Chapter 5: Trouble

60 2 0
                                    

Nicole's POV

That bitch! >_< Nakakainis yung babaeng panget na yun. Tss. Isa pa yung si Lucas. Parang kinalimutan na niya lahat ng pinagsamahan namin. Parang wala ng nararandaman sakin. If i know, nagpapangap lang siya na ayaw na niya talaga sa akin. As if naman no. Sa ganda kong 'to? Pati bakla magiging lalaking tunay. ;)

"Mukang nagiging malapit ang loob nila Lucas sa ugly duckling na yun. Wala ka bang gagawin, Nics? Mukang inaagaw na nila si Lucas." Tama si Milrose. Halata naman e. Halatang gusto ni Love si Lucas. Lalo tuloy kumukulo yung dugo ko sa mukang bunot na yun! -__-

"Hindi na ako magtataka kung one day, na agaw na niya lahat sayo. Pati yang trono mo." Sabay smirk ni Mikko. What the?! Hindi pwede yun!

"Hoy Rica Mae! Bakit ba ang tahimik mo dyan?! Mag isip ka ng gagawin natin. Err. naii-stress ako eh!" Palibhasa siya lang yung mabilis magisip. Pero hindi kame bobo ha? Siya lang talaga mabilis magisip.

"Hindi dapat tayo nag plano. Dahil ang mga bagay na pinaplano, hindi natutuloy at minsan na uuwi pa sa gulo." Seryosong sabi ni Rica habang nakatingin sa IPhone niya.

"Pwede ba! Huwag kang atakihin sa mga matatalinagagang salita mo." Nakakairita e.

"Uhmm. Nics, MATATALINHAGA yun. Hindi MATATALINAGAGANG." Biglang sabat ni Mikko habang ngumingisi.

"Manahimik ka nga dyan! Alam ko mga sinasabi ko no! Baka gusto mong makakita ng nagmumumog ng ngipen?!" Hindi sila nakakatulonh promise. -___-

Habang rumarampa kami dito sa Hall way papuntang Canteen, lahat ng tao nagsisilihisan. Yan ang mga gawain nila tuwing nakikita at dadaan kaming apat. Syempre naman kami pa ba? I mean, ako pa ba? Ako ata ang Queen Bee sa school na ito. *evil smile*

Lahat sila nag lihisan ng daan, maliban sa tatlong babaeng nanatiling nagkukwentuhan sa gitna ng hall way. Nainis ako dahil binali wala nila yung presensya namin. Lalo na ng makita ko yung babaeng naka gitna sa kanila.

"Hahaha! Tulo laway ka pa nga kanina e. Haha!"

"Haha! nagsasalita ka pa nga habang natutulog e. Nakakahiya ka kaya knina! Para kang tanga! hahaha"

"Hindi na parang, tanga na talaga yan! Whahaha!"

"Napaka sakit niyong magsalita sa'kin. Kaibigan ko ba tlga kayo?

At patuloy pa silang nagtatawanan/Nagaasaran kahit alam nilang nandito na kame sa harapan nila. Lahat ng tao samin na nakatingin. Nakapamewang kaming apat habang nakataas ang isang kilay na tinitignan sila ng masama.

"Excuse me?" Taas kilay na sabi ni Mikko.

"Oh daan na. Laki laki ng daan e." Sagot nung babaeng nasa kanan. Maganda sana kaso mukang lalake kung umasta.

"what the?!! Err! Go to hell!!" Sagot ni Mikko na parang gusto ng manampal.

"Go to hell? Bakit mo nman ako pinapapunta sa teritoryo mo? Ikamusta mo na lang ako sa tatay mo dun ha?" Papilosopong sagot nito.

Sasampalin na sana ni Mikko yung pilosopo kaso, tinabig nung mabahong nilalang yung kamay ni Mikko.

"Ano ba sa tingin niyo ginagawa niyo nanaman? Nananahimik kami dito ah?! Namumulang sabi nito. Tsss. ang panget niya.

"Haharang harang kasi kayo sa daanan namin!" Pataray kong sabi.

"Kelan pa naging sa inyo 'tong hall way?! Sa inyo ba 'tong school na to?! Feeling niyo kayo ang batas dito!! Pantay-pantay lang ang tuition na binabayaran natin dito kaya huwag kang umasta dyan na parang Reyna!!!" Halos pasigaw na niyang sabi.

That &quot;Pag-ibig&quot; thingy.❤Where stories live. Discover now