CHAPTER 5 - THAT JERK, A FRIEND?! NOOOOO!!

567 18 2
                                    

"Hi Thea! Althea Tolentino, right? ^___^"

O___O?! Yung-yung-yung boses na yun??!

Kilala ko yun.. Kilalang kilala

*snap*

"Oh bakit nakatulala ka dyan! Nagagwapuhan ka sa kin noh!??" - Jerich

Aba't ang hangin neto. Liliparin na nga yata ako eh. Wiiiih corny mo Thea hehe. Hindi ko 'to kaya!! Hindi ko siya feel kasabay. Bababa na sana ako pero bigla na lang umandar ung tricycle. At kameng dalawa lang dito sa likod/labas ay hindi tatlo pala kame kasama yung driver ahaha.

"Waaaaah! Bakit mo ko hawak sa bewang. Bastos ka...!" - Ako

"Aray! Aray! Hindi naman kita.. Aray! Binabastos.. Aray! TEKA NGA---"

Napatigil ako sa panghahampas sa kanya kasi sinigawan niya ko at siya naman tumigil din, ewan ko kung bakit. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa magsalita na siya.

"Sorry.. Kaw kasi eh ako na nga 'tong tumutulong ako pa masama. Tsk"

SORRY!?? Marunong naman pala mag'sorry' ang bugok na 'to eh.

"Eh bakit mo ba kasi ako chinachansingan este hinahawakan sa bewang??!"

"Okay ka lang?? Edi nahulog ka na kung hindi ko ginawa yun..."

Huh? Ako? Mahuhulog? Kanino? Ay hindi Paano pala?..

.

.

.

.

.

.

.

.

Ay oo! Bababa nga pala sana ako dito kanina pero biglang umandar kaya muntik na ko malaglag pero sinalo niya ko. Buti na nga lang di niya ulit ako binitawan tulad kanina. Ouch!! Sakit pa din nun ahh!!

"Ahh.. Thank you ha pati kanina thank you na din kahit binitiwan mo ko"

"Ahh ehh un ba?! Badtrip kasi ako kanina kay Danny ehh. Pero dahil sayo nawala ang pagkabadtrip ko. Sorry ahh.. Thanks na din ahaha"

Napakamot pa sa ulo ang loko. By the way eto na ang bahay naming, bababa na ko.. Hindi ko na din feel ang atmosphere dito ehh.

"Sa tabi na lang po/ Sa tabi na lang ho"

O___O <-- Ako

O___O <-- Siya

"AHAHAHAHAHA"

Natawa na lang siya at ako naman ganito na =___=. Paano kasi kasabay ko padin pala siya sa pagbaba... Aist

"Manong, Eto po bayad ohh.. Dalawa!!"

DALAWA?? Libre niya ko? WEH??! Naku, baka may kapalit yan. AYOKO!!!

"Ay manong, isa lang po yan may sarili akong bayad" Sabay kuha ng wallet ko at kuha ng pera. Tsk wala pala kong barya at ang laki pa ng buo kong pera. P100. Di bale na!

"Hindi manong dalawa mo na yan!"

"Kuya, isa lang yan. Eto bayad ko!" Sabay abot sa kanya ng pera.

"Naku miss ang laki ng pera mo ehh. Dito ko na lang kukunin tsaka magsyota naman kayo eh. Ok na yun"

=___= Psh! Si manong PAUSO! Syota daw??? A−S−A. Pero no choice na.

"Ay naku manong, hindi ko yan syota noh. Pero sige na nga tatanggapin ko na ang libre niya."

At umalis na si manong pagkabigay ng sukli. Tiningnan ko naman si Jerich.

"^___^"

=___= Makangiti ahh. May bukas pa. Aish.

"Pakipot ka pa tatanggapin, din pala."

"Psh. Eh bakit mo ba kasi ako nilibre?? My kapalit yun noh" Napatakip na lang ako sa katawan ko.

"Hoi, Hindi ako rapist . Tsaka kung rapist man ako, hindi sa'yo. Ahaha"

"Bwiset ka! Bakit nga kasi?"

"Wala lang! Masama ba? Tsaka para na rin sa bagong magkakilala"

Inabot niya ang kamay niya sakin na pormang makikipagshake hands. Anu naman kayang pakulo neto?.

"Hi! Paul Jerich Gonzales ^____^"

At your service!! Ahahaha nakakatawa talaga yun. Bentang benta sakin eh ahaha. Inabot ko naman yung kamay niya at nakipagshake hands. Whoaaa! Ang lambot ng kamay niya.

"Althea Tolentino, nice meeting you. Sige diyan na bahay ko." Sabay turo ko sa bahay sa likod ko.

"Ahh sige bye"

Aalis na sana ako kaso hindi pa pala niya nabibitawan ung kamay ko.

"Ahh ehh ung kamay ko" ANO??! NASARAPAN LANG?!! AHAHA

"Ay sorry ahaha. Sige, Goodnight ^____^"

Wow ahh!! Kakaiba talaga 'tong lalaking 'to. Silipin ko nga. Ayun. Bakit siya naglalakad eh diba kaya siya bumaba dahil dito na bahay niya. Gulo talaga nun.Haist.

***

Pumasok na ko sa bahay. Nasa kusina si mama. Pinuntahan ko at nakipagchismisan muna. Close kami eh like barkada lang ahaha. Pagkatapos ko kumain dumiretso na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, plakda na ko sa kama ko. Sobrang pagod ako ehh. Papikit na sana ako nang.

*Whistle* ringtone ko yan.

May nagtext!! Ahaha

From: +63946*******

Hi =))

Sino naman kaya 'to??! Baka wrong send lang. Hindi ko na rereplyan. Maliligo na muna ako.

*Whistle*

From: +63946*******

Jerich 'to =))

O___O J−je−rich??!

A Little Romance: DREAMS do come true.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon