Chapter 38: Courage

129 11 0
                                    

Yna's POV

"WAIT, WHERE ARE WE GOING?" I asked. Paano'y hindi ko alam kung saan kami pupunta.

We are in the middle of SLEX and we are going somewhere south.

"You'll see."

Inirapan ko siya. Pwede namang sagutin niya na lang. Ang hilig mang bitin.

"Nagugutom ako."

"Okay. We'll take the drive thru. What do you want?"

"Jobee!" Magiliw kong sagot. Nauntog pa nga ako sa kisame ng sasakyan. Pero agad ko ring naitikom ang bibig nang lumingon siya sa'kin na salubong ang mga kilay.

"What the heck George? Wear your seatbelt!" Asik niya at binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. "And what in the world is Jobee?

"Duh! Wala ka bang childhood?"

"Is that even a restaurant?!"

"Ano ba! Bida ang saya! Palibhasa puro ka sa 5-star hotel kumakain."

"Oh okay. Alam ko na ang tinutukoy mo. Can't you please stop naming things on your own?"

"Eh sa Jobee ang nakasanayan ko eh." Natawa naman siya. "Bakit ka tumatawa?"

"I remember. Bulol ka nga pala nung bata. I even remember you calling me Igel or Riel." Natatawang kwento niya kaya agad ko siyang pinalo sa braso. "Hey stop it young lady! We're in the middle of the road!"

Hindi ko na siya kinulit pa at nagpatuloy nalang ako sa pagdungaw sa bintana.

Mas binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at gumilid sa daan nang malapit na kami sa may drive thru.

"Hi Sir, good afternoon. May I take your order?" Tanong ng babae sa na naririnig namin mula sa speaker.

Lumigon naman sa'kin ang kumag. "What do you want?"

"Hmm super meal. Tas large ice tea. Dagdagan mo rin ng choco sundae pati peach mango pie."

"Are you serious?"

"Sige joke nalang! Nagtatanong ka tas ayaw maniwala."

Eh sa nagugutom 'yung tao eh. Isa pa, siya naman may kasalanan. Ipinaalam niya agad ako kila mommy na mamasyal kami kaya hindi tuloy ako nakapagbreakfast kasama sila.

Hapon pa kasi kami dapat magkikita pero sobrang aga niya akong inaya. Total pareho na rin naman raw kaming nasa simbahan eh di ituloy na namin.. yung gala.

"Tch." Agad niyang sinabi ang mga orders namin saka kami nagtungo sa kabilang window.

Mabilis naming nakuha ang order at tumigil muna kami sa gilid ng fastfood para kumain.

"Sure kang okay lang na tumigil tayo?" Tanong ko habang umiinom ang ice tea.

"Can you even eat properly with those orders? Napakatakaw mo." Aniya at kinuha ang burger na inorder niya. "What are you staring at?"

"Yan lang kakainin mo?"

"I'm not like you."

Biglang tumaas ang kilay ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Wala. Eat."

Sinimangutan ko siya at saka nagsimulang kumain.

Inuna ko yung fried chicken at tinabi 'yung balat no'n. Ugali ko kasing hinuhuli ang pagkain ng balat. Matapos no'n ay kinain ko rin 'yung spaghetti at shanghai rolls.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now