Chapter Seventeen

12 1 0
                                    

UN: Hey guys! Missed me? It's been 5 years since my last update. And I'm really really sorry. I will make it up, I promise. So here's an update for all of you. Open ako for suggestions sa stories. :)

So ayun, sya si Lady Viper ⬆️

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Kath's POV

Naka-akbay sakin si DJ habang andito kami sa bar. Iniisip ko pa din yung nakita ko. Bakit after all this year, naisipan nyang bumalik. I mean, ilang taon na din yung lumipas magmula ng nagkita kami and now magpapakita sya ng ganun ganun lang? May pinaplano sya at yun ang aalamin ko. Sa ngayon, iisipin ko muna ang dapat kong gawin bago muling magkrus ang landas namin ng mga magulang ni DJ. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila once ba makilala nila ako.

"Penny for your thoughts, milady?" Tanong ni Dj. Nahalata na ata niya na malalim ang iniisip ko. "Don't mind me, hindi naman grabe iniisip ko." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Saglit lang ah, pupunta lang ako ng Comfort Room." Tumango lang si Dj pero alam kong nag-aalala siya. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng ganito sa harapan ni DJ.

Pagpasok ko sa loob ng comfort room, dumiretso ako sa lababo. Naghilamos ako para mahimasmasan ako. Huminga ako ng malalim at tinignan ang repleksyon ko sa salamin habang sinasampal ko yung sarili ko. 'Anong nangyayari sayo Kath? Hindi ka pwedeng ganyan. Chill ka lang. Wag ka muna mag-isip ng kung ano ano ngayon. You're with him. Yun lang dapat iniisip mo.' Binanlawan ko ulit ang mukha ko at bumuntong hininga. Sinuot kong muli ang "nerd" glasses ko at tumungo na papalabas,
"Kamusta ka na, Princess?"
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at parang biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Pero hindi ako nagpakita ng takot, kailangan kong maging matapang bago ko sya harapin, "So, hindi nga ako namalikmata nung nakita kita kanina. Totoo ngang nagbalik ka na, Jane." Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nginisiian ko lamang sya. "Tell me, bakit naisipan mo pang bumalik? Is this the part that you're gonna kill me?" Hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha ko, nanatili akong walang emosyong kausap siya.
"Hahahahahahaha! Don't worry my dear, masyado pang maaga para jan. Kung papatayin man kita, hindi sa ngayon. Pero wala akong plano, gusto lang kita makita. After all, we're still bestfriends, right?" Nginitian ko siya pero mapait. "You're 5 years too late, Jane. You're not my bestfriend anymore. After what you've done to me! Hindi din ako naniniwala na hindi mo ko papatayin. Kilala kita, hindi ka tao kasi demonyo ka." Galit kong sabi. "Ouch!" Sabay hawak niya sa dibdib niya, "I'll just pretend that didn't hurt me. And baka nakakalimutan mo, mas malaki ang kasalanan mo sakin, hindi ako yung ahas dito. Bumalik lang ako dahil pinakiusapan akong bumalik ni Quen. Kung hindi naman ako kailangan, hindi ako babalik. Kung masama yung loob mo sakin, isipin mo din na mas masama ang loob ko sayo. Ikaw ang nanakit pero ako ang nagbabayad sa lahat ng ginawa mo." Para akong sinaksak sa dibdib sa mga narinig ko. Hindi ko na din napigilan ang mga mata ko, ang sakit. Bigla kong naalala lahat ng nangyari.

*Flashback*
We we're on a mission. Ako, si Sam, si Julia at si Jane. Kaming apat ang pinaka malakas na alpha. Kami din yung kinakatakutan. The four of us were inseparable. Pero ang pinaka-close sa lahat ay ako at si Jane. We we're like sisters. We knew all of our secrets. Pati na din yung pagkagusto ni Jane kay Sam. Bata pa lang kami, sobrang mahal na nya to. That night, Jane told me na magco-confess na siya kay Sam but I stopped her. I told her na maghintay for the right moment before she tell him. Nakinig naman siya, ang hindi niya alam, at hindi ko masabi ay yung fact na pati ako nainlove kay Sam. At ako yung sikretong girlfriend niya. I tried my best to keep her away from him, ayoko. Kasi alam ko, si Jane talaga yung unang nagustuhan ni Sam, pero dahil nagkagusto ako sa kanya, pinilit kong mapalapit kay Sam at lagi kong sinasabi na hindi siya gusto ni Jane. Kaya ako yung napansin, ako yung nagustuhan, ako yung minahal. But that night, aftee that mission, ang hindi ko alam, nagtapat pala si Jane sa kanya. Nalaman ni Jane lahat ng sinabi ko against her. Nung pagbalik ko ng HQ, I found them inside my office. Pagkapasok ko pa lang ng room, parang gusto ko nang lumabas. Alam ko na to. Dumating na yung araw na pinipigilan kong mangyari. Hindi nagsalita si Jane pero nakikita ko sa mata nya ang galit. Hindi siya nag atubi na lumapit sakin at iniabot ang isang papel sabay labas ng pinto. Sinundan siya ni Sam palabas at ako naiwan lang sa loob na nakaupo at binasa yung letter na iniabot ni Jane.
'Starting today, I am leaving HQ. I am dismissing myself from all of this. Kahit sa pagiging magkaibigan natin. I told you that I love him. You could have just said that you love him too, baka sakaling hindi ganito kasakit. You betrayed me Kath. At alam mo kung anong mas masakit? Yun yung fact na ikaw pa na hindi ko inaasahan ang mananakit sakin.' Hindi ko mapigilan na hindi humagulgol. I messed up. Then months after, nagbreak kami ni Sam. I've found out that they're secretly seeing each other. That's the reason why I kicked him out of the Gang. I felt betrayed.

*end of Flashback*

Now I realized na ako pala talaga ang mali. Sila ang unang nagmahalan ng patago. Ako lang ang umeksena kaya hindi naging sila. Papalabas na si Jane ng pinto ng pinigilan ko siya. Dahan dahan siyang humarap sa akin na mugto ang mata, "Sorry Jane. I know, nasaktan kita. I'm not asking for forgiveness but I'm glad that your back." Hindi siya nagsalita pero bigla niya na lang akong niyakap. I missed this. I miss her so much. Niyaya ko siya palabas to meet the others, she held my hand and nods.
Pagdating namin sa table, pinakilala ko siya sa lahat. Everything went well naman, kwemtuhan dito, tawanan, at kung ano-ano pa. Unfortunately, Jane needs to leave dahil kailangan na siya ni Kuya Quen sa HQ. So kami na lang ulit nila DJ ang magkakasama. He doesn't know what happened with us in the past, hindi na namin kinwento ni Jane. All they know is that we went our separate ways before. She studied abroad. Yun lang ang alam nila at wala na silang malalaman pang iba.

Lumalalim na ang gabi kaya nagdecide na kaming umuwi. Habang nagda-drive si DJ, hinawakan nya ang kaliwang kamay ko, "Ayos ka lang ba talaga?" Tanong neto. Nakikita kong naga-alala pa din siya. "Ayos lang ako DJ. Don't worry about me. Stressed out lang ako kasi malapit na yung exam week natin." He gave me that reassuring look na everything will be fine. Nagkwentuhan lang kami ni DJ while driving hanggang sa makarating ako ng bahay. I gave him a peck on his cheeks and said goodnight. I waved at him as I watch him drove away. Pagpasok ko ng pinto, sinalubong ako ng yakap ng Mama ko. Great, naibalik na pala siya ni Juls sa bahay. I hugged her back and excused myself. I'm exhausted and tired. I just need some sleep. Tomorrow is another day. And tomorrow is "that" day where I will finally meet DJ's parents....again!

The NERD that I love was a GANGSTER [★	KATHNIEL FANFIC ★] (ON-HOLD)Where stories live. Discover now