Chapter 40 ♥ "Try to be stronger"

1.6K 38 5
                                    

A/N:

SORRY! Sabi ko mag-U UD ako kahapon di din natuloy. haha. busy po eh. Hope you all understand. osya, eto na. BIRTHDAY NI SOFIA REIN BUENAVENTURA KAHAPON!! haha. :)) KASABAY KO SIYA! ^___^ 16 na ko! HAHA.

Salamat sa mga laging nagvo-vote at nagco-comment! ^____^ Love you all! Yung goal natin na maka 5K, Kayang-kaya yan agad-agad! Kayo pa?! HAHA.

Pag naka-5k nga.. gagawa ako ng site, Facebook group, Facebook page and official Fb account ko as ssinz19. Abangan niyo na lang. I-like niyo ha! Tapos sumali kayo sa group. :))

Osya. Basahin na!

VOTE, COMMENT and BE A FAN. ^___^

_________________________________________

Chapter 40 ♥ "Try to be stronger"

[Adrian's POV]

HAPPY NEW YEAR!! Tinawagan ko agad si Rein para batiin. 

Pero mukhang hindi siya okay! Ano kayang nangyari sa kaniya? Umiiyak siya! Ano bang nangyari? Gustong-gusto ko na talaga siyang puntahan para i-comfort siya. Ano nanaman kayang meron? New Year tapos umiiyak siya?

Kinabukasan.. Pumunta ko sa kanila.. Yun na nga.. kinuwento niya sakin yung nangyari.. Yung dahilan kung bakit siya umiiyak kagabi.. Yung Johnny na yun nanaman yung dahilan, Si Johnny nanaman yung dahilan kung bakit siya umiiyak!

Nakakainis! Bakit ba lagi na lang niyang pinapaiyak si Rein?!! Wala na ba siyang alam na ibang gawin? Gusto ko na siyang sugudin ngayon para sapakin! Pinipigil ko lang na ipakita yung galit ko sa harap ni Rein.

Nakakainis. Wala akong magawa! Wala akong magawa para hindi na masaktan si Rein.. Para hindi na siya umiyak! Nakakainis! tch.

Iyak siya ng iyak. Naiinis ako! Ayoko siyang nakikitang ganito!!

"Tahan na Rein.. Poprotektahan kita.. pangako yan.."

Hindi mo man makita at maramdaman Poprotektahan kita. Poprotektahan kita sa paraang alam ko.

"Thank you Ian. Ang dami mo nang nagawa sakin pero hindi ko alam kung pano kita masusuklian"

"Just trust me, Believe in me. Yun lang, okay na ko."

"Ian.. Sana nauna kitang nakilala.. para hindi na ko nasasaktan ng ganito kay Johnny..."

Sana nga Rein.. Sana nauna ko. Pero.. ugh.. Natatakot ako.. Baka ako naman yung makasakit sayo.

Niyakap ko siya. 

"Sana nga.. Para ako yung nauna.. kung ako yun.. Hindi ka umiiyak ng ganito.."

Pangako. Dadating yung panahon, Hindi ka na iiyak. Kung dumating man yung araw na mapaiyak kita. I'm sorry.. Sigurado akong hindi ko yun sinasadya.. Alam mo namang ayaw kitang makitang umiiyak di ba?

Pero hindi ko yan masabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.

Natatakot akong baka kapag naging KAMI. Ako naman yung maging dahilan ng pag-iyak niya.. Ako naman yung makasakit sa kaniya. Ayoko ng ganun.. Kaya hindi ko na lang muna gagawin. Gagawin ko lang yun kapag handa na ko, Kapag alam kong handa na ko.. na sigurado na kong hindi ko siya masasaktan.

Eto yung isa sa mga paraang naiisip ko para protektahan ka Rein.

Hindi nga ko pumapayag na saktan ka ng iba. Lalo naman kung ako mismo yung makasakit sayo. Balang araw, tutulungan kitang kalimutan yang nararamdaman mo para kay Johnny.. Para ako na lang.. Tayo na lang.. Hindi kita papaiyakin.. Pangako yan..

Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)Where stories live. Discover now