MEBG 6.

1.2K 30 5
                                    

Posted: 09-12-14

a/n: Goodevening guys...treat ko sa inyo. Short update lang siya na tinype ko kanina sa bahay. Hope you like it. Babasahin ko comments ninyo later. Iyon eh kung hindi pa ako knock-out. LOL

Angelo...

Nanlumo ako kinabukasan paggising ko ng wala akong makapa na katawan sa tabi ko. Mas lalong nanlumo ako ng makita kong bakante ang kabilang side ng kamang kinahihigaan ko. I'm expecting that, though umasa pa rin ako na magigisnan ko ang maamo niyang mukha sa paggising ko.

Nagpakawala ako ng mabigat na buntung-hininga. Nag-inat ako sabay upo sa kama. Anong kalokohan ang nagawa ko kagabi? Masyado na naman akong naging harshed sa kanya. Ipinangako ko sa aking sarili na magiging dahan-dahan ako sa pakikipaglapit sa kanya. Pero iba ang naging reaksiyon ng katawan ko ng masilayan ko siya pagkatapos ng limang taon. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Hindi ko napigilan ang galit na umusbong sa puso ko.

Sobrang sayang emosyon ang nabanaag ko sa mukha niya ng makita ko siya sa grocery kahapon. Nakaramdam ako ng matinding galit doon. Dapat malungkot siya. Bakit hindi ko makita iyon? Gusto din ba niya iyong mangyari?

F*ck!

Hindi ko nakontrol ang emosyon ko dahil doon, lalo na at hinahanap-hanap siya...f*ck! Nakakainis talaga. Akala ko ako lang itong walang puso ngunit maging siya ata ay ganoon na rin. Kasalanan ko naman...umasa lang ako na hahanapin niya ako, na ako ang paghihinalaan niya. Ngunit mali ako dahil iyon marahil ang gusto niya.

I know I don't have the right to hurt her. Pinagsisihan ko iyong pananakit ko sa kanya kagabi. Pero hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin kagabi. Iyon ang nakikita kong paraan para bumalik siya sa akin. Dahil hindi ko naman magagawang gamitin ang hawak kong alas para bumalik siya sa akin dahil ramdam ko naman na hindi niya ito gusto. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala sa akin. Tama na iyong pinakawalan ko siya noon. Hindi ko na iyon uulitin dahil baka mawala na siya ng tuluyan sa akin.

Maling-mali na isinali ko siya sa galit ko kay Jupiter noon. When in fact, hindi ko naman siya dapat idinamay. Gago lang talaga kasi ang kapatid niya at winalanghiya ang kapatid ko. Ngunit mas gago ako dahil idinamay ko ang inosenteng babae para makapaghiganti sa panggagago ng kuya niya sa kapatid ko.

She is innocent, pure and young back then. Sinamantala ko iyon dahil alam kong magwawala sa galit si Jupiter when he found out na kami na ng kapatid niya at sobra siyang nahuhumaling sa akin. I used her to get even with his brother. Sa pamamagitan niya ay makakaganti na ako ng labis-labis kay Jupiter. But I was wrong. Ako ang nahulog sa patibong ko sa kanya para makaganti. Nahulog ang loob ko sa kanya habang tumatagal ang samahan namin. I fell in love at balak ko ng seryosohin ang relasyon namin ngunit naalala ko na kalaban siya. Sinabihan na rin ako ng kapatid ko na itigil na ang palabas namin at ipatikim na kay Sasa ang pait ng pagkabigo. Masakit para sa akin na gawin iyon ngunit wala akong magagawa dahil kailangan kong sumunod sa usapan namin ng kapatid ko. Mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa nararamdaman ko noon para kay Sasa.

I love my only sister. Nasasayangan ako sa kinabukasan niya dahil napakabata niyang nagbuntis. Ang masama pa nito ay itinanggi ng nakabuntis sa kanya na kanya ang bata. Napakawalang puso ng lalaking iyon at sobrang nagagalit ako dahil hindi nito mapanagutan ang ginawa niya sa kapatid ko. Paano naman kasi may nabuntis din itong ibang babae at sa malas ay mahal na mahal nito ang babaeng iyon. Hindi iyon matanggap ng kapatid ko kaya naman tinangka niyang magpakamatay. Baliw na baliw kasi siya masyado sa pagmamahal ng lalaking iyon.

Si Jupiter iyon na kuya ni Sasa. Ang pinakapalikerong lalaki sa lugar namin. Siya ang walanghiyang bumuntis sa kapatid ko. Siya ang kinababaliwan ng kapatid ko.

Nakaligtas ang kapatid ko sa kapahamakan ngunit may mabigat na kahilingan siya sa akin. Ayokong pumayag noong una ngunit masyado ko siyang mahal para tumanggi sa hinihiling niya. Wala akong nagawa kundi umoo. Alam kong iyon ang makakapagpagaan ng kalooban niya. Iyon ang panghahawakan niya para makaganti ng todo sa taong nanakit sa kanya.

Nagtagumpay ako sa paghihiganti. Nasaktan ko ng sobra-sobra si Sasa. Halos magkaawa siya sa akin bumalik lang ako sa piling niya. Kalat na kalat sa buong lugar namin ang ginawa ko sa kanya. Nakarating iyon kay Jupiter at halos magmakaawa din siya sa akin hwag ko lang iwan ang kapatid niya. Ngunit huli na. Nangyari na ang lahat. Nakaganti na ako sa kanila para sa kapatid ko. Masaya na ang kapatid ko. Ngunit ako, naiwan akong basag ang puso. Mahal na mahal ko si Sasa ngunit sinaktan ko lang. Umalis siya sa lugar namin at kinalimutan ako ng tuluyan.

Ngayong nakabalik na siya ay uunti-untiin ko ang pakikipaglapit sa kanya. Aayusin ko ang maling nakaraan namin. Aayusin ko rin ang maling engkwentro namin. Dapat ako ang magpakumbaba. Ako ang may malaking kasalanan sa kanya kaya dapat ako ang sumuyo. Ngunit bad shot na ako sa kanya.

Bakit ko naisipang gawin iyon?

Bakit ko siya sinaktan imbes na nilambing ko?

Naunahan naman kasi ako ng galit. Lalo na at balita ko ay may kinahuhumalingan siyang lalaki. Papaano na ako? Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

Sino ba ang Angelo na iyon? Kapangalan ko pa siya sa pangalawa kong pangalan. Nakakainis na malamang may mahal na siyang iba. Hindi na ako ang umuokupa sa puso niya, naunahan na ako ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY EX-BOYFRIEND'S GIFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon