Entry #2

22 2 1
                                    

Kris,

  How do you unlove a person? Eh, can you do that ba talaga? I mean, kaya nga ba natin alisin yung love na ‘yun para sa isang tao?

Can I really unlove you?

Can I really just forget everything about you? about us?

Akala ko noon, kapag sinasabi ko sa mga kaibigan ko na nakikipag break eh mag move on sa taong mahal nila ganun lang kadali gawin ‘yun. ‘Yung tipong itutulog mo lang, iiinom mo lang o kaya iiiyak mo lang wala na. Tapos na. Game over na sa sakit. Kaso hindi pala ganun ‘yun kadali. Hindi pala ganun kasimple, hindi pala ‘yun one step forward tapos dire-diretso ka na. Minsan pala when you take a step forward you also take two steps back.

Ilang beses ko na ba na sinabi yung linyang I am totally over him na I already moved on but when something happens, or someone did something para maalala kita, para maalala ko lahat, I stop and then I took steps backward. I always take one, kung minsan nga hindi lang isa, isang katutak na step backwards ang ginagawa ko kapag may mga bagay na nagbibigay ng pag-asa sa akin. Ang tibay ko no? Isang bagay lang, isag hint lang ng pag-asa I always stop my track then go back. Kaso, hanggang kalian nga ba ako aasa? Every people ask me that, I also ask that to myself pero honestly, hanggang ngayon hindi ko alam kung hanggang kalian. Hindi ko nga din alam kung titigil din ako.

Ganun pala ‘yun. Before, I also thought na ang lahat ng questions is answerable by YES or NO lang. Naniniwala kasi ako na ‘yun lang naman ang pwedeng pagpilian. Isang sagot lang ang meron sa isang tanong. Akala ko noon hindi pwede ‘yung hindi ko alam, maaring pwede o maaring hindi. Pero minsan pala, may mga tanong na hindi mo alam kung ano ang isasagot mo. Hindi mo alam kung YES ba or NO. Minsan nga nadudugtungan ‘yung tanong na ano nga ba? Hanggang sa it will pile up at ang gagawin mo na lang is to bury it deep. And when the time that it arises again, madadagan ulit ‘yung tanong mo. Hanggang sa hindi mo na talaga alam kung ano ba ‘yung isasagot mo sa tanong na ‘yun.

But I still believe that it can be answered. Lahat ng tanong ko, alam ko eventually will be answered. Hindi nga lang ngayon and it will still pile up but in the right time, i’ll have the answers.

Kris, ikaw? Did you ever ask why we end up like this?

Have you ever had a question about us? 

Have you wonder what goes wrong?

and do you, have questions about me, at all?

Kasi ako, I always have and probably, I always will.

Mia

Para kay KrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon