Part Five

2.5K 48 4
                                    

Girl eto na yung wish mo, ipa-publish ko sana tong part nato next month but your lonely.., I hope this can make you feel better.. happy happy lang okay?

☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉

" I never really been able to be ME until i met you..you make me feel wanted, loved, needed, I don't have to hide WHO I AM to make you just as HAPPY as you make me:* "

☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉

Pag katapos kumain, nagkwe-kwentuhan muna kami ni Nanay, pero di rin iyon nagtagal dahil hinila ako ni Vice palabas ng bahay.

Karylle: Ano to Vice?

Nasa labas kami ng bahay nila, tinakpan ng mga kamay ni Vice ang mga mata ko kung kayat wala akong ideya kung ano ang nasa paligid ko.

Vice: May ibibigay ako sayo Karylle,

Tinanggal niya iyong mga kamay niya saking mga mata at tumambad sakin ang napakagandang singsing, a diamond ring,

Vice: Promise ring, tanda ng tunay at wagas kung pag ibig para sayo.. Alam kung marami tayong hindi pagkakaintindihan. Nasasaktan kita ng di ko sinasadya pero gusto kung malaman mo at paniwalaan mo na mahal kita, mahal na mahal at mamahalin kita habang buhay..

Hindi ko mapigilan ang sarili kung maiyak. Eh sa na touch ako ng subra,

Vice: Wag kang umiyak please, naiiyak rin ako sayo eh,

Sambit nito habang pinipigilan ang sariling maiyak.

Karylle: Pano naman kasi akong di maiiyak niyan, subrang sweet mo..

At hinalikan niya ako mula noo pababa sa ilong at sa mga labi ko.. Pero kahit smack lang iyon, iyon ang pinaka masarap na halik ang natikman ko..

Vice: Karylle, can I dance with you tonight?

Karylle: Pero wala namang tugtog

Vice: Di naman kailangan ng tugtog para makapagsayaw

at hinawakan ni Vice ang kanang kamay ko habang nasa baywang ko naman ang kaliwa nitong kamay. Sumasayaw kami habang nakatitig sa isa't isa waring nag-uusap at nagkakaisa ang aming mga puso.

Karylle: Babe, did you hear it?

Pabulong kung sabi sa kanya, malapit lang ang mga mukha namin kung kaya't naaamoy ko ang mabango nitong hininga.

Vice: Ang alin?

Karylle: My heart is singing for you..

Vice: Huhulaan ko kung anong kinanta niyan..

[singing 'Maging Sino Ka Man' Erik Santos version]

♫♪ Ang pagibig ay sadyang ganyan tiwala sa isa't isay kailangan.. ♪♫

Karylle: ♫♪ Dati mong pagibig wala akong pakialam basta't mahal kita kailan paman..♪ ♫ Huwag kang mag isip ng anupaman,♪ mga paliwanag mo'y di na kailangan at kahit ano paman ang iyong nakaraan, Vice mamahalin kita maging sino ka man... ♪♫

Nanginginig ang tinig ko habang kumakanta. Umiyak si Vice, umiiyak din ako. Maaaring sa iba, mali ang pagmamahal ko kay Vice pero di naman iyon mahalaga. Mahal ko si Vice kahit sino at ano ang pagkatao niya.

Vice: I love you...

Now he's hugging me so tight. Ako naman ay napasubsob na sa dibdib nito.

Karylle: I love you more and forever Vice...

One moment. Mga 5 minutong natigil pareho ang mga mundo namin. Ninanamnam ang init ng aming katawang magkayakap. Ilang sandali pa ay,

Vice: May ipapakita ako sayo...

at isa-isa niyang tinanggal ang damit pantaas niya..

Karylle: What are you doing Vice?

Pag-aawat ko sa kanya, pero di pa rin siya huminto kung kaya't pumikit ako. 'Oh my God, napaka-aggresive naman ng lalakeng to! Dito pa talaga sa labas!'

Vice: Relax Binibining Kurba, wala pa akong planong suwayin ang rules natin.., darating din tayo diyan..

may kasama pang pagkindat na sabi niya, and I remember may rules pala kami.. Stating rule no.7: Bawal mag sex. Pano ko makakalimutan iyan?

Karylle: So bakit naghubad ka?

Naiilang pa ring tumingin kay Vice. Weird nga kasi di naman first time kung makakita ng hubad na lalaki, I mean hubad sa pang itaas pero bakit pinagpapawisan ako ngayon?

Vice: Tingnan mo kasi ako..

Hinawakan niya mukha ko at hinarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko...

Karylle: Ang ganda...

Vice: Nagustuhan mo?

Karylle: hmm..

tumango lang ako habang hinaplos haplos ang hubad nitong katawan, actually sa dibdib lang.. Minamasdan ko ang tattoo, Oo tattoo niya ang ipinapakita sakin, isang anghel na may nakamarkang letter K, obvious naman kung bakit may K..

Karylle: Bakit angel?

Vice: Cause your an angel to me. Niligtas mo ko sa malungkot kung buhay. Binigyan mo ko ng pag-asang magmahal at mahalin ng tunay. Kaya gusto kung manatili ka dito. [turo sa dibdib] See minahal lang kita naging corny naku :)

Karylle: May rhyme pa talaga mga lines mo ha. Pero thank you... Thank you for loving me Vice..

at buong pagmamahal na hinalikan ko siya sa mga labi niya..

QUOTABLE LINE ON THE NEXT CHAPTER...

✾  "Nabalitaan ko kasing naghihirap ka na, kaya nga pumatol ka sa isang bakla di ba?"

♥Marry Me♥ [ViceRylle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon