan.

"ROTC ako Nats, alam mo naman gustong gusto ko ng ganon. Nagcocommand" sabay tawa. Nats minsan ang naiitatawag ko sa kanya noon pa man kaya ayan nasanay na.

"Sabi na nga ba eh! Well, ikaw pa ba? Bagay na bagay kali sa'yo yan." Aniya na may kasamang hampas sa braso.

"Ang ganda ganda kali ng tindig mo. Lagi kali kitang natitignan maglakad Hahahaha"

"Nasanay lang ako, ano ka ba! Sa CAT kasi dapat maganda lagi ang tindig para hindi lousy tignan"

Inaamin ko naman na kahit ala na ako sa training ng CAT ay nakukuha ko pa ding tumindig ng maayos at taas noong naglalakad. Ewan ko ba, hindi ko na maalis sa katawan ko yon!

"Ikaw ba? CWTS o LTS?"

"Gusto ko nga mag-LTS sis pero hindi ko pa sigurado kung meron ba yon dito. Feeling ko kasi CWTS at ROTC lang ang offer na program"

"Edi mag-CWTS ka kung walang LTS. Okay din naman ang CWTS. Madaming activities. Sayang at magaling ka pa naman sa Literacy."

"Iyon nga ang plano ko. Ayaw ko magROTC, nako! Hindi kakayanin ng puso ko yon, baka maaga akong mamatay" sabay hagalpak ng tawa.

"Unang hakbang pa lang para sa marching tatawagin na agad yong nurse sa clinic!" Dugtong nya.

Natawa na lang din ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko naman maikakaila na mahirap nga talaga ang training ng ROTC kesa sa CAT. Mas seryoso, mas matindi ang pagsasanay.

Katagalan ay nagsimula na din magsalita 'yong lalaking nakauniporme sa taas ng stage.

"Goodmorning, Freshmen!" Buong buo na boses ang pumaibabaw sa ingay ng court at ramdam ko din doon ang hatid nitong otoridad. Siya ata ang may pinakamataas na rango sa mga officer ng Rotc dahil sya ang napansin kong sinusunod ng lahat.

Nagbigay siya ng greetings sa mga panauhin at kasamahang sundalo at speech tungkol sa ROTC. Pagkatapos niyon ay nagkaroon ng demonstration tungkol sa iba't ibang klase ng rifle na gamit ng mga sundalo at ang role nito.

Nang matapos ang demo ay ilang sandali lang nagsimula ng magbigay ang mga ROTC officer ng application form sa mga estudyanteng gustong pumasok sa ROTC.

Karamihan sa mga kaklase ko ay nagbasic cadets sila. Iilan lamang kami sa section namin ang magoofficer. Madaming estudyante ang pumasok sa ROTC dahil sinasabi nilang mas maaga daw natatapos ang araw ng training kesa sa CWTS. May ilan naman na gusto talagang magROTC dahil sa gusto talaga nila ito.

Kasama ang ilang kaklase na magoofficer ay nagsulat na kami ng mga information tungkol sa amin. At pinili nga namin magadvance officer. Sina Alexa, Biatrice at Ravin ang makakasama ko sa training. Kaming apat ay isang BS Mechanical Engineering.

Si Alexa ay isa sa matalino naming kaklase. May pagka-boyish ang datingan. Kwela kausap kaya naman maaga pa lang ay nagkasundo na kami.

Si Biatrice naman ay kaibigan ni Alexa. Naging magkaklase daw sila noong senior high kaya mas close silang dalawa. Maliit ngunit malakas ang boses.

Si Ravin ay matangkad na lalaki at may malaking pangangatawan. Mapusyaw ang balat. Siya ang kaklase kong may konting kabayangan lang naman sa sarili.

Magkarelasyon itong si Biatrice at Ravin noon pang isang buwang simula ng klase.

Matapos magfill up ng application form ay bumalik na kami sa mga upuan namin at naghintay matapos ang klase. Half day lamang ang klase every saturday dahil may ibang program pa ang magkaklase dito sa court. Ang College of Engineering and Architecture (CEA) at College of Nurse and Midwifery (CNM) ang kasabayan namin sa morning session. Afternoon session naman ang College of Information and Communication Technology (CICT), Department of Arts and Science(DOAS), College of Business Administration (CBA) at College of Technology (CTECH).

Pagsapit ng alas dose ay natapos na ang klase at pwede na kaming makauwi.

"Siera"

Hinahanap ko kung sino man ang tumawag sakin pero maya maya din naman ay nilapitan ako nito. Si Christina.

"Bakit?"

"Tara kain muna tayo bago umuwi. Sabay na din pala tayo nila Bianca sa paguwi."

Parehas naman kaming lugar ng inuuwian kaya palagi kaming tatlo nagsasabay pumasok sa school at umuwi.

"Sige. Saan ba tayo kakain. Nagugutom na din ako."

"Bianx" tawag ni Tina kay Bianca na kasalukuyan nakatalikod sa direksyon namin at kausap ang isa pa naming kaklase. Nilingon naman siya ni Bianca.

"Saan tayo kakain?"

Lumapit si Bianca sa amin pagkatapos nitong magpaalam sa kausap. " Jabee na lang tayo. Para malapit lang."

At doon nga kami kumain. Malapit lang naman ito sa school. Hindi na din kami nagtagal doon. Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang saglit at umuwi na din. Malayo ang terminal dito sa sa kapitolyo kaya kelangan namin sumakay ng tricycle papunta doon.

As usual. Kahit tanghali ay mahaba ang pila sa sakayan ng bus papuntang Mariveles. Parehas naman kaming tatlo na taga-Limay at bumababa lamang kami sa bus stop highway ng Limay at doon na magwawatak watak sa paguwi.

Nang makauwi sa bahay ay agad na kong dumiretso sa kwarto. Nagbihis at nagpahinga muna dahil maya maya ay kailangan ko ng magaral. Mayroon kaming test sa Monday kaya kelangan na ding magreview.

'Next Month na din ang test ngayong Midterm. Pagkatapos niyon ay malamang magsisimula na ang training.'



TO BE CONTINUED...

A RIDE WITH MEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin