Chapter Seven

102K 2.3K 156
                                    

Chapter Seven

            “NASA bakasyon si Yang kaya kailangan natin siyang mahuli habang nandoon siya.”

            “Eh? Paano kung umangal?” tanong niya.

            “Ayon sa ating undercover nasa Boracay siya hindi dahil sa bakasyon, front lang niya iyon. May mga customers siyang galing sa ibang bansa, sa China at sa Thailand na kukuha sa kanya ng mga droga. At doon natin sila huhulihin, kailangan natin silang manmanang mabuti.” Paliwanag ng chief nila sa kanya. “Karylle, Drake at isang asset ang tutulong sa atin sa paghuli sa kanila.”

            “Sinong asset naman ito?” binasa niyang muli ang report na nakalagay doon.

            “Saka niyo na siya makikilala, hindi pa pwede baka kasi may magleak pa. He is a private person and he would keep it that way. Kapag nandoon na kayo pwede niyo siyang pakiusapan na tumulong, he was a reserve army pero mas pinili niyang hindi magserve because he have businesses to attend to.”

            Tumango lang siya at saka tinapik si Drake na tulog na naman. “Hoy, baklosh!”

            “Ay gwapong froglet!” sabi na nga ba at natutulog na naman ito. Hindi niya alam kung ano talaga ang totoong kasarian nito, ang bibig kasi nito baklang-bakla pero may steady girlfriend. Nakasanayan na rin niya itong tawaging bakla dahil pinapatulan naman nito. “Inaantok pa ako.”

            “May assignment tayo as in tayong dalawa.”

            “Ay, hindi pwede sister. Taken na ako ayokong masaktan si Criselda kapag nalaman niyang ipinagpalit ko siya sa iyo. Selosa pa naman iyon.” inirapan niya ito.

            “Excuse me hindi din po ikaw ang tipo kong lalaki no, ayoko sa lalaking bading at saka oras ng trabaho bakit ka ba natutulog?” bulong niya tapos ay ngumisi lang ito.

            “Pinagod kasi ako ni Criselda kagabi, alam mo na labing-labing hanggang kaninang madaling araw.” She just rolled her eyes at him, kahit kailan hindi man lang naging discreet sa sex life nito. Isang tikhim ang pumukaw sa kanila kaya agad silang tumalima at umayos ng upo lalo pa at masama ang tingin na ibinigay ni Hendrix sa kanila.

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon