Chapter 10 (The Plan)

18 1 0
                                    

Chapter 10 (The Plan)

(Fara's Pov)

Grabe busog na busog ako. Pagod rin hays. Nakahiga nako sa kama ng pumasok sa isip ko yung sinabi ni ian bago ako umalis ng mcdo.

-Flashback-

Sya-Wag mo nang hayaang may saktan syang tao mapapayag ka lang. Sinasabe ko sayo gagawin nya lahat makuha lang ang gusto nya dahil ayaw nya ng tinatanggihan sya. Bye ingat

-End Of Flashback-

Waaahhh. Baka saktan nya pamilya ko :/ wag naman sana. Pagiisipan ko muna bago ako pumayag hays makatulog na nga.

(Jerico's Pov)

Hays! Grabeng pagpapahirap ang ginagawa samin ni zay huhu. Fara kase ayaw pang pumayag. 4 days pa ang nalalabi huwaaaahhhh di ko enjoy weekend ko! Pano kahapon si kristine kasama ko maghapon. Ang hirap suyuin grabe pero bumigay din. Sabi ko naman sainyo e walang makakatanggi sa karisma ni Jerico Lee (ngisi) grabe halos lumuhod nako sa harapan nya pero ansarap ng lips ni Kristine *^^* oo nahalikan ko sya kala nyo ha XD Tska ko na ikkwento hahaha. Antagal naman ni ian! Napagusapan namin na dito nalang sa bahay magusap. Kamusta na kaya si niccolo at zay. Si niccolo kase ang inutusan kong magbantay muna kay zay habang wala kame. 2 araw na rin kameng hindi nagkakasama nila niccolo at zay. Pero ang alam lang nila ay inaasikaso namen upang mapapayag si fara. Hindi namen sinabe na may plinano kami.

-Tok.Tok.Tok-

Hays salamat dumating rin! Bukas!

Ian-Dude! (Apir) Kanina ka pa ba?

Ako-Oo! Halos mabulok nako kakaantay.

Ian-Sorry. May kinausap pa kase ako. Bro, Darating na si Sophia nextweek.

Ako-What! Yung kapatid mo na patay na patay saken!

Ian-Oo! Nextweek. Tska na natin problemahin to. So anong inpormasyon ang nasagap mo? Imatch na natin agad para malaman natin kung iisa ang sinabe ni kristine,fara at yung auntie nya.

Ako-Eto. Ang sabe ni kristine galing dati si fara sa isang mayamang pamilya. Ang kaso naghirap simula nung mamatay ang tatay ni fara. Nagtrabaho si fara para sa pamilya nya at para tulungan ang ina nyang nagpapakahirap magtrabaho upang mabayaran ang utang na naiwan ng ama nila at mapag aral ang 2 nyang kapatid. Nalaman ko ring scholar si fara sa UP kaya nakapsok sa dun. Bro. Nagpapartime si fara twing 6-10 dun sa resto ng aunti nya. Si kristine ang pinaka matalik na kaibigan nya simula bata pa sila. Napakabait at napakatapang na babae pala talaga nyan si fara dahil nabanggit din sakin ni kristine na kaya sila.naging magkaibigan ay dahil noong inaaway si kristine sa school ay si fara ang nagtanggol sakanya. At sabi rin ni kristine na gagawin lahat ni fara para sa pamilya nya. Yan lang ang sinabe sakin ni kristine.

Sya-Okay. Tama. Nagsasabi sila ng totoo. Yan din ang sinabe sakin ng auntie nya. Sinabi mo rn ba kay kristine na demonyo ang nakalaban ng bestfriend nya? Tinakot mo ba sya para mapapayag nya si Fara na.pumayag sa gusto ni zayden?

Ako-Oo bro! Ang sinabe ko pilitin nya si fara nung una ayaw pa nyang pumayag pero nung sinabe kong kayang manakit ng ibang tao ni Zay makuha lang ang gusto nya ay pumayag na rin sya. Sabi nya pipilitin nyang mapapayag si fara para di na masaktan ang dapat masaktan. Ikaw bro napapayag mo ba sya?

Sya-Hindi nga dude! Grabe ang tapang masyado ni fara. Alam na nya kung sino at ano si zay dito sa pilipinas pero ang tanging sagot nya lang ay hindi sya natatakot kay zay. Pero nung sinabi ko rin na maaaring may masaktan kapag hindi sya pumayag ang tanging naisagot nya lang ay pagiisipan nya. At yun umuwe na kame.

Ako-So ang tanging magagawa nalang natin ngayon ay magdasal at maghintay kung ano ang desisyon nya bukas. Dahil kapag hindi pa sya pumayag bukas 3 araw na lamang ang natitira.

My Master Is A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon