Chapter 2

7 0 0
                                    

10:15 am \ AP Subject

 Nandito kami ngayon sa classroom at ginagawa ang aming tradisyon, 'Ang kumain habang naghihintay sa aming guro' na si Ms. Amorque. Kasama ko kumain ang aking mga kaibigan at pare-pareho kami nagulat kay Miyara na naglabas ng cornbeef na nasa lata at hindi pa naluluto, at naglabas din ng kanin na nasa baunan niya.

 "Putcha, Miyara wala tayo kalan dito." sabi ni Ciara. "Tangek, luto na yan." sabi ni Miyara "Paano mo naman niluto yan?" tanong ni Johara "Putek na trip yan."

 Natatawa kong sabi, ngunit nung tinikman namin, ayos lang naman ang lasa, luto nga. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit kami at sabi ng isa namin kaklase malapit na si Ms. Amorque. Kaya mabilis kami nag-ayos ng classroom at umupo na parang walang nangyaring kalokohan.

10:30 am \ AP Subject

Kami ay nakaupo na ngayon at napatigil si Ms. Amorque, dahil sa amoy ng classroom at kami ay kanyang tinanong. "Bakit ganito ang amoy ng classroom niyo, sino kumain sa inyo kaloka mga bata kayo. Huwag niyo na 'yon uulitin, malalagot na naman ang adviser niyo." sabi niya.

Habang nagtuturo si Ms. Amorque, patago kong inayos yung mga gamit na ginamit ko sa pagkain kanina.

 Buti nalang talaga may nag-sabi sa'min na malapit na si Ms. Amorque, mamaya na-suspended na kami.

11:55 am \ Lunch

"Buti din maaga kayo natapos kumain kanina." sabi ni Axiel. "Oo nga e, mamaya na-suspended pa kami." sabi ko. "Bat kasi kayo kumain sa klase?" tanong niya. "Pinagplanuhan kasi namin ni Johara tsaka ni Lenard yan." sagot ni Miyara na nasa likod namin. "Oo nga, pinaplanuhan namin yan, diba Johara?" tanong ni Lenard kay Johara which is tumango nalang si Johara. Bumaba na kami at nagtungo na sa usual place namin sa canteen.

2:30 pm \ Filipino Subject

 "Okay class, sino makakapagbigay sa'kin ng kwento ni Francisco Balagtas?" Tanong ni Ms. Milena at tsaka naman nagsitaasan na ang mga kamay ang iba. As she was calling students for recitation, nag-isip ako ng mga kwento na isinulat niya at nagtaas ng kamay. "Yes, Reyes." Tawag ni Ms. Milena. "Florante at Laura po." Sagot ni Reyes.

 Akin na dapat yun eh kaya binaba ko na ang aking kamay. "Yes, Fardino? Nakita kong nakataas ang kamay mo kanina." Turo sa'kin ni Ms. Milena. "Ayy, nasagot na po yung akin." Sagot ko and she then proceeded on calling the others. Napatingin naman ako sa relo ko at nakita kong 2:50 pm na. 

 Extended nanaman si Ms.

Nakita ko na nagsisilabasan na ang ibang section para sa early dismissal at maya-maya't nakita na ni miss ang mga estudyante na nag-uuwian na, and later dismissed the class.

"Nagugutom ako." Ungol ni Lishayra at naki-agree naman ang iba. "Jusko, kumain ba kayo? Parang halos 'di kayo nakain tuwing lunch." Reklamo ni Ciara. "Kaya nga, madami na tayo kinain sa classroom gutom pa din kayo." Reklamo din ni Johara. "Sige sino g?" Tanong ni Mariel.

"G saan?" Tanong ko. "Punta tayo mall, kain sa Jollibee tas gala." Ngiting sagot ni Mariel. "Sige!" Sagot namin. "Dapat may manglilibre! Tas sa SM tayo pupunta." Dagdag ni Mariel. "Ayy, poor kid po ako." Ngiti ni Miyara. "Sige na, ako na manglilibre basta kayo na sa pamasahe niyo." Sagot ni Ciara,

Nagpaalam na muna kami ni Mariel sa service namin na hindi kami sasabay at sumakay na ng jeep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Southern Strings of LoveWhere stories live. Discover now