Chapter XV: Zhander-Sofia // Nica-Dylan <3

367 22 4
                                    

A/N: Sorry for the late update guys :) Medyo naging busy eh.

Dedicated to Yam-Yam28.. Isa sa mga super-galing na author dito sa Wattpad :) Maganda na, magaling pa, hindi lang sa pag-gawa ng story, pati rin sa paggawa ng poem and songs :) Idol ko yan eh. Guys, read her story.. Girlfriend For Hire, [GFFH book 2] Officially His Girlfriend, Living together with my enemy, Along came this girl, and many more.. Just look at her works :)

NOTE: Guys, di ko alam kung bakit ayaw gumana nung video sa side -___- Click nio na lang muna yung external link ----> tomorrow ko na lang aayusin. Im in a hurry right now.

Chapter XV: Zhander-Sofia // Nica-Dylan <3

~~~~ ZHANDER's ~~~~

Totoo ba to? Nagbalik na ba talaga siya at magkikita kaming muli?

Nag-aayos na ko ngayon, para mamaya. Pero, mahal ko pa rin ba talaga siya? Sa puso ko, hindi ko alam. pero sa isip ko sinasabi nito na mahal ko pa siya. Sh*t bakit ba kasi siya bumalik pa. Nagmomove on na nga ako oh.

Kung nagtataka kayo kung sino yung tumawag sakin kagabi.. Siya si Sofia Anne Mendoza. Ex-girlfriend ko. Actually, ex na nga ba? Wala kasi kaming closure. Bigla na lang siyang umalis dito para sa pangarap niya. Someone offered her na magmodel sa France, and she actually accepted it without me knowing. Tapos tinitext or tinatawagan ko siya pero di niya sinasagot. Sagutin man, ang cold pa, tapos papatayin na lang bigla. Alam mo yung feeling na, parang hindi na kayo kahit kayo pa, kasi wala na siyang gana?

Iniisip ko dati baka pagod lang siya sa pictorials or rehearsals niya, pero hindi eh. Ayaw na niya talaga sakin, at yun ang pakiramdam ko.

She chose her dream over me and he ignored me during those years, pero bakit ngayon, bigla na lang siyang babalik at sasabihing mahal pa din niya ako. Totoo kaya yun?

Papunta na ko sa fave restau namin, kung san kami magme-meet ngayon.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Di ko alam kung dahil ba gustong-gusto ko na siya makita o dahil may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari...

But one thing for sure, habang hindi ko pa napapatunayang mahal ko pa talaga siya hanggang ngayon, I won't treat her the way I do before. I'll confront her. I'll tell her everything.

Well, it's her fault, leaving me there hanging & dumbfounded. Leaving me like an idiot without knowing any single piece of the reason.

~~~~ JULIANNE's ~~~~

"Sofi, di ko alam na ex mo pala to ah. And teka nga, i'm thankful na pumayag ka sa plano ko.. Pero bakit nga ba kita napapayag?" nakakapagtaka din kasi. alam nio na..

Remember nung pinahanap ko ang files ni Bluenica at Zhander? Napagalaman ko na yung ex ni Nica, eh yung Dylan na nakakasama na niya ulit ngayon, and nagulat ako ng makita kong ex pala nitong si Zhander ang pinsan ko. Kaya pinauwi ko siya dito sa Pilipinas.

"You know, sa mga kinukwento mo sakin about dun sa Nica at kay Ford, i concluded na magiging masaya siya at mahal niya si Nica. The way he acted based on your stories, hindi lang basta basta bestfriend ang tingin niya. I should know that. At ganun niya din ako tratuhin dati. Mahal ko siya. Through this years, wala pa akong minamahal muli kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko hahayaang mawala siya sakin. Oo, iniwan ko siya noon, pero hindi ko na hahayaan ulit mawala siya sakin. Unless, he please me to do so. At alam mong hindi ako basta basta susuko.."

"WHAT? Couz, Sofi, alam mo naman diba? Sinabi ko naman sayo na I'm doing it para marealize nila yung dapat nilang marealize.. Hindi para maging kayo ulit." peste naman tong babaeng to. Pagseselosin lang nasa utak ko eh. Iba yata pagkakaintindi neto. I'm being a good one here, but this girl sucks >.<

Should I Sacrifice Our Friendship?Where stories live. Discover now