CHAPTER 9 - It's Official

6 0 0
                                    

"Bakla, naloloka ako! Puro mukha ni Fafa Creed ang nakikita ko all over the news!" Nagpapaikot-ikot si Angel sa sala at kanina pa walang tigil ang rants. 


Napasapo ako sa noo ko. I knew all of this would be a big deal for everyone. Be it inside or outside showbiz. Hindi rin naiiwasang madawit ang pangalan ko sa ibang articles. Ka-loveteam ko si Creed eh. Of course, I will be mentioned. Especially sa fans ng loveteam na palaging kine-claim na mag-jowa talaga kami ni Creed in real life kahit ilang beses na namin sinasabi sa mga interviews na magkaibigan lang kami. 


"Alam mo Angel, masiyado kang OA. Umupo ka nga at nahihilo ako sa 'yo." Hinila siya ni Frances paupo sa couch. "Anyway, wala pa bang balita sa Starlance? True kaya 'yung mga pictures? Talaga bang nakatikim ang Manager Pressa ng isang malupit na kissing scene sa isang Creed Valerio?" 


"Syempre hindi! Bakit naman gagawin ni Fafa Creed 'yon? Hindi niya type ang mga tulad ni Manager Pressa no!" Pagtatanggol ni Angel. 


"Eh sinong type niya? Ikaw?!" 


"Kaysa naman ikaw!" 


"Pwede ba? Nag-iisip ako huwag muna kayong maingay." Pigil ko sa dalawang nagsisimula na namang magbangayan. 


Ako lang ang nakakaalam na mayroon talagang tinatagong relasyon sina Creed at Manager Pressa. Na lahat ng nasa headlines ng bawat articles na kumakalat ngayon ay totoo. At sigurado akong alam na rin ni Creed na alam ko ang tungkol sa kanila. 


But why does it feel like, I have to do something to help them? To get them out of the issue? Image ni Creed as a Starlance artist ang nakasalalay dito. He may be an asshole but I know that he loves his job at ayaw din niyang mawala ito. 


Nakakainis! Hindi ko na naman ito problema pero bakit pakiramdam ko may responsibilidad pa rin ako dahil lang sa may alam ako? Gosh, I hate this.


"Baks saan ka pupunta?" Tawag sa 'kin nung dalawa nang magsuot ako ng leather jacket at dumiretso sa motor ko.


"Sa company. Take care of the house for me?" 


"Ano mo ba kami, housekeeper?" Tinaasan ako ng kilay ni Angel. 


"Gusto mong mag-apply?" Balik ko naman. 


"Anong gagawin mo ro'n bakla ka nagkalat ang mga media doon ngayon baka madamay ka na talaga sa issue!" Pagpigil ni Frances. "Sasama kami!" Pahabol niya.


"No. Just stay here. May dadating akong parcel kailangan ng mag-re-receive." I just said at saka pinaandar ang motor. Dinig ko pa ang pagsumpa ni Angel sa pangalan ko bago ako makalayo.


Pagdating ko sa Starlance, nakita ko kaagad ang nagkalat na media sa harapan kaya dumiretso ako sa likod ng company para doon pumasok. Nakasalubong ko si Tita B na halata ang stress sa mukha. 


"Leina! What are you doing here? You should not come." Hinila niya ako papasok sa isang dressing room. "Nagkalat ang reporters. May mga ilang nakapasok at pilit na humihingi ng statement kay Creed at kay Pressa." Napapahilamos na siya sa mukha niya sa sobrang frustration.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORWhere stories live. Discover now