CHAPTER 1

4 0 0
                                    

CHAPTER 1

“IRIS, paki-settle na itong mga natapos ko na i-arrange. Make sure na tama ang mga address na padadalhan niyo nito. Ayoko na merong client na mag co-complain.” Saad ni Antheia sa kanyang secretary.

  “Yes, Miss.” Sagot naman ni Iris.

Abalang-abala ngayong araw si Antheia sa kanyang flower shop sa kadahilanang Valentines Day at tambak sila sa orders ng mga bulaklak. It’s almost lunch break and they have already delivered almost a hundred bouquets sa umaga pa lang. Minasa-masahe niya ang kanyang balikat dahil nangangalay na ito sa dami ng kanyang gawain at tanging si Iris lamang ang kanyang katuwang dahil umabsent ang isa pa nyang empleyado.

“Kelangan ko ata mag hire ng mag papart-time every special occasions,” sambit nya sa sarili.

Biglang nag-ring ang teleponong nagtatanggap ng kanilang mga orders. Napabuntong hininga muna siya. It’s 12 o’clock at nagugutom na talaga sya.

“Ako na po ang sasagot,” pahabol ni Iris. “Mag lunch na po muna kayo.”

“Ok, last client na muna yan at mag lunch ka na din. Resume na lang tayo ng 1:30.” Sagot niya naman. “And I told you, wag mo na sabi ako i-po. Nakakatanda pakinggan.”

Napangiti na lang din si Iris at tumango ito. Siya naman ay dumeretso sa katabing café na pag mamay-ari ng kanyang kaibigan at doon nananghalian. Marami-rami din ang mga costumer ng Khione’s Café. Dahil nga Araw ng mga Puso, it’s just too obvious na halos lahat ng mga costumers dito ay nag de-date.

Umupo muna si Antheia sa bakanteng table na malapit lang sa counter. Andami pa din naman kasing nakapila. Napangiti siya nang nilapitan siya ng isang waitress na isa niya ring kaibigan at may dala-dalang pagkain na nasa tray.

“Late na lunch mo ah. Oh eto na ang the usual mo,” patawa-tawang sabi ng kaibigan niyang si Cybelle.

“Hayst. Nakakapagod nga eh. Andaming orders,” tugon niya naman. “Wait, ambilis ng mata mo ah. Nakita mo kaagad ako.”

Napatawa na lang ito sa kanya at sinimulan niya na ring kainin ang abalone pasta na dala ni Cybelle with Orange Juice as the beverage.

“Ang konti ng kinakain mo eh busy ka ngayon. Oh eto pa,” sabi ng bagong dating na si Khione, ang may-ari ng café na kaibigan niya rin. May dala etong dalawa pang abalone pasta at 3 slices of red velvet cake at dalawa pang orange juice.

“Hala ka naman Khione, ipapakain mo talaga lahat yan sakin?!” nandidilat ang matang tanong ni Antheia.

“Ano ka! Ikaw lang ba gutom? Oh Cy, mag lunch ka na din. For sure mag o-overtime tayo.” Sabat naman ni Khione.

Napangiwi na lang si Antheia rito at siya namang tawa ni Cybelle. Pare-pareho silang tatlo na abala sa araw na ito. Sinamantala nila ang lunch break para magbonding kahit sa konting oras lang dahil maya-maya lamang ay may kanya-kanya na naman silang mga gawain.

“Have you received your flowers today?” kapagkuwan ay tanong ni Khione kay Antheia.

Naalala naman ni Antheia ang araw-araw na natatanggap niya. Mag-tatatlong buwan na rin ang nakalipas simula nang makatanggap sya ng mga bulaklak sa isang misteryosong tao. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung sino ang taong ito. She confronted some guys she know that admires her pero wala sa kanila. Isang malaking question mark sa kanya si ‘L.’ na siyang pangalan na inilalagay sa card ng bulaklak na natatanggap niya.

“Nah, and I’m not expecting.” Tugon nya naman. Ito naman palagi ang kanyang tugon sa kaibigan sa tuwing nagtatanong ito. She doesn’t feel any anticipation at all lalo na at mag-tatatlong buwan na rin pero wala pa rin siyang ideya kung sino ito. Looks like this anonymous guy doesn’t even bother to introduce himself to her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Alluring Trinity - Antheia Montefalco [ONGOING]Where stories live. Discover now