Chapter Eleven

162 11 11
                                    

❝Sometimes love's intoxicating. ❞

-T H E S C R I P T : N O T H I N G

♥⋱⋰♥⋱⋰♥⋱⋰♥⋱⋰♥

NO


.


.


.


But I'm starting to...



Tahimik na pinagmasdan niya ang papalayong pigura ni Ethan. She didn't know why pero she could feel something heavy settle inside her stomach matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kay Ethan. Tahimik lang siyang pinagmasdan nito, face a complete blank, at umalis na para bang tapos na sila sa pinag aawayan nila. As if he was done with the issue. Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan kung ano nga ba talaga ang nangyari ng mga segundo matapos niyang sabihin iyon kay Ethan. Were they okay? Hindi na ba ito galit sa kaniya? Or was he even more angry at her?


"Sige pa Reese... konting titig na lang at baka madapa na iyang kuya ko. Ipagpatuloy mo lang yan."


Muntik na siyang mapatalon nang marinig niya ang boses na iyon na nanggagaling sa likuran niya. Spinning around, she came face to face with a grinning Nixie. Sa likod nito ay si Zia na abala sa pagtitipa sa cell phone nito at si Krysha na nakapamaywang habang nililibot ang tingin sa paligid.


"What the heck?!" bulyaw niya saka inilagay ang kamay sa tapat ng puso niya na hanggang nun ay malakas at mabilis pa ri na tumitibok dahil sa pagkagulat. "Gusto mo ba akong patayin Nix?"


"Naahhhh. Wala kang silbi sa akin kapag nag exit ka sa world Reese. I need you alive, ya know?"


She gave Nixie a look that could only mean that she thought she was crazy. Pero ano ba namang bago dun? Nixie had always been a little bit loose in the head. Ewan nga ba niya pero parang gustong gusto nito ang pagiging half baliw nito.


"Anong ginagawa ninyong tatlo rito? At gaano ka tagal na kayong nakatyo diyan at pinapanood kami ni Ethan?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa mga ito.


Pambihira ba naman kase. Sa lahat ba naman ng pwede nilang lugar na puntahan ay dito pa siya dinala ni Ethan. Para namang nakalimutan nito kung gaano ito ka sikat dito sa campus. They were celebreties in this school for crying out loud! She wanted to scream just thinking about what will happen tomorrow. Sigurado siya na kakalat sa buong campus ang scene nila ni Ethan ngayon and as always she would be the bad guy.


Lupa, ani niya sa kinatatayuan. Kung naaawa ka pa sa pobre kong self, lamunin mo na ako bago pa ang mga fans ng banda ang lumamon sa akin ng buhay.


"Ayos din kayo ni Ethan Reese ah. Pang sine lang ang performance. Kulang na lang background music eh at tsaka pop corn," wika naman ni Krysha na ngayon ay nakangisi na sa direksyon niya.


Hindi niya na lang ito pinansin at itinuon ang atensyon sa pinaka sensible na tao sa kanilang apat, si Zia. " How the hell did you three witches know na andito kami sa park ni Ethan?"

Campus Romances 1: A Chance at Love(UNDER REVISION!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon